Chapter 6 - Magnus Lux Ford

2118 Words
ELY MULI akong huminga ng malalim nang makakuha ako ng lakas ng loob na kumatok sa unit noong kapitbahay ko. Hindi ako makatulog sa nangyari sa amin kagabi dahil alam kong kasalanan ko iyon. Kahit naman ata sino ay maghihinala sa kan’ya kaya ganon ang naging reaksyon ko. Napakunot ang noo ko nang lumipas ang ilang minuto ngunit wala pa ring lumalabas doon. Kaya naman muli kong kinatok iyon sa pangalawang pagkakataon. Ibabalik ko rin kasi ang box na para sa kan’ya. Ayoko namang kunin ito dahil hindi naman sa akin bukod doon, marami akong chocolates sa ref ko kaya hindi ko kailangan ang chocolates niya. Muling lumipas ang ilang minuto ay wala pa ring lumalabas kaya namang akmang kakatukin kong muli ay agad akong napahinto at napadaing dahil sa biglang pagbukas ng pintuan at natamaan ang noo ko. “Putik ang sakit!” usal ko ay mabilis na hinarap ang kapitbahay ko. Nakataas ang kilay nito sa akin. “What do you want, fatty?” tanong nito. Napakunot ang noo ko dahil sa tinawag niya sa akin. Parang nakalimuta ko na dapat pala akong humingi ng sorry sa kan’ya. “Napakasama talaga ng ugali mo! My name is Ely and not fatty!” usal ko dito sabay pairap na inabot ang box na nasa kamay ko. “Oh! Ayan na yung box mo, I’m here to say sorry that’s all,” usal ko habang inaantay na kunin niya ang box na hawak ko. Lumipas ang ilang isang minuto ay napatingin ako sa kan’ya dahil bigla akong nangalay! Hindi niya kinukuha yung box! “Hoy! Kunin mo na! Nakakainis ‘to! Sa iyo naman ito,” usal ko at mabilis na kinuha ang kamay niya. “Baka kailangan mo iyan dahil may panyo dyan na parang ipinunas sa aparisyo! Baka sakaling gumaling ang sama ng ugali mo,” habol ko. Akmang ilalagay ko sa kamay niya nang bigla nitong iiwas iyon. Kaya naman agad na natapos sa lapag ang mga nandoon sa box. Kumalat ang mga chocolates and candies pati na ang panyo na sinasabi ko. Mabilis akong tumingin sa kan’ya at pinanlisikan siya ng mata habang siya naman ay nakataaas lang ang kilay sa akin. “Pick it up,” utos nito na siyang ikinataas ng kilay ko. “Why would I? Ikaw ang pumulot, since ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nahulog!” singhal ko sa kan’ya at mabilis na tumalikod. “I thought you were sorry for what happened earlier? Then I can sense any sincerity,” saad niya na nagpahinto sa akin. “I already said sorry and that was sincere! Hindi mo mararamdaman iyon kasi wala ka namang kahit anong simpatya sa pakiramdam mo,” usal ko at muling naglakad pero agad ring napahinto nang may maalala ako. Patagilid akong humarap sa kan’ya at pailalim siyang tinignan. Kita ko ang pagkagulat nito dahil sa ginawa ko. “Ayan na ang huling mag-uusap tayo. Magpasalamat ka at hindi lang talaga ako makakatulog na may iniisip kaya ginawa ko iyan. Again! Let's don’t bother each other!” usal ko at muling humarap sa gawi ng bahay ko at naglakad papasok. Nang maisara ko ang pintuan ko ay agad akong huminga nang malalim. That will be our last argument! Hinding hindi na ako makikipag-usap sa lalaking iyon! MULI akong napatingin sa mga katrabaho kong nagkukumpulan doon sa isang tabi and take note! Kasama nila doon si Kristel na kinikilig din sa kung anong ipinapalabas doon. “Sh*t! Ang ganda ng katawan ni Magnus! Parang hinulma talaga iyong abs niya,” usal ng isa doon. Bahagya akong napatingin sa opisina ng boss namin dahil alam kong mapapagalitan sila doon kapag nakita ang kumusyon na gawa nila. “Oo nga e! May mall show iyan sa mall dito malapit sa atin, SL tayo tapos punta tayo diyan! Makita man lang natin si Magnus at si Stephanie!” saad ng isa doon na siyang sinang-ayunan ng iilan. Napailing na lang ako dahil talaga namang ipagpapalit nila ang trabaho nila para sa lalaking hindi nga sila kilala. “WHAT IS THE MEANING OF THIS?” Sabay sabay kaming napatingin sa opisina ng boss namin nang marinig namin ang boses nito. Nakasimangot ito habang nakasalubong ang dalawang kilay. “Anong meron at bakit nakakumusyon kayong lahat diyan?” tanong nito habang naglalakad papalapit sa mga kasama kong nakakumpol. “Madam, kasi may lumabas na latest picture ni Magnus kaya naman hindi namin napigilang tignan…” usal ng isang babae doon sabay pakita sa boss namin. Inoobserbahan ko naman ang magiging reaksyon nito at hindi ako nagkamali ng inaantay dahil agad na nagliwanag ang mata nito nang matapat sa kan’ya ang sinasabi ng katrabaho ko. Mukhang pati ang boss namin ay idolo ang lalakig sinasabi ng mga ito. Tumingin ako sa paligid at bahagyang akong natawa dahil mukhang ako lang ang hindi nakakakilala sa sinasabi ng mga ito. Sa sobrang kuryusidad ko sa binabanggit nila ya napapunta ako sa search at agad na tinype ang pangalang Magnus Ford. Akmang pipindutin ko na ang enter nang bigla akong nagulat sa pagsasalita ni Kristel. “AHUH! Huli ka! Bakit hinahanap mo na si Papi Magnus? Ikaw ha!” Agad akong napatingin kay Kristel na siyang sumulpot bigla sa likod ko. Nakatingin ito sa akin habang ang mga mata ay nang-aasar. “Baliw! Hindi naman, curious lang ako kung sino ba iyong pinagkakaguluhan ninyo at pati si ma’am biglang nawala ang galit,” usal ko sabay harap sa laptop na gamit ko. Muli kong pipindutin ang enter nang biglang sumigaw si ma’am kaya napatigil ako at napatingin sa kanila. “Okay! dahil may upload ang daddy namin, I will treat you all a coffee! Sinong bibili?” saad ni ma’am na ikinatawa ko sa loob loob ko. Ayos din pala na nagkakaroon ng upload iyong idol nila, nagkakaroon ng librehan. Curious na tuloy ako lalo kung sino iyong Magnus na iyon pero bago iyon. “Ma’am, ako na lang po ang bibili,” usal ko at mabilis na lumapit sa kan’ya. “Lista na lang po ang order para hindi na po ako mahirapan,” nakangiti kong saad. “Okay, sige! Wait me here, I’m going to get my wallet. Ask them na para para pagbalik ko, okya?” nakangiting usal nito. Agad naman akong tumango sa kan’ya bago siya umalis sa harap ko at masayang naglalakad papunta sa opisina niya. "Tama yan, Ely. Para naman ma-exercise ka ng kaunti… malay mo, dito ka pala pumayat," Agad akong napatingin sa babaeng nagsalita sa akin. Puno ng make up ang mukha nito. "At least papayat ako, ikaw? Gaganda ka kaya kakamake up mo?" tanong ko dito na ikinasama ng mukha nito. “At least ako magkakaboyfriend, ikaw? Walang magkakagusto sa katulad mong mataba,” usal nito. Tuluyan namang nakapakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Feeling niya! “Sorry, having a boyfriend isn’t my thing. They just bring problem and heart ache,” usal ko irap sa kan’ya. Nakarinig naman ako ng tawanan dahil sa sinabi ko. Wala naman akong sinabing nakakatawa pero nagtatawanan sila. Napatingin ako kay Kristel na bahagya ding natawa kasabay ng iba. “Alam mo, Ely– yung mga kataga mo, sinasabi lang iyan ng mga babaeng walang nagkakainterest. Yung walang nanliligaw kasi nga hindi ka lang mataba, panget ka pa,” usal muli nito. Aaminin kong bahagya akong nasaktan dahil sa sinabi nito. Alam ko kasing hindi naman ako ganon kapanget, hindi lang ako marunong mag-ayos. I take a deep sigh just to keep calm. I need to keep my composure firm. “Kung magsalita ka naman, akala mo may boyfriend ka. Wala ka rin namang boyfriend kasi ‘di ba? Niloko ka at ipinagpalit sa iba. Alam mo tawag doon? Deserve!” usal ko dito na siyang ikinagulat ng iba pati na ang mukha niya. Anong akala nila magpapaapi ako? Hindi ‘no? Not my thing! Hindi ko inilaban ang kalayaan ko sa mga magulang ko para lang insultuhin ng mga katulad nila! Bago pa siya makasagot ay dumating na ang boss namin at sinabing wala pala siyan cash kaya naman ay siya na lang ang oorder para ipadala at sa online na lang raw niya babayaran. Tumango na lang ako sa kan’ya at naglakad muli pabalik ng pwesto ko. Hindi ko binigyan ng pansin si Kristel dahil sa nagawa niya kanina. Nothing’s funny about what I said earlier but still they laugh! Totoo naman ang sinabi ko, boys only brings problem– tignan mo iyong kaaway ko kanina, matapang lang siya kanina pero dahil naging usapan ang lalaki, umiiyak na siya ngayon. “Lalaki lang iyon,” bulong ko at muling humarap sa laptop ko. Napakunot ang noo ko nang makita ko na nasa search page ako at nakalagay sa search bar ang pangalan noong idol nila. Biglang bumalik sa akin ang kuryosidad na nangunguna kanina kaya naman mabilis kong pinindot ang enter button at nag-intay doon. “Ptcha!” bulaslas ko nang makita ko ang lalaking iniidolo nila. Pilit kong hininaan ang boses ko para hindi ako mahalata ng iilan sa ginawa ko pero ptcha talaga! Seryoso ba ito?! Nakita ko sa gilid ng mata ko na tinignan ako ni Kristel. Marahil ay narinig niya ang mura ko. Sino ba naman kasing hindi mapapamura dahil sa nakikita ko. Ang lalaki lang naman na lumabas sa pangalang Magnus Lux Ford ay walang iba kung hindi ang walang hiyang kapitbahay ko na siyang kaaway ko. Ilang linggo na din ang luipas noong sinabi ko na wag na naming pakikialaman ang isa’t-isa kaya naman sa tuwing magkikita kami ay diretso na lang ang tingin ko at parang nireset namin ang oras at panahon na hindi talaga kami magkakilala. Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang tama pala ang ginawa ko! Dapat ko nga talagang iwasan ang lalaki na iyon dahil hindi siya magandang kasama o kaaway man lang dahil artista siya! Hindi mali ako! Hindi lang siya basta artista, sikat siyang artista! He is a famous one! Paniguradong maraming nakatingin sa kan’ya at nakaabang sa kan’ya! Ngayon pa lang ay dapat mag-ingat na ako. “Ely,” Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses ni Kristel sa gilid ko. Dahil sa sobrang paggulat ko at pag-iisip ay napalalim ang pag-iisip ko! Napunta ako sa ibang dimensyon! Napatingin ako kay Kristel ay nakita ko ang apologetic face niya. Hay naku! “Ely, I’m sorry, galit ka ba sa akin?” tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakasagot agad sa kan’ya dahil kinakalma ko ang puso ko dahil sa gulat. “Sorry na ulit… please, okay na tayo. Hindi ba nagpromise ka sa aking dadalhin mo ako ngayon sa bahay mo,” usal nito na mas ikinagulat ko. “Sinabi ko iyon?” tanong ko sa kan’ya na siyang tinanguan niya. “Talaga?” gulat pa rin na tanong ko na muli niyang ikinatango. “Oo nga, sabi mo noong nakaraan– friday na lang tayo pupunta sa bahay mo para pwede tayong uminom ng light beer,” paliwanag nito. Napapikit naman ako at pilit inalala ang pangyayari na iyon! At parang isang kidlat na bumalik sa akin ang nangyari! Nasabi ko iyon kasi hindi ko pa naman alam na ang lalaking lagi kong nakakasaluong at kapitbahay ko ay sikat pa lang artista! Malay ko ba naman? “Ah! Nasabi ko nga iyon pero pwedeng next time na lang kasi hindi ako nakapaglinis ang bahay, marami din akong labahan para bukas kaya siguro ay sa susunod na lang na linggo. Pangako, hindi ko kakalimutan,” mabilis kong pahayag sa kan’ya na ikinangiti nito. “Ang totoo din kasi niyan ay wala akong nadalang damit kaya sana sasabihin ko din kung pwede bang sa susunod na lang para hindi nakakahiya sa iyo,” usal nito na bigla kong ikinahinga ng maayos. Mabuti naman kung ganon dahil baka bigla akong dumugin ng mga ito kapag nakita niya si Magnus Ford doon! “Sige, next week!" saad ko at muling huminga ng malalim. Tumango lang bago ngumiti sa akin. “Ahm… sorry ulit sa nangyari kanina, natawa lang din talaga ako kasi may point pero hindi ko masabi kaya nakitawa na lang ako,” saad niya sa akin sabay yuko. “Alam mo, hindi mo naman kailangan na makisama sa kanila, pwede mo namang sabihin ang nasa isip mo, kakampi mo ako doon,” saad ko at ngumiti. “Salamat, Ely…” “Wala iyon! So, paano? Next week na lang para mapaghandaan ko,” saad ko dito na siyang tinanguna niya. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas next week basta sa ngayon. Dapat ko munang iwasan na nang tuluyan ang lalaki na iyon para hindi ako masali sa issue niya! ---------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD