Chapter 7 - Peace

1603 Words
ELY HINDI pa rin mawala sa isip ko ang usapan ng mga katrabaho ko tungkol doon sa Magnus Ford na iyon at sa tuwing pag-uusapan nila iyon ay kusang pumapasok sa isip ko ang mayabang kong kapitbahay na pilit kong iniiwasan nang sobra lalo na nitong mga sumunod na araw. Kung dati ay hindi wala lang sa akin kung makakasalubong ko siya, ngayon ay kusang lilihis ako ng daan at pasimpleng titingin sa paligid dahil sa takot na may paparazzi na nakasunod sa kan’ya. Kung sikat man talaga siya ay paniguradong merong mga paparazzi na nakapaligid sa kanya kaya feeling ko ay hindi dapat na magsalubong ang mga landas namin. Hindi ko na nga din alam kung paano ulit magpapalusot kay Kristel para hindi siya magpunta sa bahay ko. Dahil sa totoo lang ay hindi talaga maiiwasan na hindi magtagpo ang landas namin noong Magnus na iyon. “MAGANDANG gabi, Ely,” nakangiting bati ng matandang guard sa akin. Agad akong napatingin dito at sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa building namin. “Magandang gabi din, kuya,” usal ko habang bumalik ng ngiti sa kan’ya. “Mukhang malalim ang iniisip mo, ija,” usal nito sa akin. Napakamot naman ako sa ulo ko at napangiwi sa kan’ya. Mukhang halata sa akin na malalim talaga ang iniisip ko. Friday na kasi ulit bukas at noong nakaraan ay sinabi ko na hindi pwede dahil biglang nasira ang AC ko, bukas ay hindi ko na alam kung ano ulit ang idadahilan sa kan’ya since pangatlong linggo ko na siyang tatangihan baka naman sabihin niya na ayaw ko lang talaga na papuntahin siya. Pero ang totoo ay gusto ko naman talaga, ayoko lang na maissue o masumbatan kapag nakita niya dito iyong idol niya. “Ano ba iyan? Baka makatulong ako,” usal muli ng matandang guwardiya kaya naman muli akong napatingin sa kan’ya. Bigla kong naisip na baka alam niyia ang about doon kay Magnus! “Ah, kuya… Ilang taon na po kayo nagtatrabaho dito?” tanong ko. Bahagya naman siyang nag-isip na napahawak pa sa baba niya. Tumango tango ito na parang naalala na niya kung ilang taon na. “Kung tama ang bilang ko ay simula noong binuksan itong building ay nandito na ako, tatlong taon– kilala ko na halos lahat ng mga nakatira dito sa building na ito,” usal niya. Muli naman akong napaisip kung dapat ko bang itanong ang nasa isip ko lalo pa at about ito sa tao. “Ahm! So kilala po ninyo si Magnus?” tanong ko dito. “Ay oo naman! Si Sir Magnus pa ba? Bukod sa mabait na bata iyon ay magalang din kahit sikat na sikat na siyang artista ngayon,” usal nito. “Teka! Bakit mo pala biglang natanong si Sir Magnus? Hindi ka naman siguro tumira dito para kunin ang impormasyon sa kan'ya 'no? o baka naman ngayon mo lang ba nalaman na nandito siya...” Mabilis naman akong umiling at napangiwi sa sinabi niya. Gusto ko sana siyang kontrahin na mabait at magalang, e hindi naman mabait iyon at lalong lalo na– hindi siya mabait! Napakasama ng ugali ng lalaki na iyon! “Ay hindi ho, kafloor ko po siya pero hindi ko po alam na sikat po pala iyong mokong na iyon,” usal ko at bahagyang hinihaan ang sinabi ko sa dulo. Nakarinig ako ng tawa dito dahil sa sinabi ko. Alam ko na kung bakit natawa siya, siguro ay dahil sa sinabi kong hindi ko kilala si Magnus sa gayong halos lahat ng mga kaedad ko o hindi ko man kaedad na babae ay kilala ang bwisit na iyon. “Ely, saan ka ba nanggaling at hindi mo kilala si Sir Magnus, lahat ng mga babae ata ngayon ay iniidolo ang bata na iyon. Hinahangaan nila dahil mabait nga ito at magaling pa sa larangang tinatahak niya,” usal nito. Gusto ko talagang mapa-irap kapag sinasabi na mabait ang lalaking iyon dahil hindi ko talaga makita kung saan naging mabait iyon o baka naman sa harap lang siya nagiging mabait pero ang totoo ay masama ang ugali niya at napapakita niya lang iyon kapag nasa likod na ng camera. Tss! Plastic! “Dati ho kasi ay nakasubsub lang ako sa pag-aaral ko pati na po sa part-time ko kaya wala ho talaga akong panahon na makita ang mga bagay na iyon,” nakangiting usal ko. “Ganon naman pala, pero subukan mong panoorin ang mga palabas niya pati na ang pagmomodelo nito– sigurado ako na mapapahanga ka din sa kan’ya,” usal nito sa akin. Pilit akong ngumiti dito at tumango na lamang para hindi na siya magsalita pa about sa mokong na iyon. “Pero alam mo, nakakapagod din ang trabaho nila lalo pa at maraming project na dumarating sa kan’ya. Mabuti nga nitong nakaraan ay puro lang siya mga photoshoot kaya nakakauwi siya dito pero minsan ay hindi iyan nakakauwi dito dahil nagsstay na siya sa mga pinagtetapingan nila o kaya naman ay pumupuntang ibang bansa para pumunta sa mga mall show na nandoon. Katulad ngayon, kanina lang ay umalis ito, bago nga umalis ay nagbigay pa ng pagkain dito sa amin at sinabing mawawala siya ng isang linggo kaya naman binilin ang mga package na padala ng mga fans niya ay kunin na lang raw namin at kami na ang kumain,” kwento niya. Sa totoo lang ay hindi ko naman gustong makinig about sa buhay ni mokong pero dahil si kuya guard naman ang nagkukwento ay hindi ko na lang inalis ang pakikinig ko sa kan’ya. Bigla ko ding naalala ang package na pinag-awayan namin noong huli naming pag-uusap. Siguro ay padala sa kan’ya iyon ng kan’yang mga fans pero tignan mo naman! Kung hindi masama ang ugali niya ay kukunin niya iyon at itatabi pero ang ginawa niya ay ipinamigay niya! Tss! Pinaghirapan iyon ng mga fans niya kaya dapat ay pinapahalagahan niya. At dahil din sa pakikinig ko ay bahagya akong nagdiwang dahil sa sinabi niya na wala ito ng isang linggo, ibig sabihin ay pwede kong imbitahan si Kristel dito para magsleepover dahil wala ang bwisit kong kapitbahay! Biglang nagliwanag ang mga mata ko dahil doon! “Wala po siya rito?” masayang turan ko sa matandang guard na tumango lamang sa akin. “Oo, nasa ibang bansa at may gagawin raw doon,” usal niya na muli kong ikinangiti ng malawak. “Ah! Mabuti naman po,” usal ko na ikinakunot ng noo ng matanda kaya agad ikinaway kaway ang kamay ko sa harap ko. “I mean po, mabuti naman po kasi may nakaschedule po akong sleepover bukas ng katrabaho ko at iniisip ko po na baka makita siya baka po malaman na dito siya nakatira o kaya naman kuhaan siya ng picture,” saad ko at muling ngumiti sa kan’ya. Tumango tango naman ito na parang naintindihan ang sinabi kong rason. “May punto ka naman doon kaya nga ingat na ingat kami sa mga pinapapasok namin dito lalo na sa fifth floor dahil nga nandoon si Sir Magnus,” usal niya na siyang ikinatango ko. “Ilang beses na kasing may mga nakasalisi sa mga kasama ko at nakapasok, talagang ginulo nila si Sir Magnus sa 7th floor, kaya naman mabilis na lumipat iyon sa fifth floor,” habol pa nito. Bahagya naman akong nagulat at parang nacurious kung ano ang ginawa ng fans niya. "Talaga ha? Ano ang ginawa nila?" tanong ko na ikinailing bigla ni kuya guard. "Pinatunog nila ng pinatunog ang doorbell tapos apat na beses sinubukan ang code. Meron pa na nagpapanggap na nakatira tapos kakatok kay Sir Magnus. Grabe din ang mga kabataan talaga," usal nito na ikinatango. At sa totoo lang papasa na paparazzi o showbiz chikadora si kuya guard dahil sa pagiging madaldal nito at sa pagiging maalam niya sa buhay ni Mokong. Halos lahat kasi ay alam niya na ata. Bago pa lumalim ang kwento ni kuya guard ay nagpaalam ba rin ako sa kan'ya kaya naman bahagyang natauhan siya. "Ay! Ang dami ko na atang naikwento!" natatawang usal nito na ikinangiti ko. “Hindi naman po. Sige po, aakyat na po ako. Mag-iingat po kayo,” paalam ko dito. Nagpaalam na rin ito sa akin bago aki tumalikod at masayang naglalakad papunta sa elevator. Masaya akong pumasok doon dahil sa isiping wala akong makakasalubong na kahit na anong creature! Magiging panatag ang buhay ko ng isang linggo, yung walang iisipin na baka may paparazzi sa tabi tabi at nagbabantay sa gilid. Yung hindi ka naman artista pero dahil kapitbahay mo ay artista, nakakatakot na! Mga tao pa naman ngayon konting kibot– issue! Iiyak na agad at gagawing big deal ang lahat o kaya naman ay pagsasalitaan ka na ng masasakit na salita, iinsultuhin, yuyurakan ang pagkatao mo basta makita nila na kasama mo ang idolo nila kahit wala naman talagang kaganapan. Kaya mahirap din talaga malulong sa mga social media e, kasi doon talaga ang-uumpisa yung mga ganyan. Yung mga social media warriors na puro lang mga one sided storyteller na hindi uso sa kanila alamin ang totoo. Kaya kahit masama naman talaga ang ugali ng isang tao ay malulusutan dahil sa mga post na mabait naman raw pero ang totoo ay bulok naman ang ugali. Katulad ni mokong! Kunwari lang na mabait, bwisit naman. Kaya din mas pinili kong magtrabaho sa isang kompanya kesa sa mga media industry dahil ayokong magsabi ng kamalian. Dahil hindi tama iyon, kapag mali dapat mali at ipahayag iyon. Hindi dapat kinukunsinti lalo na kung ikakapahamak ng mga tao. ---------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD