Chapter 10 -Ely palaban

2031 Words
ELY “MARAMING salamat, Ely ha! Alam mo talagang nag-enjoy ako sa bakasyon ko,” usal nito habang bitbit ang mga gamit niya. Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. Monday na kasi at sabay na kaming papasok ng office kaya nga bitit na niya ang gamit niya. “Sira! Parang iyon lang e! Wala naman tayong ginawa dito kung hindi ang kumain at manood,” usal ko na ikinatango niya. “Trulagen! Tapos ako naman chumika lang,” balik nito na siyang ikinatango ko bago ko binuksan ang pintuan ko. Pwedeng pwede ko naman iyong gawin na hindi nag-aalala dahil wala pa si mokong dito, ngayon o bukas pa ang balik non kaya hindi ko kailangan matakot. Niyaya ko na si Kristel na umalis dahil baka naman malate kaming dalawa na agad din naman niyang ikinasang-ayon. Pagbaba namin, si kuya guard agad ang bumungad sa amin. Nakangiti kaming bumati sa kan’ya na siyang ikinangiti rin nito sa amin. Nang makalabas kami ng building– bahagya akong napatigil nang may isang pamilyar na van ang dumaan sa gilid ko. Alam ko ang van na iyon! Kilala ko kung kanino iyon dahil lagi ko iyon nakikita dito o hindi naman kaya ang kotse ni mokong! ‘Paano na ang peaceful life ko? Nandito na ang mokong na iyon?!’ usal ko sa sarili ko. Bago pa mahalata ni Kristel ang nangyayari, agad ko na siyang hinila paalis ng building ng condo namin. Mabuti na nga lang at hindi siya nag tanong kung anong meron dahil dalawang magkasunod na van ang dumating doon. Kahit sino ay magtatanong kung anong meron at dalawang van ang dumating doon. NAKARATING kami ng building namin at agad naman na may mga nagparinig sa amin na hindi kami nang-invite. Nagkakatinginan na lang kami ni Kristel at tatawa dahil kahit magparinig sila ay okay lang naman kaming dalawa dahil naenjoy naman namin ang oras namin. At hindi ko na rin alam kung kailan mauulit iyon na may kausap akong kaibigan dahil nga sa mga kinakatakot ko. Ayon lang naman ang problema ko e, malakas kasi talaga ang pakiramdam ko na kapag nalaman ni Kristel na doon nakatira si mokong. Maikukwento niya talaga at hindi malabo na lumapit sa akin ang iba at alam ko na ang gusto nila. Katulad ng lagi kong ginagawa ay agad akong nagbukas ng social media at muling bumungad sa akin ang balitang nakauwi na si mokong sa Pilipinas! Sana nagstay pa siya doon ng mga forever, joke lang naman! Pero sana tinagalan na niya. Hindi ko naman na binasa pa ang lahat ng nandoon at agad na din akong nagpunta sa fage namin. Habang nagtitingin ako ng mga reviews na nandoon ay napapangiti ako dahil maganda talaga ang feedback nila kaya rin ang product na hawak ko ay malaki rin ang sales palagi. “Ely!” Agad naman akong napatingin sa opisina ng boss namin nang marinig kong tawagin niya ang pangalan ko. Agad itong kumaway sa akin nang makita niya ako, sumenyas din ito na lumapit ako sa kan’ya kaya naman marahan akong tumayo. Nagtataka man ay hindi ko na iyon inisip pa basta na lang ako lumapit sa office niya. As soon as makarating ako, niyaya niya ako papasok. "Upo ka, Ely," usal niya at tinuro ang upuan sa tapat ng table niya. Agad naman akong sumunod sa kan’ya at naupo sa itinuro nito. Habang siya ay umuppo naman sa swivel chair niya at tumingin sa monitor sa harap niya. “Ah! Ma’am, may problema po ba?” hindi ko napigilang tanong sa kan’ya dahil medyo kinakabahan ako. Natawa naman itong tuingin sa akin at umiling ng tatlong beses. “Wala! Sorry, medyo busy lang ako. The thing is I need to send someone today to audition for the skin care we’ve been taking care of,” usal niya. Agad ko namang nakuha kung ano ang ibig nitong sabihin. Mukhang kailangan ako sa field ngayon. “Kailangan ko na po bang pumunta ngayon?” nakangiti kong tanong sa kan’ya na ikinangiti nito sa akin. “Yes, the auditions are now currently happening in the main company of the product. Just show them your ID. And tell them you are from here,” usal niya na siyang tinanguan ko ng tatlong beses. “Ano po ang gagawin ko doon?” tanong ko dahil wala pa itong sinasabing purpose ng pagpunta ko doon. Gusto ko naman mapatawa nang parang may bumbilya na nagliwanag sa isip niya dahil sa sinabi ko. “Oh yeah! Ano ba naman ako?!” usal nito sabay tawa. “You need to interview at least five applicants about the skin care they are using during the audition. Kailangan kasi nating ipost iyon sa mga social media sites. Alam mo na– marketing,” paliwanag nito sa akin na siyang ikinatango ko. “Sige po, wala pong problema. Aalis na din po ako,” paalam ko sa kan’ya. “Yes! Thank you so much, Ely! I really appreciate your attitude,” pasasalamat niya na ikinangiti ko lang. Bago ako tuluyang umalis sa loob ng opisina niya, inabutan ako nito ng pera para sa pantranspo at pangkain. Pinaalalahanan din ako nito na dapat ay makabalik ako dito before ang end ng shift ko dahil kailangan din namin ipasa sa itaas bukas ng umaga ang nagawa namin. Sumang-ayon na lang ako dahil para sa akin ay madali lang naman ang mag-interview ng limang aplikante. Sana lang ay mababait ang mga ito at hindi mag-attitude dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla na lang silang laitin. Nang makabalik ako sa pwesto ko, agad kong inayos ang mga gamit ko habang nakanguso. Hindi ko kasi maiwasang tignan ang ibang kasama ko na kapareho ko ng hawak na product. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero parang ganon na nga kasi naman nakikita ko sila na nanonood lang ng mga short videos pero ako talaga ang ipapadala doon. Medyo unfair din talaga ang buhay… “Magpifield ka?” Agad akong napatingin kay Kristel nang marinig ko itong nagtanong sa akin. Marahan akong tumango sabay balik sa pag-aayos ng laptop ko sa bag. “Oo, need raw mag-interview e,” usal ko. Agad namang napabalik ang tingin ko sa kan’ya nang marinig ko itong pumalatak. “Bakit ikaw? Meron naman mas walang ginawa diyan e,” usal niya sabay tingin din sa ibang kasama ko sa product. “Ayon nga din e, pero hayaan mo na. Baka kasi bago ako kaya kailangan ko din masanay sa ganitong gawain,” Kinuha ko na ang backpack ko at agad na iyong isinuot sa likod ko. Sinugurado ko na suot ko ang ID ko para hindi ako mahirapan na ipakita ito doon. “Sige na! Dito na ako at kailangan ko pang bumalik dito after kong magfield,” usal ko. “Tss! Dapat kasi tumanggi ka, wala tuloy ako mapagtsitsismisan dito,” saad niya na ikinatawa ko. “Baliw! Hindi pwede. Sige na! Dito na ako, bye! See you later!’ paalam ko sa kan’ya. “Ingat ka, Elypot!” paalam niya. Hindi naman na ako sumagot at kumaway na lang sa kan’ya. Hindi lang naman ako ang nagpifield talaga, meron din ibang umalis na kanina dahil nga kailangan iyon sa trabaho namin. Dahil sa main company naman ng product na iyon ang audition, hindi ako nahirapan na hanapin at makapunta doon dahil madali lang naman siyang puntahan. Nang makarating ako, ginawa ko ang sinabi ng boss ko na gawin ko. Ipinakita ko ang ID ko sa kanila pati na sinabi ko na ako ang representative ng company namin. Malaki ang pasasalamat ko na hindi na sila nagtanong pa ng ibang details kapag ganon kasi ay doon na ako tinatablan ng kaba. Ayoko kasing oinagtitinginan ako o kaya naman ay pinaghihinalaan ako ng todo, para bang hindi ako katiwatiwalang tao. Iyon ata ang isang hindi ko matatanggap kapag sinabing hindi ako mapagkakatiwalaan dahil napakahirap kunin ng tiwala ng isang tao kaya gusto ko kapag nagkakaroon ako ng kausap, gusto ko makikita nilang mapagkakatiwalaan ako. Minsan kasi dahil sa katawan ko at hindi ko gaanong pag-aayos ng mukha ay najajudge na ako. Nang makapasok na ako ay tinuro nila sa akin ang pinagdadausan ng audition kaya mabilis akong pumunta doon. Habang naglalakad at inililibot ang paningin, napakunot ang noo ko dahil sa sigawan na narinig ko sa kabilang dako. “Ano kaya meron doon? Mukhang may artista dito…” usal ko habang nakatingin doon. Nagkibit balikat na lang ako doon bago ko ipinagpatuloy ang paglalakad ko. Hindi naman sinasadya na habang naglalakad ako ay may nakabunggo ako isang babae na nagmamadali papunta doon sa nagkukumpulan. “Ano ba iyan?! Ang laki mong harang!” usal nito sa akin sabay irap. Aba! Siya nga itong hindi tumitingin sa daan dahil sa pagmamadali niya tapos ako pa ang sasabihan ng ganyan. Agad kong itinikom ang bibig ko nang makarinig ako ng tawanan sa mga kasama niya. Bukod doon, ayoko na makipagtalo sa kanila dahil hindi iyon ang ipinunta ko dito kung hindi ang trabaho ko. Ako na lang ang humingi ng dispensa para matapos na ang issue. Tinawanan at inirapan lang naman nila ako bago sila umalis habang ako naman ay huminga na lang ng malalim at hindi na sila pinansin pa. Patuloy na lang akong naglakad papunta sa audition venue kahit pa sa loob loob ko ay bwisit na bwisit ako sa kanila. Sila itong hindi tumitingin sa dinaraanan nila e. Tapos ang dami pa nila! Dahil mabigat ang pakiramdam ko ay mabilis akong nakapunta sa venue at hindi ko akalain na ganito pala karami ang gustong maging modelo. Hindi naman kasi nagpupunta sa mga ganitong audition kahit pa pilit akong isinasama nila mommy noon. Isa pa iyon sa ikinagagalit nila dahil hindi ako sumasama sa kanila para mag-observe sa nangyayari then when I finally at my age that they want eto na ang katawan ko. Arahan akong lumakad papasok ng venue para agpakilala kung sino ako, hindi ko na pinansin ang mga tingin sa akin ng mga tao dahil hindi naman sila ang sadya ko dito. Bago ako tuluyang makapasok, may isang babae na humarang sa akin at pinakatitigan ako mula ulo hanggang paa. “Excuse me, miss. Mali ka ata ng pinuntahan, hindi ito ang audition sa balyena,” usal nito na sinamahan ng mapang-insultong tawa. Hindi lang siya ang narinig kong tumawa kun’di pati ang ibang mga tao doon lalo na ang mga magulang kong ikinasasaya ang pamamahiya sa akin ng anak nila. Yes, you read it right! The woman who interferes with me is my delulu sister. Bakit ko nga ba nakalimutan na posibleng nandito siya dahil sa kagustuhan niyang maging sikat. Tinignan ko lang naman siya na tamad na tamad bago huminga ng malalim. Sabi ko kanina ay hindi ako makikipag-away o ititikom ko ang bibig ko dahil baka nawalan ako ng control pero bakit naman sobrang parusa? Ngumiti ako sa kan’ya at sabay hinga ng malalim tapos tumingin sa paligid. “Sa dami nito sure kang papasok ka?” tanong ko sabay tingin sa kan’ya. “Hindi ka ba kinikilabutan,” Napataas naman ang kilay niya dahil doon. “Excuse me? Ikaw ang mas dapat kilabutan sa atin,” usal niya. “Wala naman akong dapat ikakilabot dahil first of all, hindi ako nandito para mag-audition. Pangalawa, hindi ako fake,” bwelta ko sabay lakad papalapit sa kan’ya. “Hindi ka naman nagamit ng product nila tapos sasabihing ang ganda nito kahit ang totoo ay itinatapon mo lang ang product. Ingat ka baka mabuko ka,” bulong ko bago marahang humiwalay sa kan’ya. Agad kong tinignan ang itsura niya na mukhang takot at namumutla bago tumingin sa paligid para tignan kung may nakarinig ba ng sinabi ko. “How dare you! Inggitera!” gigil na usal nito na siyang nginitian ko lang. “Walang dapat ikainggit sa iyo, lalo na kung fake ka,” usal ko bago siya nilampasan para tuluyang akapasok. Nakita ko pa na agad siyang nilapitan ng mga magulang niya. Nakita ko din ang pagdilim ng mukha ni daddy dahil sa ginawa ko. Bahala sila diyan! Sila naman ang nauna, magtatrabaho lang naman ako pero epal sila! Ayan ang bagay sa kanila! ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD