ELY
“AH! HINDI na po,” mabilis na pigil nila sa akin nang akmang tatalikod na ako. “Kami na lang po ang pupunta sa baba para po kami na magsasabi, lalabas din po kasi kami,” mabilis na habaol niya sa akin.
Hindi na nila ako inantay pang magsalita at agad na kumaripas ng takbo palayo sa amin. Gusto kong matawa sa paraan ng pag-alis nila. Masyadong halata na hindi sila tagarito.
“Hoy! Wag mong sabihing naniniwala ka na taga diyan sila?” usal bigla ni Kristel kaya naman napatingin ako sa kan’ya.
Natawa naman ako at nagkibit balikat dahil ayokong malaman niya na kilala ko pala ang may-ari niyan.
“Ewan ko, hindi ko pa naman nakikita ang kapitbahay ko, bukod sa hindi ako nalabas may times na maaga ako nakakauwi,” tugon ko sabay kuha sa kan’ya ng gamit ibinigay kong pinamili namin.
“Kapitbahay mo hindi mo nakikita? Naku, Ely! Baka naman puro ka lang kulong dito sa bahay mo? Minsan try mo gumimik! Masaya iyon,” saad nito sa masiglang paraan.
“Tss! Kung makapagsabi ka na gumimik parang party goer ka ha!” bwelta ko na ikinatawa niya.
“Hoy! Grabe ‘to!” natatawang saad niya habang ako naman ay napapailing nalang.
Tinuloy ko ang paglalakad ko papuntang tapat ng pinto ko bago ko tinignan ang pintuan ni mokong, nakita ko na hindi pa naisasara ang sensor.
Agad ko ding inalis ang tingin ko doon at mabilis na binuksan ang pinto ko para makapasok na kami ni Kristel. Mabilis kong niyaya si Kristel papasok at isa-isa ko ring inilapag ang bitbit ko bago ako nagsalita.
“Kristel, wait lang ha! May itatanong lang ako kay kuya guard sa baba, itatanong ko lang kung may iniwan bang package sa kan’ya,” usal ko dito.
‘Ay sige, okay lang ba sa iyo na nandito ako sa loob ng bahay mo?” tanong niya na ikinatawa ko.
“Oo naman ‘no! Sige lang! Feel at home,” usal ko dito na siyang tinanguan niya.
Mabilis kong isinara ang bahay ko nang makalabas ako at pasimpleng lumapit sa bahay ni mokong at agad na isinara ang sensor ng pindutan ng code niya bago ako naglakad papuntang elevator pakunwaring pumunta doon.
Hindi naman talaga ako bababa e, wala naman akong package na inaantay– ayoko lang na makita ni Kristel na nagkecare ako sa kapitbahay ko dahil sinabi ko nga na hindi ko pa nakikita iyon.
Nag-intay lang ako ng ilang minuto para pagmukhain na nagpunta talaga ako sa baba kaya naman makalipas ang ilang minuto ay agad na ding akong naglakad papunta sa bahay ko.
Pagbukas ko, agad na bumungad sa akin ang ingay na nanggagaling sa kusina. Mukhang inaayos na ni Kristel ang mga pinamili namili namin.
Marahan akong nagpunta doon sa kusina para tumulong sa kan’ya na hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siya doon na nakatingkaya.
“Huy! Ano ginagawa mo diyan?” tanong ko dito.
Mabilis naman na tumingin ito sa akin na parang nakakita ng multo. Pero agad ding napairap namang marinig ang tawa ko.
“Parang sira si Elicianna!” usal niya na nagpakunot sa noo ko.
Siya lang ang natawag sa akin ng Elicianna! Maganda raw kasi parang pang artista raw.
“Ely na nga lang ang itawag mo sa akin! Puro Elicianna e,” usal ko na ikinatawa niya lang din at pinagpatuloy ang pag-aayos ng pinamili namin.
Marahan na lang rin akong lumapit doon at tinulungan siya na mag-ayos. Ako na ang nag-ayos sa fridge habang siya naman ay nag-ayos sa cup board para ilagay yung mga binili naming chips.
“SO bakit ngayon ka lang nakapagsleepover?” tanong ko sa kan’ya habang nakaupo sa couch at kumukuha ng chips na inihanda namin.
Kanina pa kami natapos kumain at nagpapahinga na lang kami dito sa sala. Matapos kasi namin mag-ayos ay nagluto na din kami agad para naman at least mahaba ang kwentuhan nain.
“Ah! Hindi kasi ako pinapayagan dahil tight ang budget, alam mo na… medyo bread winner ang kaibigan mo,” usal nito sabay ayos ng salamin niya sa mata. “Bukod doon, wala naman kasing gustong magpatuloy sa akin lalo na at wala naman akong kaibigan na katulad mo noon,” saad niya pa sabay kuha din ng chips sa lamesa.
“Alam mo, pareho tayo! Doon sa walang kaibigan ha. Ngayon nga lang ako nagkaroon talaga ng kaibigan na kakwentuhan e, kaya alam mo! Excited talaga akong magpunta ka dito,” usal ko sabay taas ng paa sa couch.
“Same! Pero alam mo, hindi halata sa iyo na nag-iisa ka, para ka talagang alagang may katulong… yung kutis mo kahit malaman ka, maputi tapos makinis…" usal niya sabay hawak sa braso ko.
Napangiti naman ako doon, noon pa man noong college ako– sinasabi na nila na maganda ang kutis ko, siguro dahil iyon sa pag-aalaga sa akin nila Mommy. And speaking of them– wala na akong balita sa kanila na kahit ano, inaabangan ko nga din ang sinasabing pagsikat ng kapatid ko pero wala naman akong naririnig sa kahit na sino.
Sila din naman ay hindi ako kinakamusta o hinahanap man lang kaya parang wala lang din naman sa akin.
“Siguro dahil alaga ako ng mommy ko no’n,” tugon ko sa kan’ya.
Tumango naman ito bago tumingin sa akin.
“Mayaman ka ba?” tanong niya.
Mabilis naman akong napanguso dahil sa tanong niya, hindi naman kasi kami mayaman may kaya lang sa buhay yung tipong kayang bilhin ng mga magulang ko ang gusto ng kapatid ko kung hihilingin niya.
“Hindi naman, may kaya lang sila daddy,” usal ko. “Pero kahit ganon, hindi ko naman natikman ang yaman nila para sa mga gusto ko dahil hindi kami in good terms. Kaya nga nakabukod na ako kahit katatapos ko lang magcollege e,”
Kita ko naman ang gulat sa mga mata niya na para bang hindi talaga siya makapaniwala sa sinabi ko.
“Bakit anong issue nila?” tanong nito sa akin.
Simpleng issue lang naman iyon at hindi ko naman tinatago kaya kumuha muna ako ng chips at sinubo iyon sabay ngumuso.
“Itong katawan ko, rebelde raw ako, hindi ko na inalagaan ang sarili ko simula ng maghighschool ako dahil namulat na ako sa mundo na kahit ano pa ang gawin mo sa buhay mo kung hindi ka tanggap ng lipunan ay hindi ka nila tanggap magong mataba man o sexy ka. Ang tanging makakatanggap lang sa iyo ay ang totoong mga taong nagpapahalaga sa iyo,” usal ko sabay tingin sa kan’ya.
Nakita ko na tumango tango ito sabay ayos ng salamin niya sa mata.
“Maganda ka naman ha! Matalino pa, tapos yung katawan mo… hindi naman gaano kataba, I mean maagapan pa kung magdadiet ka lalo na at bata ka pa,” usal nito. “At’ska maayos ka naman manamit, alam mo! Ang linis linis mong tignan sa mga damit mo, kais ‘di ba may ibang mga plus size na parang hindi bagay yung damit nila pero ikaw, maganda yung mga damit mo,” habol pa nito.
Natawa naman ako sa mga paghanga na sinasabi niya, ngayon lang kasi talaga na ay humanga sa mga suot ko kadalasan kasi kahit maayos naman ang suot ko– ipapamukha pa din nila ang katawan ko.
“Salamat ha, minsan kasi sa damit na lang ako bumabawi talaga. Alam ko naman kasi na wala na akong ubra sa ganda at sexy ng iba kaya kahit papaano ay gusto ko na magmukha naman akong presentable sa harap ng lahat,” usal ko.
Kumuha naman ito ng beer na nasa harap din naman at tinungga iyon bago nagsalita sa akin.
“Alam mo, tama iyang thinking mo kasi may mga tao talaga hindi maitikom ang bibig para mamintas katulad na lang noong nakaaway mo noong nakaraan, kasabayan ko lang iyon pero akala mo batas na kung makapagsalita. Mabuti nga nasupalpal mo,” usal niya na sabay naming ikinatawa.
Agad naman din akong napatigil nang bigla itong humampas sa akin. “Ay naalala ko na kung ano yung chismis ko sa iyo! Hindi ba sinabi mo na pinagpalit siya sa iba? Paano mo nalaman iyon?” tanong nito.
“Ah! Narinig ko kasi siya sa restroom na umiiyak tapos sinasabi niya ang mga katagang iyon. Uy! Hindi ko naman sadya iyon, matabil lang talaga ang dila ko noong araw na iyon dahi sa panlalait niya sa akin!” paliwanag ko na ikinatawa niya.
“Sira! Okay lang! Tawag nga doon, deserve!” natatawang usal niya. “Pero maiba ako, narinig ko na hindi naman raw pala siya pinagpalit kung hindi– two timer iyong lalaki at hindi siya pinili,” usal niya.
Muli pilit kong ikinalma ang sarili ko para iwasang matawa dahil sa parang puro mga pambansang chikadora ang mga nakakasalamuha ko! Una si kuya guard na alam halos ang lahat ng tungkol kay mokong, pangalawa itong si Kristel na mukhang maraming alam na chika about sa floor namin.
Hindi pa kasi doon natapos ang pagkukwento nito sa akin about sa mga katrabaho namin, hindi naman niya sinisiraan lagi niyang sinasabi na narinig niya ang kwento tapos sasabihin na hindi niya lang sure kung totoo, tiwala lang raw siya sa akin na hindi ko ikukwento dahil alam niyang hindi ako ganon.
Sa dami nga ng kwento niya, naubos na namin ang lahat ng beer na binili namin. Pero dahil light lang iyon ay hindi naman kami nalasing bukod doon okay lang naman din lalo pa at wala naman kaming pasok na dalawa.
Isang malaking pasalamat ko na lang din na wala si mokong dito kaya hindi ko kailangang kabahan dahil baka sa sobrang chikadora ni Kristel ay madulas siya sa kung sino at masabi na dito lang naman nakatira ang Papi Magnus nila!
-----------------------