Chapter 11 - The lesson of the legend mokong

1804 Words
ELY “WE’VE been waiting for you, Ms. Ely,” ayan ang bungad sa akin isa sa mga staff doon nang makalapit ako sa kanila. “I’m sorry, sir. Medyo na-traffic lang po ako pero ngayon po ay nandito na ako, I will do my task now,” pahayag ko na ikinatango lamang nito sa akin. Tumingin ito sa mga models na nakapila bago tumingin muli sa akin. "Okay, hayaan mo na iyon. So, alam mo naman na ang gagawin mo 'di ba? At least five aspiring models is okay," usal nito na siyang tinanguan ko. "Yes, ma'am! I'll will handle it here," nakangiting tugon ko na ikinangiti rin nito. Agad na akong nagpaalam sa kan'ya para gawin ang trabaho ko. Bago ko umpisahan, inilapag ko muna sa isang tabi ang bag ko. Kinuha ko ang mgaKinuha ko ang phone ko pati na ang notepad ko kung saan ko sinulat ang mga possible na tanong na pwede kong itanong sa mga candidates. Nang makaramdam ako na okay na ako ay mabilis na akong tumayo at tinignan ang mga aspiring model. Madami sila at hindi ko din alam kung sino ang pwede sa kanila kaya naman nakaisip ako ng pwedeng gawin. Mula sa pinakalatest na modelo na nandoon nasa unahan ay bumilang ako ng sampu at nakita ko ang isang batang babae. Simple lang ang tali niya sa buhok, pati na ang ayos niya ay simple lang, damit niya ay hindi katulad ng iba na sobrang revealing bukod doon, mukha siyang mabait kaya naman siya ang nilapitan. Agada akong nagpakilala sa kan’ya at tama nga ang hinala ko na mabait siya dahil lahat ng tanong ko ay sinagot niya. Bukod doon nakangiti pa siya sa akin. “Thank you very much for answering all my questions. Goodluck to your auditions and I hope you get in the shortlist,” usal ko nang matapos ko ang interview ko sa kan’ya. Nagpasalamat lang din ito sa akin bago ako umalis sa kan’ya. Satisfied ako sa sagot niya at sigurado akong isasali ko siya sa review ko dito. Muli akong nagbilang ng sampu katulad ng ginawa ko at masaya ako na halos lahat ng natatapatan ko ay mababait at totoo ang sagot. Napahinga ako nang malalim ng bilangin ko na ang mga na-interview ko. Naka-anim na din pala ako. Pwede na itong para makabalik na ako ng building namin. Kailangan ko pa itong iedit para maipasa din ngayon dito. Maglalakad na sana ako pabalik ng bag ko nang biglang may magsalita sa likod ko na ikina-init ng ulo ko. Hindi ko alam, kapatid ko siya pero nakakarindi ang boses niyang paarte. “Are you not gonna interview me, sis?” usal nito na taas ng kilay ko sabay ngising humaharap sa kan’ya. “Nope, nakuha ko na ang mga sagot na nais ko. Beside, hindi ako nag-iinterview ng…” pinutol ko ang sasabihin ko bago tumingin sa paligid bago marahang lumapit sa kan’ya. “Ng fake, bukod doon don’t call me sis, baka malaman nila na may kapatid kang mataba. Wala ka na ngang pag-asa na makapasok, mapapahiya ka pa,” pagpapatuloy ko. Marahan akong lumayo sa kan’ya at nagkunwaring ngumiti ng matamis. Kita ko sa mukha niya ang pagkadisgusto sa sinabi ko. Kita ko ang pamumula ng mukha nito dahil sa pagpipigil ng galit. She can’t make a scene here. Of course! She can’t mess up with her delulu career! Hindi ko na inantay ang isasagot niya at agad na akong tumalikod para pumunta sa isa pang nakita ko doon na pwede kong gawan ng interview. Sabi ko talaga ay tapos na ako pero dahil gusto kong asarin ang kapatid ko. Kukuha pa ako ng isa o pwede ko pangdagdagan para lang maasar siya. Katulad ng balak ko ay nag-interview ako ng dalawa pang candidates, gusto ko ngang matawa sa itsura ng kapatid ko dahil talagang busangot siya at kulang na lang ay lapitan niya ako para hablutin ang katawan para lang paunlakan ko siya ng interview. Habang nag-aayos ng gamit ko sa bag, hindi ko naiwasan na patingin sa gawi ng pintuan nang makarinig ako ng bulungan at parang nagkakaroon ng kumusyon doon. Napataas naman ang kilay ko nang makarinig ako ng mga impit na tili sa paligid ko. Agad akong lumapit doon sa babaeng nakatayo malapit sa kinaroroonan ko. Para itong kinikilig na parang naiihi habang nakatingin doon sa may pintuan. Agad ko itong kinalabit kaya naagaw ko ang atensyon niya. “Yes po?” tanong nito sa akin. Ngumiwi naman ako at tumuro sa kinaroroonan ng kumusyon. “Anong meron doon?” tanong ko sa kan’ya. Bahagya itong tumingin sa akin at sabay tingin ulit doon. “Nandoon kasi si Daddy Cullen,” usal niya na parang kinilig. Ako din naman ay nagulat nang marinig ko ang sinabi niyang pangalan. Kung hindi ako nagkakamali, iyong tinawag niyang Daddy Cullen at yung Cullen na hinahangaan ko ay pareho– ibig sabihin, makikita ko siya in person! Napangiti naman ako sa kan’ya bago nagpasalamat. Bumalik ako sa bag ko at nagkunwari na nagbabagalan ang kilos. Bigla kasing na-excite ako dahil makikita ko ang crush ko. Bigla namang nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang isa sa mga staff doon habang may kausap na mga candidates. “Bumalik na kayo sa pwesto ninyo, papasok naman dito sila Magnus at Cullen,” usal ito. Ang kaninang mabagal kong kilos ay agad na napalitan ng pagiging mabilis na halos hindi ko na nagawang tignan kung ayos lang ba ang gamit ko na nilagay ko sa bag ko. Pero bigla akong napatigil, bakit ba ako nagmamadali? Wala naman akong dapat ikabahala kung makita niya ako dito. I’m working and nothing is bad there. Panigurado naman na hindi niya ako aawayin dito kung sakaling makita niya ako dahil sa kaisipang maganda dapat ang image nila. Maayos akong tumayo at inayos ang sarili ko para magpaalam na babalik na ako sa building namin para maayos ko na ito. Mabilis na akong lumakad papunta sa staff na kausap ko kanina para magpaalam. Kaso nga lang nang tignan ko sila ay para silang aligaga na nag-aayos ng upuan– para siguro sa mga artista na dumating. Hindi ko alam na si mokong pala ay endorser ng product na ito o baka naman ngayon lang siya naging endorser. Well! Kung ano pa man iyon at wala na akong pakialam basta natapos ko na ang trabaho ko. Mabilis akong lumingon sa likod ko nang makarinig ako ng mahihinang tili at nakita ko na ang dalawang lalaking papalapit sa pwesto kung saan inihahanda ang mga upuan nila. Tinignan ko ang paligid at nakita ko ang mga babae na nakatingin lang sa kanila at hindi umaalis sa pila nila kahit pa kilig na kilig na sila. Dahil mukhang hindi naman na ako makakapagpaalm, imbes na dumeretso pa doon sa staff na kausap ko– tuluyan na akong tumalikod sa gawi doon at naglakad pasalubong doon kila mokong. Hindi na ako magpapaalam lalo na at busy naman sila, hindi rin naman ako importanteng tao para hanapin nila. Dire-diretso akong naglakad at hindi nagbigay ng kahit anong reaksyon sa mga taong makakasalubong ko pero bilang respeto at para hindi na rin ako matabig ng mga nakapalibot sa kanilang marshall, ako mismo ang gumilid at nagpatuloy sa paglalakad. Kahit actually gustong gusto kong tignan ang mukha nung Cullen Wilson ay hindi ko talaga ginawa dahil ayokong magtama ang mata namin ni mokong! Tuluyan na akong lumabas ng venue doon at naglakad palabas ng building. Tinignan ko ang company na iyon at napatawa. “Next time, tatanggi na ako pumunta dito. Stress!” saad ko at muling lumakad papunta sa isang fast food chain na nakita ko kanina lang. Kakain na muna ako dahil naubos ang energy ko sa mga tao doon. Gutom na gutom ang pakiramdam ko. Kailangan ko ng ice cream at chocolate! Stress eating ang peg ko ngayon! “BAKIT parang stress na stress ka?” tanong ni Kristel pagkarating ko sa table ko. “Stress talaga ako malala! Kapagod magcommute!” usal ko na ikinatawa niya. “Kaya ayokong nagpifield e, ang sakit sa bangs ng commute! Ung kahit wala ka namang bangs sasakitan ka,” saad niya sabay harap ulit sa laptop niya. Napailing nalang ako sabay lapag ng bag ko sa itaas ng table ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko doon, mabilis naman akong napatingin sa gawi ng opisina ni ma’am ng bigla itong lumabas at agad na nagtama ang mata namin. “Come to my office now,” usal niya sa seryosong paraan. Bigla naman akong kinabahan dahil don. Mukhang alam ko na ang rason ng pagtawag sa akin. Mukhang papagalitan ako nito dahil hindi ako nagpaalam doon. Marahan ko na lang na kinuha ang notepad ko kung saan nandoon ang mga sinulat ko pati na ang phone ko kung saan ko nirecord ang mga sagot nila na hindi ko naman nasulat. “MA’AM,” tawag ko nang makapasok ako doon. May kausap ito sa telepono kaya naman sumulyap lang ito sa akin at itinuro ang upuan sa tapat ng table niya. Sinyales na dapat akong umupo doon kaya naman ginawa ko iyon sa marahan na paraan. Agad naman itong lumapit sa swivel chair niya nang matapos ang tawag na ginawa niya kanina. “Ely, how’s the interview?” tanong nito sa akin. Mabilis ko namang kinuha ang mga dala ko ay inilatag iyon doon. “Ayos naman po, ma’am. Nakapag-interview po ako ng sampung tao,” usal ko sabay pakita sa kan’ya ng pangalan ng mga ito pati na ang mga pictures na kinuha ko para ipakita. Tumango naman siya pero wala pa ding reaksyon ang mukha. “Good job, but ano itong narinig ko?” puri niya sa akin ngunit agad akong kinabahan dahil doon. Ano na naman kaya ito? Hindi kaya nagsabi itong delulu kong kapatid na may mga ginawa ako sa kan’ya? Tsk! Ely kasi bakit pinatulan mo pa iyon delulu na iyon, ikaw– “Nandoon raw si Magnus, bakit hindi ka nagpapicture?” Agad akong napatigil sa pag-iisip nang marinig ko ang sinabi niya! Pinilit kong hindi magtaas ng kilay dahil doon. Akala ko about sa trabaho pa rin ang ikagagalit niya sa akin, hindi naman pala! Tsk! Pakialam ko doon sa mokong na iyon! “Ma’am, sorry po. Hindi ko din po kasi kilala iyong mokong– este Magnus po na sinasabi ninyo,” usal ko na ikinabigla niya. “Hindi mo kilala si Magnus Ford! Ely, saang bundok ka galing?!” hindi makapaniwala niyang sigaw sa akin. “Magnus Ford is a very famous artist these days!” habol pa nito sabay tipa sa laptop niya at agad na hinarap sa akin ang pagmumukha ni mokong! Oh ow! Here we go again– the lesson of the legend mokong este Magnus Ford pala. -------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD