ELY
ISANG malalim na hinga ang pinakawalan ko nang sa wakas ay makalabas ako sa opisina ng boss ko.
Grabe! Parang hindi ko kinaya ang puro pagkakausap nito sa akin tungkol kay mokong! Para hindi na ako makakaalis sa mundong iyon, hinid ko talaga kinaya!
Halos tatlong oras akong nandoon sa loob, hindi lang naman si mokong ang pinag-usapan namin pati na yung about sa interview ko sa mga candidates pero mas marami siyang ikinuwento about kay mokong at kung hindi ko talaga siya boss ay baka nilayasan ko siya dahil wala naman din talaga akong care sa buhay ni mokong.
He is just my plain neighbor and I don’t need to know anything about him.
Isang mahinang tawa ang narinig ko nang makabalik ako sa table ko. Mukha siguro akong stress na stress dahil sa nangyari.
“Hoy! Ano ba namang itsura iyan? Bakit ganyan?” natatawang tanong sa akin ni Kristel na siyang nilingon ko.
Mukhang siya ang tumatawa sa akin dahil sa itsura niya. Umupo muna ako bago huminga ng malalim.
Wala naman. Nakakapagod lang doon sa opisina ni madam. Akala ko kasi papagalitan niya ako dahil hindi ako nagpaalam sa venue ng audition na babalik na ako dito pero hindi naman pala iyon,” usal ko at ibinaba ang gamit ko na dala.
Lumapit naman ito sa akin siguro para kumuha ng tsimis.
“E, bakit ka pinatawag? At’ska bakit kasi hindi ka nagpaalam sa staff doon? Talagang papagalitan ka,” usal niya niya sa akin na siyang ikinatango ko.
Alam ko naman na mali ako doon kaya nga kahit papaano ay naghanda ako ng isasagot ko at kung sakali man na pagalitan ako ay tanggap ko iyon dahil mali ko naman talaga ang hindi nagpaalam pero hindi ko din talaga matanggap na kaya ako pinagalitan ay dahil hindi ako nagpapicture at hindi nagpapirma kay mokong!
“Hindi ako nagpaalam kasi nabusy sila, may dumating kasing mga artista. Siguro mga bagong endorser ng product kaya naman nandoon sila, kaya ayon hindi ako nakapagpaalam,” saad ko na ikinatango din niya bago narealize ang sinabi kong rason.
Nanlalaki ang mata nitong tumingin sa akin at parang naamae dahil may artista akong nakita. Tss! Kung alam lang nila na kinasusuklaman ko na ang makita ang artista na nandon, syempre except kay Cullen.
“Sinong artista ang nandoon? Wala kang picture?” tanong nito na ikinaiwas ko ng pag-irap.
“Pati ba naman ikaw, picture ang hinanap? Kaya nga ako pinapasok doon sa opisina dahil hindi ako nakapagpapicture…” usal ko sabay pikit at hilot sa sintido ko.
“E, sino nga iyong artista kasi?” pangungulit nito sa akin.
Kunot ang noo ko siyang tinignan habang siya naman ay nakangiti lang sa akin ng malalapad.
“Si Magnum Ford,” tugon ko.
Bigla naman akong napahawak sa braso ko nang maramdaman ko ang paghampas nito sa akin sabay tawa! Masakit iyong hampas niya ha!
“Gagi, Ely! Anong Magnum Ford/! Ano yan, ice cream?! Magnus Ford kasi!” natatawang pagtatama nito sa akin.
“E, paki ko doon! Hindi ko naman siya gustong kilalanin,” saad ko na ikinagulat niya at akmang magsasalita na siya nang mabilis ko siyang pinigilan. “Sshh! I’ve had enough hearing about Magnum o Magnus Ford, whatever his name is. Okay, sikat siya at hinahangaan pero picture pa lang niya ay alam kong hindi na maganda ang ugali niya kaya hindi ko siya gusto. Judger ako e, kaya ramdam ko sa picture pa lang na hindi ko magugustuhan ang ugali niya. Sorry,” paliwanag ko.
Nakatitig lang naman ito sa akin matapos akong sabihin iyon. I really had a long day and talking about that guy isn’t not my thing. May kayapatan naman siguro ako lalo na at noon pa man ay hindi ko na talaga gusto iyon, sila lang naman itong laging ibinibida ang lalaking unggoy na iyon e.
Hindi naman natin mapipilit ang isang tao na magustuhan din ang gusto natin lalo na sa kaso ko na aquitance ko ang sinasabi nilang artista. Nakakausap at nakakaaway ko kahit pa hindi nila alam iyon ay may rights pa din akong hindi siya magustuhan.
“I’m sorry, Ely,” usal nito bigla kaya naman agad akong nakonsensya.
Si Kristel pa ata ang napagbuntungan ko ng inis at pagod ko.
“I’m sorry din, Kristel. Medyo napasobra ata ako sa sinabi but I’m really mean it, I don’t like Magnum Ford. at siguro gets mo naman na hindi natin mapipilit ang isang tao na magustuhan ang gusto natin, ‘di ba?” saad ko na ikinangiti nito.
“Magnus Ford, Ely. itama na natin bago ka pa marinig ng mga angels niya at awayin ka,” natatawang usal niya na ikinatawa ko na din. Magkatuog kasi e. “Pero, tama ka naman doon, hindi natin mapipilit ang isang tao. Naiintindihan ko, sorry na ha…”
“Okay lang, Kristel. Sorry talaga ha,’ saad ko na ikinangiti niya lang sa akin.
Bumalik na kami sa trabaho na meron kami katulad ko na kailangan kong iedit ang mga napili ni madam na ilalagay namin as a poster. Ipapasa ko din kasi ito sa advertisement department para sila na ang mag-enchance ng gagawin ko.
Lumipas ang isang oras, naramdaman ko na unti-unti ng nag-aayos si Kristel ng kan’yang mga gamit habang ako ay patuloy pa din sa pag-eedit. Alam ko na maiiwan ako ngayon dahil marami ang gagawin ko lalo pa at naubos ang ialng oras ko kanina doon sa opisina kanina. Ayoko din mag-uwi ng trabaho sa bahay dahil gusto ko talaga pag-uwi ko, pahinga na lang ang aatupagin ko at hindi na magtatrabaho.
“Ely, hindi ka pa uuwi?” marahan na tanong ni Kristel sa akin habang patuloy pa din akong nakatingin sa screen.
“Hindi pa, una ka na… hindi pa kasi ako tapos dito pero malapit naman na,’ saad ko bago siya saglit na sinulyapan.
Nakita ko na nakasukbit na ang bag niyang malaki na gamit noong nag-overnight siya sa bahay.
“Okay! Ingat ka pauwi ha! Salamat ulit sa tatlong araw na bakasyon, sa susunod ulit!” saad nito sa akin.
“Sure! Schedule natin,” usal ko na ikinatango niya.
Muli na lang itong nagpaalam sa akin habang ako naman ay kumaway lang sa kan’ya at muling bumalik sa trabahong gusto ko ng matapos.
Matapos magpaalam ni Kristel sa akin, sunod sunod na rin ang narinig kong nagpapaalam na iba pa naming katrabaho habang ako ay nangako na hindi dapat ako maunahan ng iba pa naming nakaovertime na tumayo sa upuan nila.
Ayokong maiwan dito mag-isa…
Hindi naman nagtagal ay isang ngiti ang sumilay sa akin nang sa wakas ay natapos ko ang ginagawa ko. Mabilis ko itong sinend sa bpss ko pati sa advertisement departement.
Isa-isa kong inayos ang gamit ko at mabilis na tumingin sa paligid, may iilan pa na nakaduty dahil katulad ko ay may tinatapos silang mga gawain.
Nang mailigpit ko na ang gamit ko at nakita ko na wala na akong naiwan, agad kong pinatay ang laptop na gamit ko bago ako nagpaalam sa iilang mga katrabaho ko.
Masaya akong lumakad palabas ng building. Bahagya nga lang akong nanlumo dahil pagkalabas ko ay madilim na.
“Nagugutom na ako…” usal ko sa sarili ko sabay hawak sa tiyan ko.
Iba din talaga ako magutom! Gusto ko makakain ako agad… dahil diyan! Dadaan na lang ako mamaya sa convenient store malapit sa binababaan ko para doon bumili ng maraming pagkain…
Hindi na ako magluluto dahil nakakatamad na iyon bukod doon! Gutom na talaga ako!
Mabuti na lang at umayon sa akin ang tadhana dahil wala na gaanong trapik bukod doon, wala pang siksikan sa jeep! Parang masarap na laging ganitong oras ang uwi… hindi na trapik, makakaupo ka pa ng maayos.
Dahil nga walang trapik, mabilis akong nakarating ng convenient store na sinasabi ko. Mabilis akong pumasok doon at sa sobrang gutom ko pati na stress ay halos lahat ng makita kong sa tngin ko ay masarap kinuha ko.
Kumuha din ako ng mga chocolates at isang galon ng ice cream. Matapos kong makuha ang satingin kong kaya kong ubusin, agad akong nagbayad. Dumali pa nga ako ng isang drum stick ice cream para kainin habang naglalakad ako papuntang building ko.
Hindi ko maiwasang mapahumming habang kumakain at naglalakad. Sa totoo lang ay sobrang stress ako, hindi lang dahil sa trabaho kung hindi pati na noong nakita ko sila mommy na nandoon sa audition.
I was so envious of my sister because our parents supported her with her delulu, I mean with her dreams. They supported her not to come to school because she wants to pursue her dreams to become a model or part of the showbiz industry.
Naaalala ko noong ako na nagsabi na gusto ko ang ganitong course ay katakot takot na sermon at tanong ang inabot ko sa kanila dahil ayaw nila ang kurso ko. Noong sinabi ko na ayoko ang gusto nilang mangyari sa akin at hindi nila ako sinuportahan. Noong sinabi ko na gagraduate na ako na may latin honors, hindi ko man lang nakita na masaya sila o sinusuportahan nila ako.
Katulad kanina, kung pwede lang akong saktan ni daddy ay baka ginawa na niya iyon noong nakausap ko si Mikaela. Kahit pa si Mika naman ang nauna sa aming dalawa.
Nihindi man lang talaga nila ako kinumusta kung ano na ang lagay ko sa buhay ko nang bumukod ako.
Alam ko naman na wala talaga silang pakialam sa akin pero they are still my parents and I’m still they child. Dugo pa din nila ang gumadaloy sa akin kaya naman, kahit hindi na dapat, I still expect na mag tatanong sila.
-------------------------