Chapter 8 - Strangers

2047 Words
ELY “ELY!” masayang tawag sa akin ni Kristel habang naglalakad ito papalapit sa pwesto namin. Alam kong masaya ito dahil sa wakas ay matutuloy ang sleepover nito sa bahay. Tinawagan ko ito kagabi matapos kong kumain ng hapunan at sinabi ko sa kan’ya na tuloy siya dito bukas. Masayang-masaya nga siya dhail sa wakas ay makakaalis siya panandalian sa bahay nila. Hindi ko nga alam kung bakit dahil hindi pa naman kami nagkakaroon ng kwentuhan about doon pero kung ano man iyon ay masaya akong makatulong sa pagpapahinga niya. “Good morning,” bati ko rito nang makalapit na siya ng tuluyan sa pwesto ko. “Good morning! Dala ko na iyong gamit ko para hanggang monday ako doon,” usal niya sabay pakita ng malaki niyang bag na ikinatango ko habang nakangiti. “Ay mabuti naman, may kasama ako ng dalawang araw sa bahay,” usal ko dito. Natatawa naman itong tumango at muling ibinaba ang gamit niya. “Ely, thank you talaga ha! Sa tagal ko ng nagtatrabaho ngayon lang talaga ako makakapagsleepover sa ibang bahay dahil hindi naman ako nakikipaghalubilo sa iba dahil sinasabi nila na nerd raw ako dahil sa salamin ko,” usal nito sabay kuha ng salamin niya na ginagamit tuwing magtatrabaho na. Mabilis naman akong umiling sa kan’ya, medyo na konsensya ako sa ginawa ko nitong nakaraang linggo na tinanggihan ko siya. Kasi naman ang mokong na iyon e. “Wala iyon, ano ka ba? Maliit na bagay lang iyon para sa isang kaibigan. Ako naman din ay hindi gaanong kinakausap dahil nga sa katawan ko,” usal ko. “At’ska bukod doon, okay lang naman ang salamin sa mata ha, yung iba nga din dito ay nakasalamin– so, walang mali sa salamin mo,” nakangiting habol ko. “Salamat ha! Wag kang mag-alala, marami akong bagong chika na hinid ka tatamarin,” usal nito na ikinatawa ko. “Sige sige, pero bago iyon punta muna tayo ng supermarket mamaya para bumili ng mga supplies nnatin, medyo ubos na e," usal ko na bahagyang napakamot. Natawa naman ito bago tumango. "Oo ba, sakto sahod na rin mamaya!" usal niya na parang kinikilig pa. "Pero bago din iyon, trabaho muna kay baka mawarla tayo," usal niya na ikinatango ko at sabay tawa. Nagpatuloy kami sa pagtatrabaho at bahagya kaming parehong nabusy dahil sa dami ng kailangang aralin. Ang product ko ay skin care products. I need to make a catchy slogan for our product to make sure our clients and the market will have interest just by reading the slogan. I also need to put some reviews based on other users. I also need to post on social media about our products. Though I don't know how to use those products, if it's really effective or not, I still need to make sure that our client's product will stand out. Kaya nga sabi ko noong nakaraan, social media is not truly the best for everyone. At hindi lahat ng nasa social media ay dapat paniwalaan pero sa totoo lang, mabuti itong hawak kong product ay kahit paano maraming magandang reviews lalo na kung hiyang sa iyo ang skin care na iyon– maganda talaga ang review. Muli naman ako napairap nang makapasok ako sa isang social media ko at mukha na naman ni mokong ang bumungad sa akin. Simula talaga ng magtrabaho ako ay required na magkaroon kami ng social media sa iba't-ibang social media sites para nga ipost ang aming mga hawak na product kaya naman sa dalawang linggo kong ginagawa ito ay hindi nawawala ang mukha ni mokong mga ito. Mukha ngang sikat talaga siya. Mabuti na lang at nakahide ang identity ko sa blog ko kaya hindi nila malalaman na siya ang tinutukoy ko nitong nakaraan. Baka bigla akong kuyugin ng mga fans niya at bigla na lang akong tuminbuang sa daan dahil sa mga fans ng mokong na iyon! Nakakatatlong scroll down pa lang ako sa account na gamit ko nang may makita na naman ako na picture ni mokong. "Wala na bang ibang mukha?! Puro na lang ikaw?! Sarap basagin ng mukha nito," bulong ko habang kunot na kunot ang noo. Napatingin ako kay Kristel nang makarinig ako ng tawa sa kan'ya. "Anong ginagawa mo?" tanong nito sa akin sabay sulyap sa laptop ko. Agad kong nakita ang pagliliwanag ng mata niya anng makita si mokong sa screen. Isa talaga ito sa iniiwasan ko kaya ayokong magpunta soya sa unit ko na nandoon ang mokong na iyon. Fan siya e, talagang hindi mapipigilan na hindi siya kiligin kung makikita niya doon. Ang kinakatakot ko lang talaga ay baka dahil doon ay mapadalas na siya sa unit ko na which is okay lang naman kaso nga lang baka kumuha siya ng pictures na hindi naman authorized malalagay siya sa alanganin o much worse ay mapaalis ako sa tinitirhan ko! "Ang gwapo ni Papi Magnus tapos kasama pa niya si Dadey Cullen! Grabe talaga!" usal nito kaya naman napabalik ang tingin ko sa screen ng laptop ko. Agad na hinanap ng mata ko ang sinabi niya na hindi naman ako nahirapan dahil dalawa lang naman ang lalaki doon tapos may tatlong babae pero nasa gitna si mokong kaya agaw pansin pero nang makita ko ang sinasabi niya na Cullen ay bahagya akong napalapit at pinakatitigan ang lalaki na iyon. Gwapo, maputi, at may hawak na gitara habang may hawak na cellphone na iniendorse nila. Ang ganda ng ngiti niya… pantay na pantay ang ngipin pati na ang puti ng mga ngipin niya. Tapos napakaneat ng buhok niya pati na ng ayos ng polo nitp kahit pa may hawak siyang gitara. "Ang gwapo naman nito," usal ko nakalimutan ko nang nakatingin pala si Kristel sa akin. "Wag mong sabihing hindi mo rin kilala iyan?" tanong nito na ikinangiwi ko sa kan'ya. Napairap naman ito sabay iling iling habang natawa. "Hay, Elicinna! Hindi ko na talaga alam kung saang bundok galing at hindi mo kilala ang mga daddy na iyan!" usal nito sabay tingin muli sa screen at mabilis na tinuro ang tinawag niyang Cullen. "Eto si Cullen Wilson, leader, vocalist, at guitarist ng isang sumusikat na banda ngayon. Nagmomodel din iyan pero ang galing niyan kumanta! Panalo ang boses niyan!" usal nito na parang kinikilig habang sinasabi ang pangalan ni Cullen. Base sa mga sinasabi niya at nararamdaman ko mukhang sa unang pagkakataon ay magkakaroon ako ng paghanga sa isang lalaki. Puro paghanga lang naman dahil sa taglay niyang panlabas na kagandahan. I mean, I gwapo kasi niya at ang linis niyang tignan. Napatingin ako kay mokong at sa totoo lang ay gwapo rin naman siya, maganda ang ngiti, malinis ang buhok, at sa totoo pang mabango si mokong pero siguro ay dahil sa mga encounter namin na puro away ay wala na siyang dating sa akin. Tumango na lang ako kay Kristel na patuloy pa rin na nagkukwento about sa mga nasa picture. Nang matapos siyang magpaliwanag na hindi ko naman talaga halos lahat pinakinggan, bumalik na ito sa kan'yang ginagawa habang ako naman ay bumalik na din sa pagtatrabaho. Mamaya naman ay marami kaming oras para magchikahan dahil wala naman kaming pasok ng sabado at linggo. DUMAAN ang buong araw at natapos ang oras ng trabaho namin ni Kristel kaya naman mabilis kaming nagpaalam at umalis ng building namin. Nagtatawanan pa kaming dalawa dahil nga tinakbuhan na namin iyong mga kasama namin na gustong sumama sa amin pero dahil siya lang naman ang invited sa bahay ko ay tumakas talaga kaming dalawa. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan kaya parang sobrang excited ako lalo pa at malaya kaming makakapasok sa bahay ko na walang asungot. Pero kidding aside, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng kaibigan na kahit ano ang itsura at size ko ay wala na siyang pakialam basta nag-eenjoy kami sa company ng isa't-isa. Bago nga kami umuwi ng tuluyan sa unit, nagpunta muna kami ng supermarket at bumili ng mga pagkain na lulutuin at kakain namin sa unit mamaya. "Ely, umiinom ka ba ng beer?" tanong nito sa akin habang hawak ang animan na light beer. "Hindi masyado e, pero sige na! Lagay mo na dito iyan," usal ko at ngumiti sa kan'ya. Napangiti naman ito at mabilis na inilagay iyon sa cart na tulak tulak ko. Muli pa kaming nag-ikot doon bago kami magsettle sa mga binili namin at nagbayad na. Naghati kami sa babayaran namin na pinagtalunan namin dahil ako ay okay lang naman na magbayad pero si Kristel ay hindi siya panatag kaya naman hinayaan ko na lang. Nang matapos kaming makapagbayad, muli kaming bumyahe papunta bahay ko. Katulad ng lagi kong ginagawa, naglakad kami papuntang building na medyo ikinakakaba ko talaga baka kasi biglang sabihin nito na naalala niya ang lugar pero mabuti na lang at hindi iyon nangyari hanggang sa makarating kami sa mismong building namin. "Magandang gabi, Ely," nakangiting bati sa akin ni kuya guard. Agad naman akong bumalik ng ngiti sa kan'ya. "Magandang gabi din, kuya. Kaibigan ko po pala, si Kristel," usal ko na itinuro pa si Kristel. Ngumiti naman si kuya sa kan'ya na siyang ginawa din ni Kristel. Hindi na rin naman kami nagtagal pa ni Kristel sa ibaba at agad na kaming umakyat sa bahay ko. "Grabe, Ely! Parang panghigh class na condo ito! Yayamahin ka ata e," usal ni Kristel habang pinagmamasdan ang elevator na sinakyan namin. “Sira, anong yayamanin. Maganda lang yung nakuha kong unit kaya nandito ako, matagal ko din itong hinlugan ha,” usal ko. “Ikaw lang naghulog ng bahay mo dito?” tanong niya na parang namamangha pa dahil sa sinabi ko. Tumango lang naman ako sa kan’ya bago muling binitbit ang mga grocery namin at lumabas, agad naman siyang sumunod sa akin, natatawa nga talaga ako sa kan’ya kasi para talaga siyang bata na isinama sa isang ausement pero kahit naman kasi sino ay mamamangha sa disenyo ng condo building namin kahit ako noong una ganito e, kaya nga naiwan ko na lang basta yung mga gamit dahil naiwan ko ang susi ko kay kuya. Ayon, nagkaroon tuloy ng kaaway. Napakunot naman ang noo ko nang may makita akong dalawang babae na pinipindot ang doorbell ng unit ni mokong. Wala naman akong balak na pansinin pa dahil nga kahit naman ano ang katok nila ay wala lalabas sa kanilang tao dahil wala si mokong diyan. Pero bigla akong naalerto nang umpisahan nilang itaas ang pindutan ng code ng bahay ni mokong. Agad din akong kinalabit ni Kristel kaya naman wala din akong nagawa kung hindi kunin ang atesyon nila. “Excuse me! Miss!” tawag ko sa kanila na bahagya nilang ikinagulat. Agad silang napaharap sa akin at kinakabahang ngumiti. “Kayo ba nakatira diyan?” tanong ko kahit alam ko naman na hindi sila ang nakatira. Pilit kong pinatunog na inosente ang tanong ko dahil baka magkahalata sila na alam kong hindi sila ang nakatira doon. “Ha! Ah! Oo, etong kapatid ko kasi pinalitan ng password yung pinto namin nalimutan tuloy niya kung ano, medyo nasira tuloy,” usal ng isang babae na mahaba ang buhok. Tumango lang naman ako sa kanila at tinignan si Kristel na nakakunot ang noo. Alam kong sa panahon ngayon ay naghihinala na siya na hindi talaga sila ang nakatira doon. Sino ba naman kasing hindi maghihinala kung makikita mo na pinagpapawisan silang dalawa habang magkahawak pa ang kamay tapos madidiin pa ang bawat hawak nila. Tss! Itong mga kabataan na ito, nakakatakot din talaga kung umidolo. Kung alam lang nila kung gaano kapangit ang ugali ng nakatira diyan pero kung sa kabilang banda– kahit gaano pa kapangit ang ugali ng mokong na iyon, hindi pa din sapat na gawin ito sa kan’ya ng fans niya. They’re taking away his freedom, they’re invading his privacy. “Ah! Ganon ba? Gusto mo ng tulong? Pwede kong puntahan si kuya guard para tumawag ng nagrerepair ng door,” usal ko. Kita ko naman sa mga mata nila ang pagkabahala at pag-aalala lalo na ng ibigay ko na kay Kristel ang ibang pinaili namin. Nakakapagtaka lang na paano sila nakapasok dito kung gayong mahigoit ang security dito. Hindi kasi nagpapapasok dito basta-basta kung wala kang kakilala o kaya naman ay wala kang ipapakitang ID sa mga guard. ----------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD