ELY
“YOU know what, Elicianna Marie? I don't know where I failed to remind you to stop eating sweets and junk foods! look at your body now– your fat! Even your face! Oh my gosh!”
Kusang napairap ang mga mata ko nang muli kong marinig ang mga salitang iyon kay Mommy, hindi na ata matatapos ang usapin na iyan na mataba ako o pangit na ako sa paningin nila.
Bata pa lang ako ay namulat na ako sa maraming ipinagbabawal katulad na lang ng bawal akong kumain ng sweets– like chocolate, cake, and candies! Hindi ako pwedeng kumain ng mga iyon!
Once my mom finds out that I’m eating those forbidden foods– she always scolds me and gives me a punishment. Kaya simula noon ay hindi ko na sinuway si Mommy.
Not until maging highschool ako at nakantyawan ng mga kaibigan na payat at malnourished dahil sa katawan ko. Hindi naman ako ganon kapayat pero hindi ako mataba. I told that part to my mom but she just told me na wag na lang pansinin dahil mas pangit raw makita na mataba ako.
Doon ako mas naguluhan, hindi ako pwedeng maging mataba pero hindi rin ako pwedeng maging mapayat… saan ako lulugar?
Dahil sa kaguluhan ng isip ko na iyon ay doon ako natauhan na kahit anong gawin ko ay hindi ako matatanggap ng kahit na sino at kung talagang mahal ako ng magulang ko ay kahit ano pa ang katawan ko ay tatanggapin nila ako.
Sinimulan kong kumain ng mga pagkain na ipinagbabawal nito sa akin kahit pa ilang ulit akong pinarurusahan nila mommy ay paulit ulit king ginagawa. Pati ang pag-aayos ko sa sarili ay hindi ko na ginawa dahil para sa akin ay hindi ko talaga gusto ang bagay na iyon. Makati sa mukha tuwing may mga palamuti sa mukha.
“Mom, I love eating them and besides, pera ko naman ang ginagamit kong pambili dito,” usal ko sabay subo ng isang chocolate bar na hawak ko.
I’m now on 3nd year college and I’m taking up mass communication major in public relation, hindi talaga ito ang gustong kurso ng mga magulang ko sa akin pero dahil ito ang gusto ko ay wala silang nagawa.
Ayon nga lang ay hindi nila ako binigyan ng pampaaral kaya naman gumawa ako ng sarili kong diskarte– I took a scholarship program at my school, I even apply for a part-time job just to shoulder my miscellaneous on school. They even freeze my bank account they gave me when I was 16.
Biruin mo, may kaya ang pamilya namin at kaya akong pag-aralin ng mga magulang ko pero dahil hindi ko sinunod ang gusto nilang kurso para sa akin ay hindi nila ako sinuportahan.
Tumingin ako kay mommy na huminga ng malalim bago tumingin sa likod ko at hindi ko man tignan alam kong si Daddy ang nasa likod ko.
My father who dream to be a famous photographer and to have his own modeling agency but fate didn’t gave them a chance, minsan nilang ginawa iyon pero hindi talaga sila pinalad dahil sa tindi ng kompetisyon sa industriyang gustong pasukin at bukod doon ay bigla rin akong nabuo.
Gusto nila ulit sumubok kaya naman pilit nila akong pinagbabawalan at minamanipula ang buhay.
“Just let her eat what she wants, let's see if people will like her because of her appearance. Stop wasting your time on her– just focus on Mikaela, she will be the one who can rely on and not that fat woman!” rinig kong usal nito.
Hindi ko naiwasang mapairap dahil sa sinabi nito, ewan ko bakit nila ako tinatawag na mataba?
Yes, I’m not that sexy, they want me to be.. I’m a curvy girl who only just loves to eat. Para bang lahat ng ipinagbabawal nilang kainin ko noon ay lagi ko na lang cravings! And chocolate can ease the stress I have in my subjects!
Napakahirap at sobrang nakakastress gumawa ng statement para mapabango ang mga pangalan ng mga ibinibigay na bagsak na kompanya sa Pilipinas.
The fact that I was given the task to make them a good statement why they ended up bankrupt!
Even though I know the reason why they are in that crisis– I still need them to make a good statement. And that was so stressful! And chocolate is the best partner on that!
“Let’s go! Mikaela will have her shoot sa sinalihan nito sa school, we have to be there,” usal nito. “And you! Clean your room, it looks like you are in a pig’s house!” malakas na usal nito sa akin.
“But at least, I am myself and not being controlled by a slaughter,” usal ko.
Ngumisi pa ako kay mommy na nanlalaki ang mata dahil sa sinabi ko. I know my mom doesn’t want me to talk back to dad but! Who cares! Hindi nga nila ako itinuturing na anak, then I can give them a vice versa!
I heard him hissed because of what I say.
“I shouldn’t let you live if I know that you will be this stubborn!” usal niya kaya naman hindi ko na napigilang tumayo at harapin siya.
“Yeah! And you think I want to live with this kind of family that is only interested in physical appearance?! I would rather get out of here than to live with you!” usal ko na nakataas ang kilay. “But of course I can’t! I still need a room to study, maybe I’ll do that after my college!” saad ko at ngumisi kay Daddy.
Naisip ko kasing hindi ako pwede umalis dito hangga’t hindi pa ako nakakatapos ng pag-aaral, actually pwede naman, kaya ko naman but of course! Mas okay pa rin na komportable ang magiging study place ko.
Bukod doon, hindi niya ako pwedeng paalisin hangga’t hindi ako tapos ng pag-aaral dahil iyon ang pamahiing inaalala nila, hindi ka pwedeng magpaalis ng anak na hindi tapos ng pag-aaral dahil hindi raw aasenso ang magulang kapag ganon.
Ewan ko kung totoo iyon basta iyon ang laging sinasabi niya sa tuwing tatangkain kong umalis.
“Tignan natin kung hanggang saan tatagal ang yabang mo!” usal nito at pabalibag na isinara ang pinto ng kwarto ko
Hindi naman ako nagyayabang sinasabi ko lang ang nasa isip ko at ang totoo.
“Hindi mo dapat sinagot ang daddy mo!”
Agad akong napatingin kay mommy nang marinig ko siyang nagsalita.
“Why are you still here?” tanong ko dito bago muling umupo at bumalik sa ginagawa ko.
“We are not done talking!” singhal nito sa akin na ikinataas ng kilay ko bago marahang tumingin sa kan’ya.
“We are done talking, mom.” Tumayo ako at mabilis na pumunta ng pintuan ng kwarto ko at binuksan iyon. Tinignan ko siya ng walang buhay. “Now, leave. Meron pa kayong pupuntahan ng asawa mo,” usal ko.
Kita ko ang pagkairita ng mukha niya dahil sa sinabi ko kaya naman padabog itong naglakad hanggang sa matapat siya sa akin.
“You’re dad is right! We shouldn’t let you live!” saad niya.
Hindi ako nagpakita ng kahit anong reaksyon sa sinabi nito basta lang akong tumitig sa kan’ya at hindi pinansin ang sinabi niya.
Mas mukha naman siyang nairita sa naging reaksyon ko kaya mabilis niyang kinuha ang pagkakahawak ko sa pintuan at siya mismo ang nagsara nito.
Ramdam ko ang impact ng ginawa niyang iyon pero katulad kanina ay hindi ako nagpaapekto.
They are the ones who trained me to be like this. A badass! A stubborn b*tch!
Kung hindi nila ako itinali noong bata pa ako ay hindi ako magiging ganito. So pare-parehas kaming magsuffer sa ginawa nila.
Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili ko bago muling bumalik sa ginagawa ko.
I need to finish this paperwoks dahil mamaya ay may pasok ako sa part-time ko at bukas ay diretso na ako sa klase.
I have a part-time as a virtual assistant at dahil ibang bansa ang inaassist ko ay gabi kadalasan ang pasok ko. My duty is nine in the evening until four in the morning. I still had two hours to sleep before I got up and prepared for my class.
I really need to grind for my study because I really had a plan to leave here after I graduate. I don’t want to be here forever.
Kaya naman puro aral at trabaho na lang ang ginagawa ko. Ni hindi ko na nga alam ang nangyayari sa ibang panig ng mundo dahil wala na akong panahon.
Itutulog ko na lang kesa tumingin pa ako sa social medias o manood ng mga movies.
Kaunting panahon na lang naman ay matatapos ko na ang pagbabayad ko sa unit na binili ko. I’m pretty sure bago pa ako makagraduate ay tapos ko na ang pagbabayad ko na iyon.
I shake my head off to clear what’s on my mind… I need to focus on my works, para hindi ako maiwan bukas kapag nagkaroon ng readings na naman.
“IS THERE anything you still want me to assist you with?” I gently asked the person I was talking to.
Mukha lang akong magalang but at the back of my mind, I want to tell him that he should stop asking me questions!
Nakahinga naman ako ng maluwag nang magsalita ito at sabihin, okay na siya at naintindihan niya ang mga ipinaliwanag ko.
I was so relieved lalo na nang sabihin ko ang goodbye spill ko sa kan’ya.
Finally! I can sleep!
I really feel so sleepy and tired at the same time but I need this! Kailangan kong masanay na mapagod pa dahil sa mga susunod na araw ay sarili ko na lang talaga ang aasahan ko.
As soon as nakapag-out ako sa trabaho ay mabilis akong tumayo at padapang humiga sa kama ko. Mabilis naman akong nakatulog dahil sa pagod.
----------------------