Kanina pa hindi mapakali si Avril sa kanyang upuan, pilit ang mga ngiti niyang naka-plaster sa kanyang mukha. Mahigpit na magkasalikop ang kanyang mga palad na nasa ilalim ng lamesa, marahang itinipa-tipa niya na ang dalawa niyang paa upang kalmahin ang sarili. Hindi niya pa rin mapanatag ito kahit pa malawak ang mga ngiti ng mga magulang ni Mico sa harapan niya. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit hindi makayang maging komportable kahit pa mainit naman ang pagtanggap ng mga ito sa kanya ngayon. Pakiramdam niya ay hindi niya deserve na pakitunguhan siya nang maayos ng mga ito dahil sa niloloko lang naman nila sila. Pinapaniwala nilang may relasyon sila ni Mico na ang totoo ay wala naman talaga. Ang lahat ng iyon ay pawang pagpapanggap lang. Huwad, hindi tunay at marahil a