Chapter 44

1338 Words

Kinabukasan noon ay tanghali na nagising ang dalawa, kung hindi pa nakaramdam ng gutom ay hindi pa magigising at babangon si Avril. Maliit siyang napangiti nang masilayan niya sa kanyang tabi ang nahihimbing pa 'ring nobyo. Payapa ang mukha nito at halatang malalim pa rin ang humihimbing niyang pagtulog. At lalo pang lumapad ang mga ngiti doon ni Avril na halata sa kumikislap nitong mga mata. "Mico, gising na..." malambing niyang saad gamit ang paos pang tinig sabay yakap dito nang mahigpit, "Tanghali na..." aniya pang isiniksik pa ang sarili sa leeg ng nobyo niya. Marahang gumalaw si Mico at tumagilid sa kabilang direksyon. Bahagya pang hinawakan ni Avril ang kanang pisngi ng kanyang nobyo upang iharap na ito sa kanya. Nanatili itong tulog na halatang tila nasa panaginip pa siya. "Mico

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD