Puno ng pag-aalala ang mga mata ni Mico na inilibot ang kanyang mga mata sa paligid. Sinuyod niya ang bawat mukhang kanyang nakikita doon. Hinahanap ang babaeng nag-walk out kanina. Hindi niya na maikubli pa ang labis na pag-aalala ngayon dito, samahan pa nang mabilis na t***k ng kanyang puso. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit nasisiyahan pa siyang makita na nagkakaganun si Avril. Marahil ay dahil pakiramdam niya nagseselos ito kay Madox. At ang malaman na mayroon na siyang puwang sa buhay nito ay nagpapaligaya na rin sa kanya, kung kaya naman late reaction siya kanina sa ginawa nitong pag-alis. Para sa kanya ay masarap na pakinggan ang boses nitong galit na galit sa kanya at maging kay Madox kanina. Gusto niya pa iyong marinig ngayon keysa sa paulit-ulit na paliwanag a