Six

1813 Words
Six Diamond… AFTER NILANG mag-usap ni Ethan agad na sinabi ni Ethan sa Lola nito na magpapakasal na silang dalawa. Na agad ding nagpatawag ng dinner sa mansion nila Ethan ang abuela nito. Hindi niya problema ang matanda dahil malapit naman silang dalawa. “Are you ready?” tanong sa kanya ni Ethan. Mula rin ng mag-usap sila tungkol sa pagpapakasal nila, sa condo na niya naglagi si Ethan. Tulad ngayon, magkasama silang dalawa sa loob ng condo niya at dito na rin gumayak si Ethan para sa family dinner nila mamaya. Isang casual dress ang suot niya na kulay pula na above the knee ang tabas. Hindi na niya kailangan na magpakabongga pa dahil sa bahay lang naman nila Ethan sila pupunta para kumain ng hapunan.  “Yap, tara na.” yaya naman niya kay Ethan. Habang si Ethan naman ay casual wear lang din ang suot. Long sleeve polo shirt itong gray na itiniklop ang manggas hanggang siko at white pants ang suot nito. Hindi niya ramdam ang naging biyahe nila dahil sobrang bilis lang ng biyahe. Walang traffic na para bang nakisama talaga sa gabing ito. “Good evening ma’am and sir,” bati sa kanila ni Denmark. Gulat siyang makita si Denmark sa bahay nila Ethan, ang akala niya family dinner lang ang magaganap. Bakit narito rin si Denmark na mukhang dito rin maghahapunan kasama nila. Inalalayan siya ni Ethan sa paglalakad hanggang sa dinning room ng mga ito. “Kanina pa po kayo hinihintay ni Madam Amelia,” turan ni Denmark habang naglalakad sila. Hindi naman pinansin ni Ethan ang sinabi ng assistant nito at deretso lang sa paglalakad. Nang makarating sila sa loob ng dinning room nagulat pa siya ng nakita niya ang mga magulang niya na kausap na ang Lola ni Ethan. Ano naman ang ginagawa ng mga magulang niya sa bahay nila Ethan. Hindi man lang siya sinabihan ni Ethan na nandoon din ang mga magulang niya. Pero dapat lang siguro na hindi na siya mabigla sa mga nangyayari, seryosong usapin ang pagpapakasal at kailangan talaga nila ang basbas ng both sides nila. Especially her parents na talagang bumiyahe pa pa-Maynila para lang sa gabing ito. Nilapitan niya ang mga magulang niya para magmano sa mga ito at sa Lola naman ni Ethan para naman magbeso. Ganoon din naman ang ginawa ni Ethan. “Maupo na kayo, at magsimula na muna tayong kumain.” Utos naman ng Lola ni Ethan. Nagtataka man siya sa nangyayari sinunod na rin niya ang utos nito. Magkatabi sila ni Ethan, kaharap naman niya ang mama niya at si Ethan ang kaharap ng papa niya. Sa kabila naman niya nakaupo si Denmark at nasa pinakadulo naman ang Lola ni Ethan. Tahimik lang silang nagsimulang kumain. Gustuhin man niyang magsalita at tanungin ang mga magulang niya kung bakit naroon, pinili na lang niyang manahimik na lang. Then suddenly Ethan clear his throat, na para bang gusto nitong magsalita pero wala namang sinabi. Kinakabahan ba siya? “Ethan…hijo why don’t you announce your plan to Mr. and Mrs. Sarmiento.” Ang Lola ni Ethan ang bumasag ng katahimikan nila. Napatingin naman siya sa mga magulang niya, walang ideya ang mga ito kung bakit sila naririto ngayon gabi. Pero mukha naman inaasahan na ito ng mga magulang niya, hindi naman sila mukhang nagulat. Huminga pa muna nang malalim si Ethan at nagpunas ng bibig nito. “Papa Richmond and Mama Diana,” huminga nang malalim si Ethan at tatlong beses na tumikhim. “I would like to ask your permission…to…to…” nauutal na panimula ni Ethan. Nilingon niya ito at hinawakan ang kamay nito sa ilalim ng lamesa. Kitang-kita kasi ang kaba nito ngayon, at ang lamig pa ng mga kamay niya. Feel niya biglang nawalan self confidence si Ethan habang hindi mahanap ang tamang salita para sabihin sa mga magulang niya. Samantalang close naman ang mga magulang niya kay Ethan. Simula pa kasi noon palagi na rin si Ethan sa bahay ng mga magulang niya. Isa pa ang alam din naman ng mga magulang niya hindi lang bestfriend ang turingan nila ni Ethan. Na gaya ng Lola ni Ethan na ang alam ay may relasyon silang dalawa gano’n din ang mga magulang niya. Alam na boyfriend niya si Ethan mula pa noong high school silang dalawa. “Permission in what Ethan?” hindi naman makapaghintay na tanong kanyang ama. “For Dia’s hand in marriage, Papa.” mahinang sagot ni Ethan sa kanyang ama. Natahimik naman ang mga magulang niya sa naging pahayag ni Ethan. Nakatitig lang ang mga ito sa kanilang dalawa na para bang sinusukat kung totoo ba ang mga pinagsasabi ni Ethan sa mga ito. “Finally!” exaggerated na reaction ng mama niya. Tumayo pa ang mama niya para lumapit sa kanila at yakapin siya nito. “Ang akala naman namin ang sasabihin niyo ngayong gabi magkakaapo na kami. Pero kasal lang pala,” nakangiti pang turan naman ng kanyang ama. “So, Madam you call us here para sa kasal ng mga bata?” baling naman ng ama niya sa Lola ni Ethan. “Oo Richmond. Finally they will tie the knot. Hindi ko lang sila maunahan na mag-announce sa inyong mag-asawa ang kanilang planong pagpapakasal. So Diana we will know arrange their wedding as soon as possible.” masaya namang baling ng abuela ni Ethan sa kanyang ina. Kumalas na ang kanyang ina sa pagkakayakap sa kanya at bumaling naman sa lola ni Ethan. “Madam, kung ako ang masusunod kahit na next week ikasal na silang dalawa. May mga kakilala akong wedding planner na kayang gawin ang preparation ng kasal with in a week.” Tuwang-tuwa naman na sabi ng kanyang ina. “That would be great, right Ethan?” sagot pa ng Lola ni Ethan. Tumango naman si Ethan bilang pagsang-ayon sa pinag-uusapan ng mga nakakatanda sa kanila. Instant pamamanhikan pala ang magyayari sa kanila ngayon. Ang akala niya simpleng dinner lang ito. “Denmark, you will assist Dia’s parents this week mainly Mrs. Sarmiento and Dia in preparing the wedding. Kaya na ni Ethan ang trabaho niya, I will assign Kade for the mean time in Ethans office.” utos pa ng Lola ni Ethan kay Denmark. Parang ang bilis naman nang pangyayari sa mga oras na ito. Parang kailan lang niya sinabi kay Ethan na pumapayag na siyang magpakasal dito, tapos ngayon nagmamadali naman ang mga magulang at lola nila na makasal na sila. At next week pa talaga. “Wait lang po, bakit parang ang bilis?” hindi niya naiwasan na natanong. “It’s better Hija, doon din naman kayo patungo ni Ethan. Bakit pa natin patatagalin,” sagot naman ng Lola ni Ethan sa kanya. “Oo nga naman anak, para magkaapo na kami agad.” Excited naman na dagdag pa ng kanyang ina. “Let them be, Dia.” Ani naman ni Ethan sa kanya. “Let’s talk,” bulong naman niya kay Ethan. “Later,” ganting bulong naman sa kanya ni Ethan. Nagkagulo na ang loob ng dinning room. Masayang nagpaplano ang mga magulang niya at ang Lola ni Ethan para sa kasal nila ni Ethan. Aligaga naman si Denmark sa paglilista ng mga sinasabi ng mga ito. Tahimik lang sila ni Ethan na nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga ito. Hindi pa natapos ang pag-uusap ng mga ito sa dining room at itinuloy pa ng mga ito sa may living room ang pag-uusap tungkol sa kasal nila ni Ethan. When the elder’s are all settled and busy planning their wedding, doon naman sila nakatiyempo ni Ethan at nagpunta sila sa pool side ng mga ito sa likod ng bahay para makapag-usap. “Ano ‘to?” tanong niya agad kahit hindi pa sila nakakaupo. “I didn’t plan it. Ang sabi lang ni Mamita kakain lang tayo ng dinner to congratulate us. She didn’t told me about inviting your parents tonight. At may ibang balak din naman ako para sa mga magulang mo,” paliwanag nito. “Kainis naman Ethan, biglang-bigla ako.” naiinis na sagot naman niya. “Dia, believe me nabigla din ako.” exaggerated na sagot sa kanya ni Ethan. Marahas siyang umupo sa beach bench na nasa tabi ng pool ng mga ito. “Wala naman na tayong magagawa, isa pa tama naman sila. Sa kasal din naman tayo papunta. Hindi nga lang long term engagement ang nangyari.” Tumabi ito sa kanya nang upo at may dinukot pa ito sa may bulsa nito. Kinuha pa nito ang kamay niya at may inilay ito doon. “It’s our family heirloom. Galing pa iyan sa Mommy ni Mamita. Pinapasa lang iyan sa mga bride ng first son sa generation. And practically ako lang naman ang nasa generation ko kaya sa ‘kin ipinamana. Ikaw ang pang-apat na magmamay-ari ng singsing na iyan. Ipapasa mo iyan sa panganay na anak na lalaki na’tin kapag ikakasal na siya.” paliwanag ni Ethan. Itinaas niya ang kamay niya kung saan nakasuot ang singsing na binigay ni Ethan. Medyo madilim sa lugar kung nasaan silang dalawa, pero buti na lang maliwanag ang buwan kaya naman nasilayan niya kung anong itsura ng singsing kahit papaano. White gold na may itim na crystal sa gitna na napapaligiran ng maliliit na puting crystal din. Simple but elegant ang singsing na binigay ni Ethan. Mukhang naalagaan na mabuti ang singsing, hindi kasi mapagkakamalan na luma na ang singsing na ito. “It’s a rare black diamond,” paliwanag ni Ethan. “Bakit mo binigay sakin ito?” wala sa isip niyang natanong. Parang hindi niya narinig ang naipaliwanag na sa kanya ni Ethan kanina. Na-amaze kasi siya sa singsing na binigay sa kanya nito. Ang tagal na nilang magkaibigan ni Ethan pero hindi man lang nito naikwento sa kanya na may ganoon pala itong naitatagong singsing. “Hindi mo ba narinig ‘yong sinabi ko sayo kanina?” nakataas ang isang kilay na tanong sa kanya ni Ethan. Nakabungisngis naman siyang nahampas pa niya ang balikat ni Ethan. Sobra siyang na-over whelm kasi sa binigay sa kanya ni Ethan. “Oo na alam ko na sorry naman, sobrang nabigla lang ako.” paliwanag naman niya. “Bagay sa ‘yo ‘yan. Diamond, matagal ng binigay sa ‘kin ni Mamita ‘yan. College pa lang tayo, sinabi na niya na importante sa amin iyan. Kaya ikaw Dia ingatan mo iyan. Parang puso na ng pamilya namin iyan.” Mataray pang paliwanag nito. “Parang puso mo lang bakla, binigay mo na sa ‘kin ang puso mo? Wala ng bawian ha.” birong totoo naman niya. Natigilan naman si Ethan sa biro niya, parang ang lalim ng iniisip nito ngayon sa sinabi niya. Hindi na lang niya ito pinansan at muli na naman niyang pinakatitigan ang singsing na binigay nito sa kanya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD