Five

1621 Words
    FIVE Diamond… Nagising siyang parang may bumabarena sa kanyang ulo sa sobrang sakit nito. Salo-salo niya pa nga ang kaniya ulo habang bumabangon siya mula sa kama. Sa pagmulat ng mga mata niya, nagulat siyang malaman na nasa loob na siya ng sarili niyang kwarto sa kaniyang Condo. Wala na kasi siyang maalala kung paano siya nakauwi kagabi, dahil sa sobrang kalasingan. Ang huling natatandaan lang niya nagsasayaw silang magpinsan sa bar. Sa paglingon-lingon niya sa paligid ng kwarto niya, nagawi ang paningin niya sa kaniyang tabi. May katabi siyang isang lalaking nakadapa, kahit hindi niya pa tingnan ang mukha nito kilalang kilala niya ito. “Ethan!” sigaw niya nang mapagsino ang kaniyang katabi. Padambang niyakap niya ito mula sa likuran. Sobrang na-miss niya ito, kaya hindi na niya napigilan ang yakapin ito. “Dia naman, ang bigat-bigat mo naman eh!” reklamo naman ni Ethan habang nakadagan siya dito. Pero biglang may naalala siya, napabangaon siya at bigla na lang niyang hinampas ang likuran ni Ethan. Pabigla tuloy itong napabangon mula sa pagkakahiga sa gulat sa kaniyang ginawa. “f**k! Ano bang problema mo?” pasigaw nito at inis na inis sa kanya. Kung hindi lamang niya kilala ito at hindi niya alam na bading ito, hindi niya talaga iisipin na bading ito. Sobrang lalaking-lalaki kasi nitong magsalita ang laki ng boses na parang papasang announcer ng radio. “Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan?” sita niya kay Ethan. Napabuntong hininga naman ito at umayos nang upo sa kama niya. “I will be honest to you, nagpunta ako ng Canada. Mamita really wants me to meet a girl there, kung ayaw mo pa raw akong pakasalan better na hiwalayan na kita and find another girl.” Sagot na nito na hindi nakatingin sa kanya. “What?! akala ko ba ako ang gusto ni Mamita para sayo?” tanong niya sa binata. “Yeah, pero kung hindi pa tayo magkakaanak with in this year sa iba na lang.” parang pagod pang sagot nito. “Niloloko mo ba ako?” naiinis na tanong niya. “Dia, seryoso si Mamita na magkaanak na ako. I don’t know why, basta ang alam ko lang gagawin ni Mamita ang lahat magkapamilya na ako.” iritadong sagot naman ni Ethan. Kitang-kita na nga sa mukha ni Ethan na problemado nga ito. Medyo parang pumayat pa nga ito, nagkaroon na rin ito ng balbas at lumalim ang ilalim ng mga mata nito. Sobrang laki ng eye bags nito na nangingitim pa. Sa sobrang stress ni Ethan nakalimutan yata nitong bakla ito, dahil promise lalaking-lalaki ngayon si Ethan sa paningin niya. “Dia, I know it looks like I’m pathetic now. Pero….” Pinigilan niya ito sa pagsasalita gamit ang isang hintuturo niya. “Payag na ako,” aniya na nakatitig dito. Napatulala naman si Ethan sa kanya, mukhang hindi ito naniwala sa sinabi niya. “Hoy, sabi ko pumapayag na ako. Ayaw mo yata eh?” pagbabawe naman niya. “Hindi nga?” tanong nito ng makabawi naman sa pagkabigla. “Oo sabi eh.” pagtataray na niya. “s**t!” pagmumura naman ni Ethan bago siya nito niyakap. “Thanks Dia. You don’t know how happy am I now,” turan pa ni Ethan habang yakap-yakap siya nito. “Oh, tama na… nahihilo na ako sa gutom ipagluto mo na ako. ‘Pag ako nalipasan nang gutom baka magbabago na isip ko,” pagbabanta naman niya dito nang pabiro. Mabilis naman siyang pinakawalan nito at madaliang lumabas ng kwarto niya. Napailing siya habang nakatingin sa nakabukas na pintuan kung saan dumaan si Ethan. Pumasok siya sa banyo para maligo na at mabawasan naman ang hang-over niya sa katawan. Paglabas niya mula sa kwarto matapos maligo, nakaluto na agad si Ethan ng almusal nilang dalawa. Kaya naman wala na siyang ginawa pa kung hindi ang umupo na sa dinning table at magsandok ng pagkain niya. “So, you went to Canada?” she open the topic while eating her breakfast. “Yeah,” sagot lang sa kanya ni Ethan. “Kumusta naman ang girl na nakilala mo doon bakla?” tanong niya doon. “Worst,” pinatirik pa nito ang mata niya. Natatawa naman siyang nagpatuloy sa pagkain habang nakatingin kay Ethan. “Wow ha, kala ko lalaki ka na talaga. May patirik-tirik ka na ngayon ulit ng mata,” natatawang puna niya. Mula kasi kaninang magising silang dalawa kilos lalaki lang si Ethan, siguro nasanay lang si Ethan sa kilos lalaki dahil isang linggo itong nagkiki-kilos ng lalaki ng hindi niya ito nakita. “Bestie naman,” nakairap pa sa kanya. “Pero, Ethan…totoo akala ko talaga lalaki ka na. Mukha ka na kasing maton sa itsura mo.” pangloloko pa niya dito. “Kainis ka naman …” nakairap pa ulit na sagot nito. “Tumabi ka sakin kagabi, naliligo ka pa ba?” muli niyang pang-aalaska dito. “Hoy, ikaw na bruha ka. Kahit ikiskis ko ang kili-kili ko sa mukha mo hindi ako mapapahiya. Kasi mabango ang kili-kili ko kahit ilang araw akong hindi maligo,” pagtataray na naman sa kanya ni Ethan. Doon na siya tuluyan na napatawa, kahit kailan talaga ang sarap pikunin ni Ethan. Madali lang kasing mapikon ito, konting kanti lang niya dito mapipikon na ito. “But, sige pagbibigyan kitang asarin ako ngayon. Thank you ha,” bawi naman nitong bigla. “Bakit ka naman nagpapasalamat Bakla?” tumigil na siya sa pagtawa. “Kasi pumayag ka na, itatawag ko na nga kay Mamita na magpapakasal na tayo ng tigilan na niya ako. Balak na naman niya ako papuntahin sa Japan naman ngayon,” sagot pa nito. “Hmp! hindi naman ako pumayag nang wala akong kondisyon,” aniya. “Ano naman aber?” nakataas na naman ang kilay ni Ethan nang magtanong ito sa kanya. “Ngayon na talaga na ‘tin pag-uusapan. Hindi ba pwedeng mamaya after na ‘tin kumain?” sagot naman niya rito. Tumago na lang ito at nagpatuloy na kumain. Nang matapos naman silang kumain nagtungo sila sa sala ng condo niya at doon sumalampak habang nanunood ng TV. Kumuha na din siya ng ballpen at papel para ilista nila ang magiging kondisyon nila sa relasyon na papasukin nilang dalawa. She clear her throat before she start talking, “so isulat mo bakla number 1 rule natin…”panimula niya. Binigay naman niya kay Ethan ang ballpen at papel para ito ang magsulat. Nakairap na kinuha nito sa kanya ang ballpen at papel. Alam naman nito na ayaw niyang magsulat ng mga dini-dictate na mga bagay. “Number one: totoo ang kasal hindi natin pepekein o ano pa man. Kasal tayo sa mata ng mga tao at lalo sa mata Diyos,” simula niya. Tatangu-tango namang isinulat ni Ethan ang sinabi niya. “Number two: natural method ang paggawa ng bata. Meaning to say we will have s€x, honeymoon, mame-meet and greet ang hiyas at ang espada ni superman, or what so ever para makabuo ng bata at walang artificial insemination na sinasabi mo.” dagdag pa niya. Para namang naiinis na tumingin sa kanya si Ethan. “We already talk about it, bakit kailangan pang isulat?” pagtataray nito. “Baka mamaya itanggi mo after ng kasal, at ipilit mo pa ang artificial method mo,” nakairap din niyang sagot sa kaibigan. “Kahit naman ayoko ng tahong may choice pa ba ako.” pagtataray ulit nito. “Ah! Basta isulat mo iyon.” Pagpupumilit naman niya. Napipilitan naman si Ethan na isulat ang sinabi niya. “Number three: magsasama tayo sa iisang bahay as husband and wife.” tuloy niya ulit sa pagbibigay ng rules nila. “Oo naman paano ka naman mabubuntis kung nandito ka sa condo mo, habang ako nasa mansion.” pangbabara naman ni Ethan  sa sinabi niya. Hindi naman niya ito pinansin at pinagpatuloy pa ang iba pang sasabihin niya. “Number four: pwede nating gawin ang lahat ng gusto natin gawin, meaning pwede ka pa din humanap ng boylet mo at ganoon din ako.” dagdag pa niya. Hindi naman isinulat ni Ethan ang sinabi niya, para pa nga itong natigilan sa sinabi niyang iyon. “No, we will stay married forever Dia. Kaya ayoko nito, hindi ka na pwedeng tumingin sa iba ‘pag nakasal tayo.” tangi naman nito. Napakunot noo naman siya sa inasta ni Ethan. Ang sungit kasi ng itsura nito, na parang makikipagsuntukan ito kung tumingin. “Okay, sige ibahin na lang natin. Number four ulit: act sweet. Tama iyon na lang. Kapag kasama natin ang mga kamang-anak natin and even friends we will act like were in-love with each other. Okay lang?” tanong pa niya. Tumango lang ito sa kanya at nagsimula na siyang magsulat ulit. “May idadagdag ka ba?” tanong naman niya. Umiling lang ito sa kanya, at nagpatuloy lang sa pagsulat. Ibibigay na sa kanya ni Ethan ang papel ng bigla nitong inagaw at may idinagdag itong isinulat. Nang matapos itong magsulat mukhang pinirmahan pa nito ang papel na pinagsulat nila ng kasunduan nila. “Number five: gusto ko ng anim na anak?!” nanlaki pa ang mata niya sa nabasa niyang dinagdag nito. Nagkibit-balikat pa ang bakla nang pinaglakihan niya ito ng mata. “Mahirap naman kung mag-isa lang anak natin, the merrier the better.” Balewala pang sagot nito sa kanya. Wala na siyang nagawa pa kasi may point naman si Ethan. Parehas lang kasi silang nag-iisang anak kaya gusto rin naman niya ng madaming anak. Kaya pinirmahan na rin niya ang papel na binigay nito. “Deal close,” sabi pa niya nang matapos ang pagpirma sa papel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD