Three

2098 Words
THREE DIAMOND… "Bestie, may problema ako." Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mahadera kong kaibigan na si Ethan. Hindi kasi maipinta ang mukha niya sa totoo lang. Ang aga-aga pinuntahan ako sa condo ko para lang dramahan. "Ano naman kinalaman ko sa problema mo, bakla?" pagtataray ko nga. Hindi maganda ang gising ko dahil ilang oras pa lang akong nakatulog dahil sa dami ng mga plano ng bahay na kailangan kong tapusin. Tapos kailangan kong bumangon para lang samahan at pakinggan ang kadramahan ng baklitang ‘to. "Actually malaki, abestie kailangan ko nang tulong mo." Anito na kunwari pang nagpunas ito nang imaginary nitong luha. "Ang arte mo bakla. Bilisan mo nang sabihin ang problema mo para naman makabalik na ako sa pagtulog ko," pagtataray ko ulit sa kanya. "Kailangan ko kasi ng anak," mahina lang na sabi nito pero sakto lang para marinig ko. Tinaasan ko siya ng kilay, ano naman magagawa ko kung kailangan ng baklang ito ng anak. "So..." sabi ko bago ako uminom ng kape ko. "Pwede bang ikaw na lang maging nanay ng anak ko?" Naibuga ko ang kape sa mukha niya sa sobrang pagkagulat ko sa sinabi nito. Biglang nawala ang antok ko sa sinabi ni Ethan. “Ako bakla eh ‘wag mong pinaglolo-loko. Ganitong kulang ako sa tulog baka makalimutan kong bestfriend kita.” pagtataray ko naman sa kaibigan ko. “Seryoso ako,” mahinang sagot pa ni Ethan. Natahimik ako, hindi ko alam ang isasagot ko kay Ethan. Wala man lang kasing pasintabi itong baklang ito, basta na lang sinabi na gusto akong maging ina ng anak nito. Parang humiling lang ito ng candy mula sa akin na kukunin ko lang sa may bulsa ng pantalon ko. O hindi naman ay, para siyang nagsabi na gusto nitong kumain ng adobong baboy na maraming sabaw. Ano ako karinderya, na kung gusto ng baby o-order na lang basta ng bata at ibibigay ko snaman a kaniya. “Hoy! Dale Ethan Anderson, anong tingin mo sa ‘kin baby maker?” pagalit na sagot ko. Kahit naman bestfriend ko si Ethan hindi ko gusto ang gusto nitong mangyari.   “Hindi naman sa ganon Dia…si Lola kasi,” bulong nito. “Magsalita ka nga ng maayos,” angil ko kay Ethan. Nanggigil na kasi ako sa kanya, ang arte-arte na nga niyang magsalita ang hina-hina pa na parang ayaw niyang sabihin sa akin. Pero ito nga at inabala na ako at sinabi na rin ang pakay nito sa akin at iyon nga na maging nanay ng anak nito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. “Mamita wants me to have an heir bago niya ipasa sa ‘kin ang pagiging CEO ng company.” paliwanag nito. Mariing napapikit naman ako sa narinig kong paliwanag ni Ethan. Alam ko kung gaano kagusto ni Ethan na maging CEO ng kumpanya ng Lola nito. Collage pa lang kami noon gusto na nitong manahin ang posisyon ng lola nito. Kaya nga ito nag business administration instead of engineering na naging usapan namin noong bata pa kami. Noong mga high school pa lang kami ang usapan na namin ni Ethan, mag-e-engineer ito at ako naman ay architect at magtatayo kami ng construction firm naming dalawa. Pero ng mag-college na kaming dalawa nagbago na ang isip ni Ethan at nag-business administration na lang ang kinuha nito. Para paghanadaan ang pagiging CEO nito baling araw. Nag-masteral pa nga ang bruha sa ibang bansa para naman daw hindi mapahiya ang lola nito kapag binigay na nito ang inaasam nitong posisyon. “Bakit ako?” nanghihina kong tanong kay Ethan. “Alam mo naman bestie na ang alam ni Mamita girlfriend kita, kaya ikaw ang gusto niyang maging ina ng anak ko.” paliwanag pa nito. Gusto ko namang maging ina, kasi lahat naman ng babae sa mundo iyon ang pangarap ang maging isang ina. Pero syempre pangarap naman kong makasal bago ko gawin ang ganong bagay. “At saka ‘wag kang mag-alala Girl, magpapa-artificial insemination tayo para magkaanak,” digtong pa nito. Nanlaki naman ang mata ko sa narinig kong sinabi ni Ethan. “WHAT?!” exaggerated kong sigaw sa kanya. Oo nga at pangarap kong maging isang ina. Sige aminin ko na rin na I considered Ethan’s proposal. Hindi naman na masama, kilala ko na si Ethan mula pa noong mga bata kami. Maging ang mga magulang ko kilala na si Ethan. Pero ang bumuo ng anak gamit ang artificial insemination? Aba gusto ko rin namang ma-experience na makarating sa sinasabi ng ilan na langit. At matikman ang sinasabi ng marami na ‘luto ng Diyos’. “Lower your voice Dia,” saway naman ni Ethan sa akin. “Hoy! ikaw plano mo na nga akong anakan. Tapos gusto mo pa na mabiyak ang hiyas ko na gamit lang ang hiringgilya. Hoy! Baklita ipapabiyak ko lang ang hiyas ko kung ang gagamitin ay espada ni super man.” paghihisterya ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung pinagtitingin kami ng mga tao sa coffee shop kung nasaan kaming dalawa. “Dia naman, please lower your voice. Nakakahiya sa mga tao,” patuloy na saway sa akin ni Ethan. Inirapan ko ang baklitang ito, sabi ko naman kasi dito sa condo na lang kami mag-usap. Ito lang naman ang nagpumilit na lumabas pa kami, magdusa itong baklitang ito kung mapahiya man kaming dalawa. “A.YO.KO.” madiin kong sagot sa kaibigan ko. “Ano ang ayaw mo? Ayaw mong hinaan ang boses mo? O ayaw mong maging ina ng anak ko?” nagtatakang tanong nito. “Parehas,” padabog kong kinuha ang baso ko at uminom ng kape. Sa inis ko, hindi ko na naalala na mainit nga pala ang kape ko kaya naman napaso ako sa biglaan konga pag-inom. Nag-aalala namang lumapit sa ‘kin si Ethan at pinunasan ang bibig ko. Agad din niya akong binigya ng malamig na tubig para maibsan ang pagkapaso ko sa kape. “Mag-ingat ka naman kasi,” para pang ito pa ang nainis sa pagkapaso ko. “Ikaw naman kasi,” ganting angil ko naman. Umupo naman ulit sa harapan ko si Ethan at pinakatitigan niya ako. Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. “Dia, seryoso ako sa sinabi ko,” si Ethan ang unang nagsalita sa aming dalawa. “Seryoso rin ako, na ayoko!” ganting sagot ko naman sa kanyaa. “Dia naman, ikaw lang ang nakakaalam nang kalagayan ko ‘di ba. Alam mo naman na matagal ko ng pangarap na maging CEO ng kumpanya namin. Ayokong sa iba pa mapunta ang pagiging CEO, sabi ni Mamita kung hindi ko masusunod ang gusto niya kay Jonathan niya ibibigay ang pagiging CEO. Hindi naman ako papayag doon, I give up my dream to become an engineer and be your partner in business for these. And I will not let my sacrifice turned out to be nothing.”  mahabang litanya nito. Naiintindihan naman niya si Ethan, mula noon pa naman kakompitensya na nito si Jonathan. Second cousin nito si Jonathan, anak ng Tito Rafael niya na pinsang buo ng tatay nito. Na katulad niya wala na din ibang kapamilya si Jonathan kundi sila Mamita at si Ethan. Kaya naman si Mamita na rin ang kumupkop kay Jonathan noong mamatay ang tatay nito noong magcollage na sila. Isa din si Jonathan sa mga dahilan kaya biglang nagbago ang plano ni Ethan sa buhay. Nalaman kasi ni Ethan na mukhang si Jonathan ang may interest sa pagpapatakbo ng negosyo nila noon. Samantalang si Ethan naman ay gustong maging engineer nga nang dahil na rin sa akin. Hindi pa makasundo ni Ethan si Jonathan dahil sa mayabang masyado ang pinsan nitong si Jonathan. Kaya naman ng marinig ni Ethan noon na kukuha ng Business Administration si Jonathan at pagnatapos ng college ay sasanayin na ng Mamita nito sa negosyo nagbago na ang isip ni Ethan at kinuha na rin ang Business Administration na kurso. “Ethan naman, gusto kong maging ina pero hindi sa gusto mong paraan.” naisagot na lang niya. “Eh ano?” painosenteng tanong pa ni Ethan sa ‘akin. Nabatukan ko nga siya ng wala sa oras.  Aanga-anga kasi kung minsan, kala mo naman wala itong alam pagdating sa paggawa ng bata. Kakamot- kamot naman sa ulo si Ethan na nakatingin lang sa ‘kin. “Ikaw, matalino ka naman ‘di ba. Pero bakit hindi mo gamitin ang utak mo minsan sa ganitong usapan. Syempre gusto kong makasal, sabi ko naman sayo kung bibiyakin man ang hiyas ko, ‘yong espada ni superman ang gamitin hindi ang sinasabi mong heringgilya. At gagawin ko lang iyon sa taong mahal ko,” nakairap ko pang sagot kay Ethan. “Dia, please help me naman,” pagsusumamo naman ni Ethan. Ginamitan pa ako nito ng nagmamakaawang mukha na palaging ginagawa nito kapag may hinihiling siyang pabor sa ‘kin. Pero ang hirap naman kasi nang hinihingin ni Ethan sa ‘kin, anak ba naman ang hilingin. “Ethan, hindi naman kasi madali ang hinihiling mo, anak. Alam mo rin naman siguro ang pangarap ko. Higit sa lahat ikaw ang nakakaalam noon, kaya paano naman ako papayag. Hindi porket bestfriend kita eh ‘oo’ na agad ang sagot ko.” “Okay sige, magpakasal tayo. Payag na rin ako na gawin na ‘tin ‘yong gusto mo na natural way. Pumayag ka lang,” para namang napipilitan na sagot nito. “Ethan!” naiirita kong tawag sa kanya. Napahawak pa nga ako sa nose bridge ko habang nakapikit. “Ano? I’m too desperate Dia. Sa’yo lang din ako kampante, kung mag-aasawa man ako ikaw na lang ang pipiliin ko,” pagmamakaawa muli nito. “Ethan naman, kanina anak lang ang gusto mo ngayon naman kasal na rin. Isa pa ‘yang paliwanag mo. Your choosing me because kampante ka sa ‘kin, not because you love me. Marriage is so sacred for me. Gusto kong magpapakasal ako sa lalaking mahal ako at mahal ko. No offence bakla, pero hindi sa isang baklang wala lang choice kasi bestfriend ako,” nauubusan na ako nang idadahilan sa baklang ito. Natahimik naman si Ethan, mapapansin din sa mukha nito na nasaktan ito sa mga sinabi ko sa kanya.   Mahal ko naman si Ethan, ‘di ba nga crush koa si Ethan. Pangarap ko rin noon na maging asawa si Ethan, nagplano pa nga ako noon na gawing straight na lalaki si Ethan sa pamamagitan ng pang-aakit dito. Pero walang effect kaya sinukuan ko na siya at inirespeto sa desisyon niyang maging gay. Si Ethan pa nga ang naging first kiss ko kasi ang akala ko noon kapag hinalikan ko si Ethan magiging lalaki na ito at liligawan na ako pero walang effect ang beauty ko. Kahit na maghubad siya sa harapan ni Ethan walang silbi dahil nga isa itong straight, straight na gay at hindi lalaki. Tapos ito ngayon ang gustong mangyari ni Ethan, ang makasal kaming dalawa at magkaanak. Hindi dahil na-convert na ko si Ethan na maging straight na lalaki, kundi gusto lang ng lola nito na magkaanak na si Ethan. Nasaktan ako sa sinabi nitong kampante kasi ito sa akin kaya ako ang gusto nitong maging ina ng anak nito. Tapos kung hindi ko pa sinabi na gusto ko munang makasal bago magkaanak hindi pa nito sasabihan na magpakasal kami. Anak lang talaga ang gusto ni Ethan kasi mukhang iyon lang naman ang gusto ng lola nito. Malungkot na napatungo na lang si Ethan sa harapan ko, hindi na ito umimik pa. Alam kong nag-iisip ito, pero alam ko ring hindi na nito ipipilit pa ang gusto nitong mangyari sa akin. “Sorry Dia,” pagkuwa’y hingi nito ng paumanhin. “Naiintindihan ko,” sagot ko na lang. After all bestfriend ko si Ethan, ayaw ko rin naman kasi mawala ito sa buhay ko. Hindi ba nga ito ang first ko. First crush. First love. First kiss. First heart broken. Kaya mahalaga si Ethan sa akin. “Sorry, pero hindi ako susuko. Gusto ko pa rin na ikaw ang maging ina ng anak ko. I will do everything para ma-convince kita na pumayag. Sige ubusin mo na ang coffee mo ihahatid na kita sa condo. Hintayin na lang kita sa kotse,” sabi pa nito bago tumayo at iwan akong natulala sa sinabi nito. Habang ako ay tulala at nakatanaw kay Ethan na papalayo, nakanganga at hindi na malaman ang gagawin ko. Akala ko talaga hindi na niya ipipilit dahil iyon ang alam ko, hindi niya ipipilit kapag ayoko o hindi ang sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD