TWO
DIAMOND…
NAGISING AKONG wala na akong katabi sa kama, pagsilip ko sa side table ko kung nasaan ang orasan ko nine o’clock na nang umaga. Kaya mabilis naman akong tumayo para maligo na at ng makapasok na trabaho.
Sabado naman ngayon kaya wala namang oras ang pasok ko. Pupunta lang naman ako sa opisina kasi nandoon ang ibang mga gamit ko sa pagpa-plano.
Nang matapos ko na ang morning rituals ko nagmamadali na akong lumabas sa kwarto ko. Wala na din sa sala o sa kusina si Ethan paglabas ko. Sabado naman ngayon bakit kaya maaga akong iniwanan ni Ethan. Saan naman nagpunta ang baklitang iyon ng ganitong kaaga.
Nagkibit-balikat na lang ako at nagpunta sa kusina para kumuha ng tubig. Sa opisina na lang ako magbe-breakfast kasi wala naman akong stock ngayon sa bahay.
Naisip ko na ring mag-grocery mamayang hapon bago ako umuwi galing opisina. Pagpasok ko ng kusina agad kong nakita ang note ni Ethan na nakapaskil sa may refrigerator ko.
Girl,
Nagpunta lang ako grocery, lang’hya ka ginawa mo na akong ultimate PA mo. Be back before 10. Hintayin mo na ako, hatid kita.
Ethan.
Nagbago na ang isip ko na umalis at pumunta ng opisina. Pwede naman mamaya na lang after lunch ako pumunta doon. Wala namang boss na nagagalit sa akin, over time ko lang naman iyon kung tutuusin.
Lulubos-lubusin ko na lang muna ang bestfriend ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinawagan si Ethan.
“Bakla, asan ka na?” masayang tanong ko dito.
“On the way na papunta dyan,” sagot nito.
“Nagda-drive ka? Sige ingat ka, baba ko na.” agad kong tinapos ang tawag ko.
Hihintayin ko na lang siyang dumating. Tutal on the way naman na raw siya papunta rito sa condo ko.
Nagpunta ako ng sala at sinindihan ang TV. Wala pang sampung minuto akong naghintay bumukas na ang pintuan ng unit ko at pumasok si Ethan na dala ang mga pinamili nito.
“Bruha ka, tinungangaan mo pa ako. Try mo kayang tulungan ako,” pagtataray sa akin ni Ethan pagkakita sa akin na nakatingin lang sa kanya.
“Hindi na, ki-kiss na lang kita mamaya bakla. Sayang ang muscle mo, gamitin mo naman kahit paminsan-minsan lang.” pagbibiro ko pa.
Inirapan lang ako nito at nagderetso na sa kusina. Sumunod naman ako sa kanya ng makita ko ng naibaba na niya ang mga pinamili nito agad akong yumakap sa likod nito.
“Bakla, mahal mo talaga ako. Kaya mahal na mahal din kita eh,” ani ko pa.
“Hmp, wala lang makatagal sa ugali mo kung hindi ako lang ang sabihin mo. Binola mo pa ako,” sagot naman ni Ethan.
“Tara na hatid na kita sa office mo,” pag-aaya na nito.
“Mamaya na, pagluto mo naman ako ngayon. Miss ko na ang luto mo,” paglalambing ko.
“Nang-uto ka naman,” tinanggal nito ang pagkakayakap ko.
“Totoo naman,” nagpa-cute pa ako para pagbigyan ako na ipagluto nito.
“Sa susunod na lang, dumating si lola pinapauwi na ako.”
“Ay, dumating si Mamita? Sige na nga ikumusta mo na lang ako kay mamita,” masaya kong turan.
Tumango lang ito at hinila ako palabas na ng condo. Ito na rin ang nagdala ng bag ko, ‘yong mga tao rito sa condo ang alam sa amin ni Ethan mag-boyfriend kami. Hindi naman na namin kinorek kasi sabi nga ni Ethan para safe daw ako sa condo ko at hindi na ako pupuntahan ng mga boys na tenant sa building.
Madalas talaga kasi si Ethan sa condo ko, hindi na nga kumuha ng condo si Ethan share na lang daw kami sa condo ko para tipid. Kaya may mga gamit si Ethan sa condo ko, at may susi na din ito ng condo ko.
“Try kong sunduin ka mamayang hapon. Call me if uuwi ka na,” bilin sa akin ni Ethan nang makarating kami sa building ng firm.
“Yes Sir!” sumaludo pa ako.
“Sir ka dyan,” sarcastic na sagot naman ni Ethan.
Natawa naman ako, ayaw patawag ng sir. Gusto ‘ata ma’am ang itawag ko sa kanya.
“Sige na pasok na ako, ingat sa pagda-drive.” Paalam ko na lang.
Pagkababa ko ng kotse nito agad naman na itong umalis na hindi na ako hinintay na makapasok mukhang nagmamadali nga ang loka kasi ang bilis agad ng takbo.
Pumasok na lang ako sa loob ng building ng hindi ko na matanaw ang kotse ni Ethan.
Sa maghapon ko sa opisina ang dami kong nagawa natapos ko ang isang plano ng bahay na ginagawa ko kagabi. Nasimulan ko pa ang pangalawang plano.
“Dia hindi ka pa uuwi?” tanong ni Lynda.
Kasama kong architect din si Lynda sa firm. Kami lang dalawa ang babaeng architect dito kaya naman ito lang din ang ka-close ko rito. Okay naman ako sa iba pa naming katrabaho rito kaso nga mga lalaki kasi kaya hindi kami close sa mga iyon.
Alam niyo naman dito sa Pilipinas may gender inequality, may time na naririnig namin ni Lynda na minamaliit ng mga kasama naming lalaki ang kakayahan namin ni Lynda. Kaya nga madalas ang mga napupuntang project sa amin ni Lynda mga plano lang ng bahay o town houses. Iyong mga big project nasa mga lalaki palagi.
Hindi na lang kami nagrereklamo ni Lynda kasi naman baka pagtulungan pa kami ng mga kasama naming. Ayoko pa naman ng gulo, makaipon lang ako magtatayo ako ng sarili kong firm para hindi na ako mamaliitin ng mga kasama ko. Ako pa ang boss sa sarili kong trabaho.
“Anong oras na ba?” tanong ko.
“Nine na ng gabi.” Sagot naman ni Lynda.
“s**t!!!” napamura naman ako.
Sa sobrang pagkaabala ko hindi ko na naalalang kumain ng hapunan. Kinuha ko na rin ang cellphone ko at tatawagan ko si Ethan baka kanina pa ako no’n tinatawagan.
“Ethan, masusundo mo ba ako?” tanong ko nang masagot na nito ang tawag.
“Ma’am Dia si Denmark po ito,” pakilala ng secretary ni Ethan.
“Oh! Denmark bakit nasa ‘yo ang cellphone ni Ethan?” nagtataka naman ako.
Gabi na at isa pa sabado ngayon kaya sigurado akong wala namang pasok ang mga ito. Isa pa sabi ni Ethan sa ‘kin kanina dumating si Mamita kaya sigurado ulit akong si Mamita ang kasama ni bakla ngayon.
“Nandito ko kami sa opisina ngayon, may pinapaayos po kasi si Madam Amelia kay Sir Ethan.” sagot naman nito.
“Ah, sige pakisabi magta-taxi na lang ako.” Sagot ko naman.
“Hindi na po, susunduin ko na po kayo. Binilin po ni Sir Ethan na kapag tumawag kayo susunduin ko po kayo.” pigil naman nito.
“Hindi na, maabala ko pa kayo. Kaya ko na ‘to pakisabi na lang.” pinatay ko na ang tawag ko para hindi na ako makulit ni Denmark.
“Hindi ka masusundo ng boylet mo?” tanong sakin ni Lynda.
Nagulat naman ako, ang akala ko pa naman iniwan na ako nito.
“Hindi eh,” sagot ko na lang.
“Tara sabay na kita,” ‘aya naman ni Lynda sa akin.
Well libre rin ito kaya sumabay na ako kay Lynda. Magkaway naman ang condo ko at ang condo nila kaya hindi na ako nahiyang makisakay.
……………………………..
Naalimpungatan ako sa naghuhuramentadong tunog ng cellphone ko. Puyat na puyat pa naman ako, kasi kahit na nakauwi na ako sa condo ko kagabi nagtrabaho pa rin ako. Halos kakapikit ko pa nga lang yata at ito na may nambubulabog na.
“Kainis naman oh,” napakamot pa ako sa ulo ko ng hindi pa rin tumigil ang tumatawag sa akin.
Nakapikit pa akong tumayo at nagpunta sa study table ko sa loob ng kwarto.
“Hello?!” ani ko.
Pero wala namang sumasagot sa akin sa kabilang linya. Kainis, nambulabog nang tulog tapos nangti-trip lang pala. Napilitan naman akong imulat ang mga mata ko at tingnan kung sino ang tumatawag sa akin.
Ethan.
“Bakla? Hello Ethan.” turan ko ulit.
Narinig ko naman na bumuntong hininga naman ito.
“Kainis ka naman, kung magti-trip ka ‘wag ako bakla. Kulang na kulang ako sa tulog eh!” reklamo ko naman kay Ethan.
“Pwede ba tayong magkita ngayon, Dia. May sasabihin lang ako sayo,” sagot naman ni Ethan.
“Sige, pero mamayang hapon na lang. Matutulog lang ako,” naiinis na sagot ko naman.
Sa totoo naman na antok na antok pa ako.
“Ngayon na sana Diamond. Importante lang,” parang nagmamadali naman ang bruha kung magsalita.
“Susunduin kita d’yan, sa coffee shop na lang tayo sa tapat ng condo.” sabi pa ni Ethan.
“Kung ano man ang sasabihin mo dito na lang sa condo, hindi naman pala tayo kailangan na lumayo. Dito na lang, sige payag na ako na magkita tayo ngayon,” pagpipilit ko pa.
Pero wala namang sumagot sa sinabi ko, tiningnan ko ang cellphone ko wala na pala akong kausap.
“Kainis ka Ethan, kailan ka pa naging bastos kausap.” pabagsak ko pang binaba ang cellphone ko sa table.
Naiinis na nagbalik na ako sa kama ko at nahiga ulit, bahala ang Ethan na iyon. Basta ako matutulog pa.
Nagising na lang ako na may yumuyogyog sa akin, nang imulat ko ang mga mata ko nakita ko si Ethan.
“Get dress,” utos nito sa ‘kin.
Inirapan ko na lang ito at naiinis na tumayo na mula sa kama.
“Pasalamat ka mahal kitang bakla ka,” turan ko pa ng makatayo na ako.
Hindi man lang ako pinansin ni Ethan, nang makita kasi ako ni Ethan na tumayo na lumabas na din ng kwarto si Ethan.
“Ano bang problema ng baklang ‘to?” tanong ko pa sa sarili ko habang nakatingin sa likuran niya.
Kaya naman pumasok na lang ako sa banyo para mag-ayos ng sarili ko.
………………………..