Four
Diamond…
It’s been a week since the last time I had a talk with Ethan. Ito na rin ang pinakamatagal na hindi kami nagkausap na dalawa simula noong naging magbestfriend kami. Nagkakatampuhan kami ni Ethan pero hindi naman natatapos ang isang araw na hindi kami magkakaayos na dalawa.
Kaya nga ang akala talaga ng ibang tao magkarelasyon kami dalawa kasi hindi na kami nagkakahiwalay na dalawa. It was always that Ethan will raise the white flag. Pero ngayon talagang hindi niya rin ako kinausap, o kahit message man lang sa email o sa mga social media accounts ko.
Wala na ngang nagtatangkang mangligaw sa akin kasi ang alam ng mga boys taken na ako.
Kaya sa edad kong 28 wala pa rin akong nagiging boyfriend. And it’s not a problem with me actually, busy rin kasi ako sa trabaho.
“Dia, okay na ba ‘yong floor plan ni Mrs. Tan?” tanong ni Lynda.
Kanina pa ako titig na titig sa cellphone ko at hinihintay ko na tawagan ako ni Ethan.
“Dia.”
Malalim na napabuntong hininga ako, habang titig na titig pa rin sa cellphone ko. I can’t focus on my work, kasi hindi ako sanay na hindi ako kinakausap ng baklita si Ethan.
“Calling Dia from earth,” nagulat na lang ako ng may mga kamay na kumakaway sa harapan ko.
“Lynda?” nagtataka ko pang tanong sa katrabaho ko.
“Kanina pa kita kinakausap hindi mo ako pinapansin. Tulala ka lang d’yan, may problema ka ba? Pansin ko rin na hindi ka na pinupuntahan ng jowa mo dito? LQ kayo?” sunod-sunod na tanong nito.
May pagka-atrimidida ang katrabaho ito kung minsan. Pero wala ako sa mood na pansin ang pagiging atrimidida nito ngayon.
“Ano na nga iyong sinasabi mo kanina?” pag-iiba ko ng topic.
“Ah, oo nga pala iyong floor plan ni Mrs. Tan natapos mo na ba?” buti na lang hindi nito napansin ang pag-iwas ko sa topic namin.
Tango lang ang sagot ko at hinanap ang plano na sinasabi nito. Nang makita ko na ito, agad ko na lang na inabot sa kanya at iniwan na niya ako. Buti na lang hindi na ako kinulit na tanungin ng tungkol kay Ethan.
Nang wala na sa paningin ko si Lynda nagbalik na ako sa pagtitig sa cellphone ko. Madami akong trabaho pero hindi naman kasi ako makapag-focus. Busit na baklita na iyan, bakit ba ako ang affected ng sobra. Samantalang siya ang may hinihiling sa akin, na ang hirap ibigay. Buti sana kung candy lang ang hinihingi niya.
“Akala ko ba hindi ka titigil hangga’t hindi mo ako napapa-payag sa gusto mo. Bakit wala ka namang ginagawa?” kausap ko sa cellphone ko na parang nakaharap ako kay Ethan.
Naiinis na itinaub ko na lang ang cellphone ko, bakit ba ako talaga ang affected? At para bang sinasabi ko pa na dapat may gawin si Ethan para matuloy ang sinasabi niya. Ganoon na ba ako kadesperada?
“Ugh! kainis ka talaga Ethan,” nanggigi-gil na bulong ko.
Isang linggo pa lang akong hindi kinakausap ni Ethan ganito na ang nararamdaman ko. Naiinis na naiirita ako, oo na aminin ko na nagdadalawang isip na ako sa desisyon ko. Mas nakakalamang nab aka pagbigyan ko na si Ethan.
Iniisip ko kung ano baa ng mgandang gawin nang tumunog ang cellphone ko. Excited ako, akala ko kasi si Ethan ang tumatawag sa akin.
Pero laking pagkadismaya ko ng unregistered number ang tumatawag sa akin. Malamang hindi si Ethan ang tumatawag na ito.
“Hello.”
“Hey! Dia kumusta ka na bruha. Si Jessie ‘to,” masayang boses ni Jessie ang narinig ko.
“Jessie bruha ka ano ng nangyari sayo bakit ngayon ka lang nagparamdam?” masayang ako nang magsumagot.
Ilang taon na kaming hindi nagkikita ng pinsan kong ito. Ang huling balita ko kasi saibang bansa ito naglalagi pero hindi ko alam kung nasaang lupalop ng mundo ito naroroon. Masyadong adventurous ang pinsan kong ito.
“Ano naman ako, multo? Saan ka ngayon mag-Bar naman tayo,” pag-aaya naman nito.
“Bruha ka talaga. Sige magkita na lang tayo sa dati, natatandaan mo pa ba ang favorite place natin?”
“Loka loka, oo naman alam ko pa. Punta ka na andito na ako. Mag-undertime ka na.”
Napatingin naman ako sa orasan sa laptop ko, 3 o’clock pa lang ng hapon.
“Sige, Friday naman ngayon.” Tumayo na ako at naghanda ng umalis.
Tinapos ko na rin ang tawag ni Jessie at nagpunta na opisina ng boss ko para magpaalam. Nang payagan na ako nito agad akong umalis na ng opisina at pinuntahan na ang pinsan kong pasaway.
Buti na lang hindi pa masyadong traffic sa daan kaya naman nakarating na ako agad sa pupuntahan ko.
Maagang nagbubukas ang Bar na pinupuntahan namin kaya okay lang na maaga kaming magpunta roon. Mas pabor pa nga sa akin kasi tahimik sa bar ‘pag ganitong umaga. Inom lang talaga ang punta mo sa Bar.
Pagpasok ko pa lang sa loob ng Bar walang katao-tao pa kundi ang pinsan ko at isang bar tender.
“Ang aga mo namang uminom?” agad na tanong ko sa kanya ng makaupo na ako sa tabi nito.
“May jet log pa ako nito ha. Gusto lang kitang makausap na bruha ka,” sagot naman nito.
“Brandy,” order ko sa Bar tender.
“Yes ma’am Dia,” sagot nito na may kasama pang kindat. Napailing na lang ako sa inasal ng bar tender.
Kilala na kami sa Bar na ito kasi linggo-linggo naman kami ni Ethan na magpunta sa Bar na ito.
“Ano na nangyari sa inyo ni Ethan pabebe?” tanong ni Jessie ng iwan kami ng Bar tender.
“Okay lang naman kami,” simple kong sagot.
“Okay? so kailan ang kasal?” tanong ulit nito.
“Anong kasal pinagsasabi mo?” Nagtataka naman na tanong ko.
“Here’s your brandy Ma’am Dia,” bilis namang nakabalik ng bar tender.
“Thanks Jude,” pasalamat ko na lang.
“Mukha ngang hindi ka pa sumasagot sa sinasabi niya. Tinawagan ako ni Ethan kaya ako napauwi ng wala sa oras,” ani Jessie.
Nakakunot noo lang sako habang nakatitig sa pinsan ko at pinapakinggan ang sinasabi niya.
“Pinauwi ako ni Ethan para kausapin ka at tulungan siyang ma-convince na ka na pumayag na pakasalan siya at mag-anak kayo,” pasimula nito.
“Kainis naman,” bulong ko at napairap pa talaga sa narinig.
“Ano bang pumipigil sayong babae ka. Hindi ba patay na patay ka sa bestfriend mo na iyan dati. Kulang na nga lang raypin mo ‘yong baklang iyon. Tapos ngayon na inaaya ka na niyang makasal kayo inaayawan mo na.” sermon pa niJessie sa akin nang hindi ako sumagot.
“Ayoko nga eh!” nakasimangot na sagot ko na lang.
“Ayaw mo, so okay lang sayo na sa iba siya mapunta. Hoy! Diamond Sarmiento ano pa lang plano mo sa buhay mo. Aba 28 ka na, hindi ka na bata wala ka namang nagiging boyfriend kakadikit mo d’yan kay Ethan. Ano buburuhin mo na lang ang hiyas mo hanggang sa magsara na iyan nang tuluyan.” sermon ulit nito.
“Isa pa, hindi naman na masama kung si Ethan ang mapapangasawa mo. ‘Di ba ang alam naman ng lahat mag-jowa kayong dalawa, tayong tatlo lang ang nakakaalam na baklita pala si Ethan eh. Kaya bruha walang makakapansin kung bakla si Ethan kung sakali. Gusto mo ba na iba ang mapangasawa niya?” tanong ni Jessie na iling lang ang sagot ko.
“Ayaw mo naman pala. Eh kung ayaw mo naman siyang pakasalan hahanap talaga siya ng ibang babae na pwede niyang maanakan. Gusto mo ba iyon? tapos kagaya mo sabihin din ng babae na gusto niyang natural method ang gawin sa pagbuo ng bata. Tapos magustuhan na ni Ethan ‘yong kukunin niyang baby maker tapos pakasalan na niya, eh! ‘di lost ang beauty mo.” pagku-kumbinsi pa nito sa akin.
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya, iniisip ko ang mga ibinigay niyang scenario sa akin.
“Mukhang okay lang naman pala sayo na mawalan ka ng bestfriend,” bumaling pa ito sa iniinom nito.
“Mag-aanak lang siya mawawalan na ako ng bestfriend,” sagot ko.
Minsan OA talaga kung magpaliwanag itong pinsan ko. Mawawalan na agad ng best friend ang paliwanag niya. Napapailing na lang ako sa mga pinagsasabi ng babaeng ito.
“Oo, ‘di ba araw-araw kayong magkasama. Kung magkakaanak siya at kung magkakataon pakasalan pa ni Ethan ang babaeng maaanakan niya. Syempre iyong pamilya na niya ang priority ni Ethan, hindi na ikaw.” paliwanag nito.
Natigilan ako sa pag-inom ko sana ng alak, napaisip sa mga sinabi niya. May point naman kasi ang sinabi nito ngayon sa akin.
“Mawawalan na kayo ng time together. Mas pipiliin na ni Ethan ang pamilya niya ang unahin niya kaysa sayo na bestfriend lang. Wala ka namang K na mag-demand ng time kay Ethan kasi hindi ikaw ang asawa,” pagsusulsol pa nito.
Mas lalo naman akong napapaisip sa mga sinasabi nito.
“Eh kung ikaw ang mapapangasawa niya, walang magbabago sa inyong dalawa. Hindi ba halos magsama naman na kayong dalawa, ‘yong ibang tao nga sinasabi na kulang na lang sa inyong dalawa kay kasal. May mag-bestfriend bang babae at lalaki na nagtatabing matulog, na halos doon na sa condo mo tumira si Ethan. Bago kayo magdesisyon na dalawa magtatanungan pa kayo kung okay lang ba, nagki-kiss pa nga kayo.” paliwanag na naman nito ulit.
Nakatitig ako sa baso na hawak ko, “bakla si Ethan.” Wala sa loob kong naisagot kay Jessie.
Malakas na tumawa si Jessie, “bakla man sa paningin nakakabuntis pa din…”with rhyme pa ang pagkakasabi nito.
Napalingon ako sa kanya nang dahil sa sinabi niya, hanggang sa nagtawanan na lang kaming dalawa.
“Dia, pumayag ka na wala naman mawawala sayo. Advantage mo pa nga iyan, ‘di ba nga mahal na mahal mo si Ethan. Alam ko mahal mo pa rin naman si Ethan kahit pa ipagpilitan mo pang bakla si Ethan. Pag nakasal kayo, doon mo ipilit kay Ethan na magpakalalaki na at turuan mo siyang mahalin ka. Hindi bilang bestfriend kung isang asawa. Simple!”paliwanag pa nito matapos ang malalakas na tawanan namin.
Malalim na bumuntong hininga ako, “pag-iisipan ko.” Iyon na lang ang nasagot ko.
“My God! nakakaloka kayong mag-bestfriend. Ako pa talaga ginawa niyong referee niyo, mag inuman na nga lang tayo. Gusto kong gumagapang tayo sa pag-uwi,” tinaas pa nito ang baso sa ere.
Natatawa akong ginaya siya at tinaas din ang baso ko na gaya ng pinsan ko at sabay pa kaming tinungga ang mga basong hawak namin.