“Sa'n ka nakatira?”
Napalunok ako saka napatingin kay Zyair... Derron, nang tanungin niya ako. Napaiwas ako ng tingin sa kanya bago sinagot ang tanong niya.
“S-sa kabilang kanto lang,” tipid na sagot ko.
Bakit ba ako naging shy type bigla? Sinapian yata ako ng hiya sa katawan, pakiramdam ko hindi ako 'to.
Hindi na siya nagsalita at tuloy lang sa pagd-drive. Pasimple naman akong tumitingin sa kanya. Wala naman siyang kaaway pero nakakunot ang noo niya na para bang galit siya. Mukhang ganoon na talaga ang ekspresyon niya palagi.
Ibang iba kay Zyair.
Hindi na lang din ako nagsalita. Sa totoo lang sobrang thankful ako na dumating siya, baka kung ano na ang nangyari sa 'kin kung sakaling hindi niya kami nakita ro'n.
“Dito na ba 'yon?”
Tila nagising ako sa katotohanan nang magsalita siya. Tumingin ako sa tinigilan namin, nandito na pala agad kami, ang bilis naman.
“O-oo,” sagot ko saka agad na lumabas ng kotse niya. Natigilan ako nang lumabas din siya.
“Miss, sa susunod mag-iingat ka sa daan. Hindi sa lahat ng oras may magliligtas sa 'yo,” sabi niya habang seryosong nakatingin sa 'kin.
Napalunok na lang ako at tumango. Tipid na ngumiti ako sa kanya, pati paraan ng pananalita niya ibang iba kay Zyair.
Napapikit ako at pilit na pinapakalma ang paghinga ko, hindi ko alam kung bakit hindi mapakali ang puso ko, lalo na ngayong nakatingin siya sa 'kin. Ang dugyot ko pa naman ngayon.
“Nagkita na ba tayo dati?” nakakunot-noong tanong niya.
Napalunok ako nang lumapit siya sa 'kin saka tinitigan ng maigi ang mukha ko. Napakurap ako at napaiwas ng tingin sa kanya, naaamoy ko na ang mabangong hininga niya. Bakit kailangan pang lumapit? Nagwawala na nga ang puso ko rito eh.
“N-nagkita na tayo sa office ni Zyair... sa office mo? S-sa office niyo?” naguguluhang sabi ko.
“Ah, naaalala ko na. Alam mo pala ang tungkol sa 'min,” sabi niya saka lumayo na sa 'kin. Pakiramdam ko nakahinga na ako ng maluwag.
“O-oo, wag kang mag-alala, wala naman akong pagsasabihang iba,” sabi ko na lang. Napakunot ang noo niya.
“Wala akong pakialam kahit ipagsabi mo pa sa buong mundo, mas gusto ko kapag namroblema si Zyair. Hindi siya nalabas kapag nangyayari 'yon,” nakangising sabi niya.
Nagtayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya, mukhang hindi sila magkasundo ni Zyair. Mukhang gusto rin niya na 'wag ng lumabas si Zyair.
“Sige, alis na 'ko,” sabi niya saka tinanguan ako.
Tumango na lang din ako sa kanya saka ngumiti sa kanya.
Hinabol ko na lang siya ng tingin nang makasakay na siya sa kotse niya saka pinaharurot 'yon. Ang bilis nawala ng kotse niya sa sobrang bilis niya magmaneho. Napabuntong hininga na lang ako, ang bilis natapos ng pag-uusap namin.
Tulala ako hanggang sa makauwi ako sa amin, hindi ko alam, naloloka na yata ako dahil sa mga nangyayari.
“Ate, bakit ngayon ka lang? Hindi ka pa nagdala ng cellphone, sasabihin ko sana na wag ka ng bumili ng ulam dahil nandito naman si Daisy.”
Hindi ko pinansin ang pinagsasasabi ni Apollo, umupo lang ako sa rattan set habang nakatulala.
“Nabaliw na ba 'yang ate mo?” narinig tanong ni Daisy.
“Matagal ng baliw 'yan,” sagot naman ni Apollo.
Tiningnan ko sila ng masama, hinayupak 'tong dalawang 'to. Bagay nga talaga silang maging magjowa, palagi nila akong pinagtutulungan, bwisit sila.
“Manahimik kayo riyan, may iniisip ako,” sabi ko na lang saka napairap.
Tumayo ako at nagtungo sa silid ko saka napaupo sa kama. Nanatili akong nakatitig sa kisame kahit narinig ko ang pagbukas ng pinto.
“Huy Artie, ano'ng nangyari sa 'yo? Para kang nawalan ng kaluluwa riyan,” sabi ni Daisy saka umupo sa kama ko.
Sabi na nga ba at sasagap na naman ng tsismis ang babaeng 'to.
Agad akong napabangon saka tumingin ng diretso sa mga mata niya.
“Daisy, may crush na yata ako,” sabi ko habang nakatitig sa kanya. Napasinghap naman siya.
“OMG, ayos 'yan, landiin mo na siya!”
Ang galing talaga mag-advise nito.
“Kaso hindi ko alam kung sino ba sa kanila ang crush ko. Siya ba? O siya?” tanong ko saka napabuntong hininga.
Magkaiba si Zyair at Derron, sino ba sa kanila ang crush ko? Pero hindi ako kinilig ng ganito kay Zyair eh, kay Derron ko naramdaman ang pagwawala ng puso ko.
“Ah, dalawa pala ang crush mo. Grabe naman, ang hina mo. Lagpas sampu nga ang crush ko eh, iba ibang lahi,” napapailing na sabi naman ni Daisy.
“H-hindi sila dalawa, isang tao lang sila,” tila wala sa sariling bulong ko. Napakunot ang noo ni Daisy.
“Ano? Naloloka ka na ba talaga?”
Hindi ko na pinansin ang tanong ni Daisy saka muling humiga sa kama.
“Teka nga pala, ano na ang nangyari sa genie na sinasabi mo?”
Muli akong napabangon sa sinabi ni Daisy. Oo nga pala, bakit biglang nawala sa isip ko ang bagay na 'yon?
Natigilan ako nang may pumasok sa isip ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka napangiti.
Alam ko na ang hihingiin ko kay Zyair.
* * *
“I'm Artemisia Avelino, may appointment kami ni Zyair. Paki-check,” sabi ko saka ngumiti ng matamis sa receptionist.
Baka tarayan na naman ako nito kesyo wala raw akong apointment kinemerut. This time meron na talaga, supalpal ko pa sa mukha niya.
Napatikhim siya bago nagsalita.
“Pwede na po kayong pumasok, Ma'am,” tila labas sa ilong na sabi niya. Ngumiti na lang ako at tumango.
Kinausap ko kahapon si Zyair, buti na lang sakto na siya si Zyair kahapon at hindi si Derron. Kailangan ko ng sabihin ngayon ang gusto kong hilingin sa kanya.
Nakarating ako sa office ni Zyair. Nakita ko si Miss ganda na lumapit sa 'kin. Napakunot ang noo ko, secretary ba siya ni Zyair?
“Good afternoon, Miss Avelino. I'm Rubina Ventura, you can call me Ruby, I'm Mr. Zyair Alfero's secretary,” pormal na sabi nito. Napataas ang kilay ko.
Parang nung huli naming pag-uusap sobrang sungit niya ah, bakit naman kaya biglang bumait ang isang 'to?
“Sige, nasa loob na ba si Zyair?” tanong ko saka itinuro ang pinto ng opisina ni Zyair.
“Yes, he's waiting for you,” sagot naman niya.
Tumango na lang ako at pumasok sa loob. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa opisina niya. Hiyang hiya talaga ang bahay namin sa opisina ni Zyair.
Natigilan ako nang makita si Zyair na nakaupo sa swivel chair niya habang nakatutok sa laptop niya. Napakamot ako sa batok ko saka lumapit sa kanya.
“You're here,” nakangiting sabi niya saka timanggal ang salaming suot niya.
Napatitig ako sa kanya. Maayos na nakataas ang buhok niya, nakasuot siya ng three piece suit, englishero siya, malumanay ang boses niya, at nakangiti siya... Siya si Zyair Alfero.
“Ah, oo, gusto ko sanang pag-usapan na natin ang hihilingin ko sa 'yo,” sabi ko saka napaiwas ng tingin sa kanya.
Ano ba 'yan? Kamukha niya si Derron. Nakakailang.
‘Malamang, iisang tao lang sila eh’ sabi ng sarili kong utak. Napailing na lang ako.
“Is that so? Okay, take a sit,” sabi niya saka tumayo.
Umupo ako sa couch, umupo rin agad siya sa tapat ko.
Ewan ko ba kung bakit bigla akong nahiya sa kanya ngayon, ayoko na tuloy tumingin sa mukha niya dahil pakiramdam ko si Derron ang kausap ko.
Bakit ba masyado kong iniisip si Derron?
“How much do you want?” tanong niya. Tipid na ngumiti ako saka umiling.
“Hindi pera ang gusto ko.”
Halatang natigilan siya sa sinabi ko, tila hindi makapaniwalang napatingin siya sa 'kin.
“W-what do you want then?” tanong niya. Tumikhim ako bago sumagot.
“Gusto kong magtrabaho sa 'yo,” sabi ko habang seryosong nakatingin sa kanya. Napakunot ang noo niya.
“Y-you want to work for me?” tanong pa niya. Kainis naman 'to, bakit ba ayaw na lang niyang um-oo?
“Oo, alam kong may secretary ka na pero gusto kong maging secretary mo rin. Pero hindi ako tipikal na secretary, ang magiging trabaho ko... Pigilan sa panggugulo ang mga tao sa loob mo,” sabi ko saka itinuro ang tiyan niya.
Napangiti siya sa sinabi ko saka napahawak sa baba niya na tila ba nag-iisip. Napakagat ako sa ibabang labi ko.
Ano ba 'tong pinapasok ko? Naloloka na nga yata talaga ako.
“So, you want to be my secretary but your real job is to stop my alters from making trouble? That's unique, I never heard anyone make such a request before. Mostly, people asked for tons of money after knowing about my disorder, you're a different case, huh,” napapailing na sabi niya.
Alanganing ngumiti lang ako saka tumango.
“What's your real agenda?” tanong niya. Napalunok ako nang maging seryoso ang boses niya.
“W-wala lang, gusto ko lang makatulong sa 'yo. Saka diba sabi mo gusto mo lang protektahana ng mahahalaga sa 'yo, na-touched ako ro'n,” palusot ko na lang.
Gusto kong makita si Derron, kahit minsan lang.
“Okay, I'll grant it if that's what you really want. Don't worry, I'll pay you handsomely for the job you want. But let me warn you...”
Napalunok ako at tumingin sa mga mata niya.
“...if you have other agenda for doing this, I won't let it slide. Please be careful for I am not an easy opponent,” sabi niya saka ngumiti sa akin. Alanganing ngumiti na lang ako saka tumango.
Wala naman akong masamang plano gaya ng nasa isip niya. Gusto ko lang naman makita si Derron, hindi naman siguro masama 'yon. Masyado siyang praning.
“Zyair, I mean, Sir, wala po akong ibang balak sa inyo. Isa lang akong inosenteng tao,” sabi ko na lang saka inangat ang kanang kamay ko.
Natawa na lang siya sa ginawa ko saka napailing. Bakit niya ako tinatawanan? Nakikipagbiruan ba ako sa kanya?
Charot, boss ko na nga pala siya ngayon.
“Ahm, kailan ako magsisimula, Sir?” tanong ko saka ngumiti ng matamis sa kanya para mapansin niya na inosente talaga ako at wala akong binabalak na masama sa kanya.
“You can start now.” Natigilan ako sa sinabi niya.
Grabe, ang bilis naman.
Kinuha niya ang phone niya saka may tinawagan do'n. Nakatingin lang ako sa bawat galaw niya.
“Ms. Ventura, come here,” sabi niya saka binaba rin ang tawag.
Wala pang ilang segundo pumasok na ng opisina si Miss ganda, este si Ruby pala.
Ang ganda talaga niya, maganda rin naman ako pero nahihiya akong tumabi sa kanya. Mas maganda siya ng one paligo lang, pero maganda rin ako.
Napaisip tuloy ako, may relasyon kaya sila ni Zyair? Bagay sila eh.
“Prepare a contract. Ms. Artemisia Avelino will be my secretary,” sabi naman ni Zyair.
Napangiwi ako, wala silang relasyon, sigurado ako ro'n. Sa paraan pa lang ng pagtingin ni Zyair kay Ruby at sa pakikipag-usap niya rito, halatang trabaho lang talaga.
“W-what do you mean, Sir?” nagtatakang tanong ni Ruby.
“Don't worry, you're still my secretary. Her job is kinda special, being my secretary is just her facade in front of everyone. Her real job is to stop my alters from making trouble,” tila natatawa pa ring sabi niya. Napaismid naman ako.
Ano ba ang nakakatawa sa magiging trabaho ko sa kanya? Ang helpful kaya no'n para sa kanya. Gagawin ko talaga ang best ko para hindi manggulo ang mga alters kuno niya.
Napakunot ang noo ni Ruby pero tumango na lang saka muling lumabas ng opisina ni Zyair.
“So, if your job is to guard my alters, it means you have to stay with me 24/7, right?”
Natigilan ako sa tanong niya saka napakurap.
Shet na malagket, oo nga no, bakit nawala sa isip ko 'yon?
“Ahm, oo yata?” patanong din na sabi ko.
Napangisi na lang siya saka inayos ang suot niyang coat.
“Wala ka pang napipirmahan, pwede ka pang umatras,” sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Napalunok ako at umiling.
“Hindi ako aatras, babantayan kita minu-minuto,” pikit-matang sabi ko.
“Really? Even if it means you have to stay at my house? You have to sleep there? You have to eat there? You have to be with me every second of your life?” tila nanghahamon na tanong niya.
“O-oo nga, Sir, walang atrasan 'to. Wag ka ng makulit diyan,” naiinis na sabi ko.
Hindi ako aatras kahit ano pang sabihin niya 'no. Bahala na lang sa pagpapaliwanag kina Apollo at Daisy.
“Do you have a boyfriend?” tanong niya. Natigilan naman ako.
Type niya ba ako? Sorry na lang, hindi ko siya masyadong crush eh. Mas crush ko si Derron.
“W-wala,” sagot ko naman.
“That's good, It won't be good if you already have a boyfriend.”
Sabagay, malamang kung may boyfriend man ako, talagang magseselos siya dahil palagi akong bubuntot kay Zyair simula ngayon.
Napatitig ako sa kanya. Ilan kaya ang alters na meron siya? Si Derron pa lang ang nakikilala ko, kumusta naman kaya ang ibang tao sa katawan niya?
“Why are you looking at me like that?” tanong ni Zyair. Napatikhim ako saka napaiwas ng tingin sa kanya.
“W-wala, iniisip ko lang kung ilan ang tao riyan sa loob mo at kung sino-sino sila,” sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko.
Natahimik siya saka sumandal sa couch na inuupuan niya.
“I have 4 alters.”
Napasinghap ako sa sinabi niya. Apat ang tao sa loob niya?! Nakakaloka.
“You already met Derron Castalier, he's kinda brute, but thankfully he didn't kill anyone before. He's violent, but I guess he still has a conscience,” paliwanag niya.
Bakit ba ang sama ng tingin niya kay Derron? Ang bait kaya ni Derron.
“Second, Roover Santos, he's a drunkard and a freakin' playboy. He doesn't make trouble that much, but he really loves to drink alcohol and screw up every pretty woman that he meets. If I woke up in an unfamiliar room with a woman and we're both naked, it means Roover took over. You still have to be careful of him though,” paliwanag niya. Napalunok na lang ako at tumango.
Mukhang sakit sa ulo ang Roover na iyon.
“Third...” Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil napapikit siya ng mariin na para bang hirap na hirap siyang ipaliwanag kung sino ang susunod.
“Third, Nikki Honrada,” sabi niya saka napahilot sa sentido niya. Napasinghap ako.
“B-babae?” tila hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman siya.
“She's really a troublemaker, mas gusto ko pang lumabas si Derron kaysa sa kanya. She's a flirt, she's a warfreak b***h, damn, she's a real headache.”
Napangiwi ako sa sinabi niya. Mukhang sakit nga sa ulo ang Nikki na 'yon.
“Fourth, Annie Dale, she's just a 5-year-old kid, but she's a troublemaker too. She's a freakin' spoiled brat and a crybaby. Last time that she took over, Ruby doesn't had a choice but to buy the whole toy store for her. Damn,” nakangiwing sabi niya.
Kahit ako napangiwi rin. Mukhang sakit sa ulo ang mga alters niya, buti na lang talaga at nandoon si Derron.
“Are you still sure about this? My alters are not easy to handle, especially the last two girls I mentioned. They will give you a really hard time,” babala niya pa. Tumango ako saka ngumiti.
“Sure na sure ako!”
Bahala na si batman.
Matapos naming mag-usap, naayos na nila ni Ruby ang kontrata. Nakasampung tanong yata sa 'kin si Zyair kung sigurado na ba ako, pero dahil makulit ako, wala siyang nagawa para baguhin ang isip ko.
“Start packing your things, you'll stay at my house starting tomorrow,” sabi ni Zyair saka binigyan ako ng isa pang kopya ng kontrata.
Hay, sana mapanindigan ko 'to, at sana kayanin ko ang trabaho.
* * *
“Bakit bigla ka na lang aalis? Saan ka ba titira?!” pangungulit ni Daisy. Pinitik ko ang noo niya.
“Unli ka teh? Doon nga sa boss ko,” sabi ko na lang habang pinapanood ang tauhan ni Zyair na bitbitin ang mga gamit ko.
“Sino ba ang boss mo? Katiwa-tiwala ba 'yan?” nakakunot-noong tanong ni Apollo.
Minsan talaga parang si Apollo ang panganay sa 'ming dalawa eh.
“Oo naman, malaki pa ang sweldo. Wag kayong mag-alala sa 'kin, matino ang boss ko.” May DID nga lang.
“Biglaan naman kasi, nakakawindang. Mag-isa na lang si Apollo rito, kawawa naman,” sabi ni Daisy.
“Edi samahan mo, dito ka na lang tumira,” pagbibiro ko.
Gusto kong matawa nang mapansin kong namula ang mukha ni Apollo. Ano ba naman ang lalaking 'to? Masyadong pinapahalata na kinikilig siya, buti na lang manhid 'tong si Daisy.
“Hay, sige. Apollo wag kang mag-alala, lagi kitang pupuntahan dito at paglulutuan ng pagkain,” sabi naman ni Daisy saka tinapik ang balikat ni Apollo.
“Ay wag na pala, parang ayoko ng umalis. Kawawa si Apollo,” pang-aasar ko. Napakunot naman ang noo ng kapatid ko.
“Hindi, okay lang Ate, maganda na may trabaho ka na ngayon. Don't disappoint your boss, sige umalis ka na,” sabi niya saka ngumiti sa 'kin.
Hinayupak 'to ah.
“Sige, alis na 'ko. Madalang akong makakabisita rito ha, hindi madali ang trabaho ko. Pero lagi naman akong tatawag,” sabi ko na lang.
“Sige, lagi kang tumawag ha,” sabi naman ni Daisy.
Nakaalis din ako matapos ang paalam moment namin. Si Apollo parang hindi man lang nalungkot at tuwang tuwa pa. Kung hindi lang kami magkamukha, pagdududahan ko na ang pagiging magkapatid namin eh.
“Ma'am, sabi ni Sir Zyair ihahatid na kita sa kompanya. Ako na lang daw po ang magdadala ng mga gamit niyo sa bahay niya,” sabi naman ng driver habang nagmamaneho. Tumango na ang ako at ngumiti.
Nakarating din kami sa kompanya makalipas ang ilang minuto. Agad akong lumabas ng kotse at pumasok sa kompanya.
Muntik pa akong hindi papasukin ng guard dahil simpleng blouse at pants lang ang suot ko. Buti na lang nabigyan na ako ng ID ni Zyair. Dapat talaga mamili na ako ng matinong damit pangtrabaho, secretary niya ako sa harap ng mga tao.
Agad akong nagtungo sa office ni Zyair. Hindi ko nakita si Ruby pero pumasok na lang ako agad sa office.
Natigilan ako nang mapansing nasa sahig ang coat ni Zyair. Nakatalikod ang swivel chair niya kaya hindi ko siya makita. Napakunot ang noo ko saka lumapit sa kanya.
“Sir Zyair?” tanong ko.
Natigilan ako nang humarap na siya sa 'kin. Napasinghap ako nang mapansing medyo gusot ang polo niya, magulo rin ang buhok niya pati na rin necktie niya at halatang pilit na tinanggal 'yon pero hindi naman naalis.
“Derron?” tila hindi makapaniwalang tanong ko.
Napalunok ako nang mapansing tumitig siya sa labi ko. Bakit siya nakatingin ng ganyan sa labi ko? Siya ba si Derron?
“Bakit ganyan ang lipstick mo?”
Natigilan ako sa tanong niya. Ano raw?
“It looks cheap. So eww!”
Anak ng tinola naman oh. Mukhang si Nikki Honrada pa yata 'to.