Chapter 2

3431 Words
“Ano'ng nangyari?” tila wala sa sariling tanong ko habang nakaupo pa rin sa couch. Napapitlag ako sa gulat nang may bigla na lang pumasok sa opisina ni Zyair, o Derron? Ano ba 'yan? Ano ba talagang pangalan niya? “Nasaan si Sir Zyair?” Napatingin ako sa sexy at magandang babae na nasa harapan ko na ngayon. Nakaformal attire siya kaya sa tingin ko empleyado siya rito. “A-ano... Lumabas si Zyair, o si Derron?” patanong na sabi ko saka napakamot sa batok ko. Ano ba kasi talagang pangalan niya? Kaloka. “Derron? Derron Castalier?” tila gulat na tanong ng babae. Napatango na lang ako. “This is bad,” bulong niya saka napahilot sa sentido niya. “Ahm, Miss ganda, bakit dalawa yung pangalan ni Zyair? Kanina lang siya si Zyair Alfero, tapos bigla siyang naging si Derron Castalier. Sino ba talaga siya?” nagtatakang tanong ko. Napaiwas na lang ng tingin sa 'kin ang babae. “It's none of your business. Pwede ka ng umalis,” masungit na sabi niya saka agad na lumabas ng office ni Zyair o ni Derron, o kung sino man siya. Napakibit-balikat na lang ako at lumabas din agad ng opisina, baka magalit pa si Miss ganda. Sayang siya, ang ganda pa naman niya kaso parang pasan niya ang daigdig sa kasungitan. Napabuntong hininga na lang ako nang makalabas na ako ng building saka tiningnan ang cellphone ko. Nakakaloka ang araw na 'to, dahil sa cellphone ko, may nasaksihan akong wirdong bagay ngayong araw. Posible ba talagang magbago ang isang tao nang ilang minuto lang? Baka naman nagalit sa 'kin si Zyair dahil sa panununtok ko sa kanya? Ang feelingera ko naman kasi eh, hindi naman kalakihan ang dibdib ko para tingnan ni Zyair. Sayang talaga, akala ko si Zyair na ang forever ko. Pero sabi nga nila, marami ang namamatay sa maling akala. Siguro wag ko na lang ipilit. “Ate, saan ka ba nanggaling? Mukha kang lola na natalo sa lotto.” Tiningnan ko ng masama si Apollo. Ang ganda ng bungad niya sa 'kin pagkauwing-pagkauwi ko. Ang sarap niyang sakalin. “Alam mo punyeta ka, nasaan nga pala si Daisy? Umuwi na?” tanong ko saka umupo at tinanggal ang sandals ko. Ang tagal na rin nung huling beses akong nagsuot ng sandals, ang sakit sa paa. Grabe ang effort ko sa pagpapaganda sa meeting namin na 'to ni Zyair, akala ko may darating ng love life sa 'kin, kaso it's a prank lang pala. It really hurts. “Nandito pa 'ko, saan ka ba galing? Nakuha mo na ba yung cellphone mo?” Napatingin ako kay Daisy na lumabas galing sa kusina at may dala pang spatula. Mukhang napagtrip-an na naman niya ang kusina namin. Bakit kaya trip na trip niyang magluto rito samantalang mas malaki pa ang banyo nila sa bahay namin ni Apollo. “Nakuha ko naman, kaso may kabaliwang nangyari,” napapailing na sabi ko na lang. “Naglilihim ka na sa 'kin ah. Kaloka ka,” sabi naman niya saka bumalik na sa kusina. Napabuntong hininga na lang ako at nagpunta sa kwarto ko. Hinubad ang blazer ko at basta na lang hinagis 'yon sa kama. Magpapahinga muna 'ko ng kaunti bago ako maligo. “Hoy girl, magkwento ka naman kasi, curious talaga ako. Saan ka ba nanggaling?” Napaismid ako nang bigla na lang pumasok si Daisy sa kwarto ko. Tinanggal niya ang apron na suot niya saka umupo sa kama ko. “Daisy, may tanong ako,” sabi ko saka tumingin ng seryoso sa kanya. “Oh ano 'yon? May naka one night stand ka ba?” tila excited na tanong niya. Hinampas ko siya ng unan. Ang dumi naman ng utak nitong babaeng 'to. “Hindi. Ganito kasi, posible ba na magbago ang isang tao ng ilang minuto lang?” tanong ko. Napakunot naman ang noo niya. “Paanong nagbago?” tanong naman niya. “Ganito ha, magkausap kami, ang bait niya tapos gentleman pa. Halatang professional din siyang manalita, para siyang lalaking mahinhin. Basta matino talaga siya,” sabi ko habang nakahawak sa baba ko at inaalala si Zyair. Napasinghap naman si Daisy. “Aba, edi jowain mo na! Perfect guy na 'yon!” excited na sabi naman niya. Napailing ako. “Hindi pa tapos ang kwento ko. Edi ayun nga, pagkatapos makalipas ang ilang minuto nasuntok ko siya kasi akala ko minamanyak niya 'ko, iyon naman pala assumera lang ako. Nasaktan siya siyempre, pero ngumiti lang siya sa 'kin at sinabi niya na okay lang. Diba ang bait niya? Pero ito ang kakaiba ro'n. Sumakit ang ulo niya, nag-alala talaga ako kasi baka kasalanan ko pero sabi niya okay lang talaga siya at pinapaalis niya ko ng pilit. Hinimatay siya, nataranta ako no'n, pero nagising din siya makalipas ang ilang minuto.” Seryosong nakatitig naman sa 'kin si Daisy, titig na titig siya sa 'kin na para bang nakasalalay sa kwento ko ang buhay niya. “Nung nagising siya, bigla siyang naging ibang tao. Nag-iba ang personality niya, naging bad boy ba, parang gano'n. Pero mapapalagpas ko pa kung nagbago ang ugali niya eh, pero ang nakakapagtaka ro'n, ibang pangalan na ang sinabi niya sa 'kin. Para talaga siyang naging ibang tao.” Pasimple akong napayakap sa sarili ko nang muli kong maalala 'yon. Ang weird talaga ng pangyayaring 'yon. “Baka naman nagalit siya sa 'yo kasi sinuntok mo siya,” sabi naman ni Daisy. Napangiwi ako saka napailing. “Hindi eh, bakit naman siya magagalit? Ang hina nga lang ng suntok ko eh. Saka kung galit siya sa'kin, bakit naman gano'n pa ang gagawin niya?” Napahawak si Daisy sa baba niya na tila nag-iisip. Nakatitig lang naman ako sa kanya at naghihintay ng isasagot niya. “Baka naman may DID siya, yung pinag-uusapan natin nung nakaraan. Yung parang may nakatirang ibang personalities or alters sa katawan ng isang tao,” sabi naman niya. Natawa na lang ako. “Baliw ka ba?” natatawang tanong ko. DID raw, ano ba 'tong pinagsasasabi ni Daisy? “Ano pa bang ibang paliwanag do'n bukod sa DID? Bahala ka na. Sige ha, aalis na 'ko. Nabored lang talaga ako sa bahay kaya ako nagpunta rito,” sabi naman niya saka tumayo. Napairap na lang ako. “Sosyal ka talaga 'no, ginagawa mong playground 'tong bahay namin.” Tinawanan niya lang ako saka lumabas na. Agad akong nagshower pagkatapos kong makapagpahinga saka dumiretso ng higa sa kama at tiningnan ang cellphone ko. Natigilan ako nang makita kong may text message ro'n galing sa unregistered number. Thank you for lending me your phone yesterday. I'm really sorry for the inconvenience. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatitig sa text message. Si Zyair ang nagsend nito panigurado, si Zyair na mabait at gentleman. Napabuntong hininga ako at sinave ang number niya sa pangalang Zyair Alfero. Napailing na lang ako, parang may mali eh. Paano kung Derron pala talaga ang pangalan niya at pinagt-tripan niya lang ako? Pinalitan ko ulit ang pangalan niya sa contacts. Zyair/Derron o kung sino ka man. Ang haba ng pangalan niya sa contacts ko, siguro mahaba rin yung sandata niya... ...sandata niya para ipaglaban ako. Panis! Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Kasalanan ni Zyair-s***h-Derron 'to eh. Ano kayang meron ssa taong 'yon? Sobr talaga akong nahihiwagahan sa kanya. * * * “Mag-ingat ka sa school, saka galingan mo pa lalo,” sabi ko kay Apollo habang tutok na tutok ako sa cellphone ko. “Wala na kong igagaling kasi sobrang galing ko na,” mayabang na sabi niya saka isinukbit ang backpack niya. Napairap na lang ako, ubod talaga ng yabang nito. Pero sabagay, nai-tsismis sa 'kin ng isang kaklase niya na nakita ko sa bakery kahapon na running for magna c*m laude ang kapatid ko. Nagpapanggap na lang ako na hindi ko alam kasi hindi naman niya sinasabi sa 'kin. Kailan nga ba nagsabi sa 'kin 'tong si Apollo. Palagi siyang with highest honor at consistent dean's lister simula ng magcollege siya pero hindi niya sinasabi sa 'kin. Ewan ko ba riyan kung bakit ganyan ang ugali niyan. “Tama 'yan, ikaw ang sumalo ng lahat ng talino, yung ganda ng hitsura sa 'kin napuntang lahat,” sabi ko saka ngumiti ng matamis sa kanya. “Ah, kaya pala walang nanliligaw sa 'yo,” sarkastikong sabi niya. Tiningnan ko naman siya ng masama. “Maraming nanliligaw sa 'kin, hindi ko lang talaga priority ang love life dahil busy akong tao,” sabi ko na lang. “Ah, busy kang tao, kaya pala nakaupo ka lang dito at nagcecellphone.” Tiningnan ko siya ng masama. “Lumayas ka na bago kita sipain palabas,” pananakot ko. Tinawanan niya na lang ako bago siya tuluyang umalis. Kung hindi ko lang talaga kapatid si Apollonio, malamang dinispatsa ko na siya sa mundong 'to. Muli ko na lang ibinaling ang tingin ko sa cellphone ko. Naghahanap ako ng trabaho pati rito sa online. Bakit ba kasi ayaw nila akong tanggapin? Maganda naman ako. Charot, siyempre hindi puro ganda lang. Gusto ko na ngang patusin pati ang maging dancer sa bar kaso sasapakin ako ni Apollo kapag nagkataon, legit na sapak talaga. Gusto ko nga sana kahit Marlboro girl na lang sa yayamaning bar, kaso baka mabastos lang ako ro'n. Maikli pa naman ang pasensya ko at mabilis ako manuntok. Baka hindi ako tumagal ng isang oras at masisante agad ako. Natigilan ako nang makarinig ako ng katok sa pinto. Napakunot ang noo ko, hindi si Apollo 'yon o kaya si Daisy dahil basta na lang sila napasok dito. Tumayo ako upang pagbuksan ng pinto ang kumatok, natigilan ako sa bumungad sa 'kin. “A-ano'ng ginagawa mo rito, Zyair? O Derron? O kung ano mang pangalan mo?” tanong ko. Napakamot siya sa kilay niya at tila hindi alam ang sasabihin sa 'kin. Kung gusto niyang magkalove life at maging girlfriend ko, okay lang naman. Madali naman akong kausap, basta sabihin niya lang sa 'kin kung ano ba talaga ang pangalan niya. Ang halay naman kung palagi ko siyang tatawagin na ‘Zyair, Derron o kung sino ka man’ ang hassle kasi masyadong mahaba. Pero pwede namang love na lang. Charot, manligaw muna siya sa 'kin. “I want to talk to you, do you have some time?” tanong niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Ang nasa harap ko ngayon ay ang lalaki na nagpakilalang Zyair Alfero. Bukod sa englishero siya, ang professional niyang tingnan sa two piece suit na suot niya, pati ang tindig niya, pangbusinessman talaga. Idagdad pa na ang lambot ng ekspresyon niya, mukha siyang nakikipag-usap sa babaeng mahal niya. Baka mahal niya na 'ko agad. Grabe naman. “Hmm, naisoli mo na ang cellphone ko, ano pa ba ang dapat nating pag-usapan?” kunwaring masungit na tanong ko. Magpapakipot muna ako, sayang naman ang gandang namana ko sa ninuno namin kung basta na lang ako bibigay. “Can we talk inside? I-I mean, everyone's looking at us,” bulong niya saka pasimpleng tinuro ang mga kapit-bahay ko na pinagpipiyestahan siya ng tingin. Dapat hindi na siya nagulat, hahabulin talaga ng tingin ang hitsurang meron siya. Bukod sa gwapo siya, matangkad din siya. “Pagtitinginan ka talaga, bakit naman kasi ganyan ang suot mo? Kapag pupunta ka sa ganitong lugar, kahit simpleng T-shirt at pants ay okay na,” panenermon ko sa kanya. “S-sorry,” tila nahihiyang sabi niya saka napakamot sa batok niya. Kainis, ang cute niya. “Pumasok ka.” Mas ibinuka ko ang pinto. Tipid na ngumiti siya saka pumasok sa loob. “Pasensya ka na sa bahay namin, medyo mainit saka maliit,” sabi ko na lang saka kumuha ng tubig at inabutan siya. Ngumiti naman siya saka kinuha iyon. “No, it's okay. Thank you for the water,” sabi niya saka ininom ang tubig na inabot ko. Umupo ako sa upuan na nasa tapat ng rattan set na inuupuan niya. Ayokong tumabi sa kanya, baka isipin niya pa inaakit ko siya. Hindi ko na rin naman kailangang gawin 'yon dahil nakakaakit na talaga ako. Hindi ko na kailangang mang-akit. “Ahm, I came here personally to discuss some personal matters with you,” sabi niya saka tumikhim. Umayos naman ako ng upo at tumitig lang sa kanya. “I bet you already know about my mental disorder. Yes, obviously, I have DID or dissociative identity disorder and you saw how I---” agad kong pinutol ang sasabihin niya saka napasinghap. “M-may DID ka?” tila hindi makapaniwalang tanong ko. Tama naman pala si Daisy, sinabihan ko pa siyang baliw. Kainis. “W-what? You didn't know---f**k, I'm stupid.” Napasapo siya sa noo niya. Napakagat na lang ako sa dila ko para pigilan na matawa. “Mukhang nadulas ka, Zyair,” napapailing na sabi ko. Huminga siya ng malalim saka napahilamos sa mukha niya bago seryosong tumingin sa 'kin. “Okay, ahm... What do you want?” Napakunot ang noo ko. Bakit niya tinatanong 'yan? Gusto ko ng trabaho at jowa, mabibigay niya ba 'yon? “As you can see, I'm trying my best to keep my condition a secret to everyone. Derron Castalier is one of my most troublemaker alter, he always ruined everything I worked hard for. He didn't came out for a long time and I even thought that he's gone, but yesterday, he came out just like that and caused a lot of trouble. But of course, I took care of it. I have to protect my family, Artemis, and keeping my condition a secret to everyone is a way of protecting them,” paliwanag niya. Napakunot ang noo ko. Bakit naman niya sinasabi sa 'kin ang mga 'yan? “I'm asking you to keep my mental disorder a secret, Artemis. Name your price, tell me whatever you want, I'll give it to you if I can,” seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Napahawak ako sa baba ko at napaisip. Ano nga ba'ng gusto ko? “Ahm, pwedeng pag-isipan ko muna? Wag kang mag-alala, hindi ko naman ipagsasabi. Ano... tatawagan na lang kita kapag sasabihin ko na ang kapalit na gusto ko.” Ngumiti naman siya at tumango sa sinabi ko. “Of course, take your time.” * * * “Paano kung may genie na nagsabi sa 'kin na kaya niyang ibigay ang lahat ng gusto ko? Anong hihilingin ko sa kanya?” Natahimik naman si Daisy sa kabilang linya dahil sa sinabi ko. “Nasisiraan ka na ba ng ulo?” Napairap na lang ako sa tanong niya. Sabi na nga ba at walang kwenta kausap ang babaeng 'to eh. “Halimbawa lang kasi, ano ba'ng dapat kong hilingin?” tanong ko habang nagtitingin ng mga ulam dito sa karinderya. Tinamad ako magluto. Alam kong reklamador si Apollo sa mga pagkain sa karinderya kaya rito sa kabilang kanto pa ako nagpunta dahil talagang masarap ang pagkain dito. Parang luto ng mga nanay. “Menudo po, dalawang order,” sabi ko kay Aling tindera. “Ano ka ba? Malamang maraming pera dapat ang hilingin mo, saka love life, pati na rin house and lot, samahan mo na rin ng kotse.” Napahawak ako sa baba ko. Kaya bang ibigay ni Zyair ang mga 'yon? Baka naman mamulubi siya kapag hiniling ko ang mga 'yon. Kinuha ko na ang ulam saka binayaran at agad na umalis. Madilim na rito sa daan, kailangan umuwi ako agad. “Grabe naman 'yon, diba typically three wishes lang ang kaya ng mga genie? Lima na yung wish na 'yon eh,” sabi ko na lang. “Ay! Para wala kang problema, sabihin mo bigyan ka niya ng jowa na gwapo at super yaman. Automatic 'yon, may pera ka na, may house and lot at kotse. Oh diba? Ang galing ko 'no!” Napailing na lang ako sa pinagsasabi ni Daisy. Sa pagkakataong 'to parang mas marino ako sa kanya ah. “Ewan sa 'yo, sige bye na. May flight ka pa yata bukas. Yung mga pasalubong ko ha, don't forget,” natatawang sabi ko. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya bago niya binaba ang tawag. Loka loka talaga 'yon. “Miss!” Napapikit ako nang may sumitsit sa 'kin. ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Maling ideya talaga na sa kabilang kanto pa ako bumili ng ulam. Hindi ko na lang pinansin 'yon at agad na naglakad ng mabilis. Wag kang mataranta, Artie, malakas kang manuntok at sumigaw. “Tangina naman!” Napasigaw ako nang biglang may humawak sa braso ko. Napalunok ako nang mapatingin sa likod ko. May tatlong lalaki na nasa likuran ko ngayon at nakangisi sa 'kin. Lugi ako rito, tatlo sila. Bwisit, bakit kasi nagkakalat pa sa mundo ang mga ganitong tao?! “Bitiwan mo 'ko bago ko basagin 'yang itlog mo,” pananakot ko sa lalaking nakahawak sa braso ko. Ang babaho nila, legit na mabaho. Mahihiya yung basurahan sa kabahuan nila. Amoy alak pa. May sarili yata silang mundo at hindi naimbento ang salitang sabon sa mundo nila. Puro alak lang. “Ang tapang ah, mawawala 'yang tapang mo kapag pinatikim namin sa 'yo ang langit,” nakangising sabi niya. Ngumiti na lang ako at umiling. “Wag na lang kasi tangina kayo, legit na tangina.” Ewan ko ba kung saan ko napulot ang katapangan sa katawan ko. Napaupo ako sa sahig nang sampalin ako nung isang lalaki. “Bakit niyo ginawa 'yon?!” naiinis na tanong ko. Napangisi naman sila. “Bakit? Natatakot ka sa 'min?” tanong nung isa. “Hindi! Natapon yung ulam na binili ko! Bwisit talaga,” naiinis na sabi ko. Wala na talaga, natapon na yung ulam. One, two, three... Go! Sininplehan ko g takbo habang nakatunganga sila. Napamura naman ako nang mapansing nakahabol agad sila sa 'kin. May lahing kabayo ba ang mga punyetang 'yon? “Ahh!” Napasigaw ako nang mahila nila ang buhok ko. Nako naman, malas talaga! “Akala mo makakatakas ka sa 'min ha!” Napaigik ako nang suntukin nung isa ang sikmura ko. Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Ang sakit no'n ha! Muli akong napadaing nang hilahin nila ang buhok ko at pinatayo ako. Napapikit ako ng mariin at nagdasal sa isip ko. Nagtatapang-tapangan lang talaga ako pero takot na takot na 'ko kanina pa. “Tulong! Tulungan niyo---agh!” Muli akong napadaing nang suntukin ulit nila ang tiyan ko. “Wag kang matakot Miss, saglit lang 'to.” Tumulo na ang mga luha ko. Hindi ko na keri 'to, wala akong kalaban-laban sa tatlong manyak na 'to. Natigilan kami nang biglang may ilaw na nanggagaling sa kotse. Nabuhayan ako ng pag-asa. Lumabas ng kotse ang driver. Natigilan ako nang mapagtanto ko kung sino 'yon. “Z-Zyair?” Pero may kakaiba sa kanya ngayon. Nakasuot siya ng itim na leather jacket at ripped jeans, magulo rin ang buhok niya na hindi ko pa nakitang nangyari. Pumulot siya ng malaking bato sa kalsada saka binato iyon sa direksyon namin. Napapikit naman ako ng mariin. Natigilan na lang ako nang mapahiga sa sahig ang lalaking may hawak sa 'kin habang nakasapo sa noo niya. Dumudugo na 'yon. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na tumakbo palapit kay Zyair saka nagtago sa likuran niya. “Gago ka!” Napatili ako nang sugurin ng dalawang natirang lalaki si Zyair. Nanginginig ang mga tuhod na napaupo ako sa sahig. Napalunok ako nang malakas na sinipa ni Zyair ang isang lalaki at halos tumalsik ito. Sinapak naman niya ang natirang isang lalaki saka tinadyakan. Napapitlag ako nang mapalingon siya sa 'kin. Napakapit na lang ako sa batok ko nang walang kahirap-hirap na binuhat niya ako. “Z-Zyair?” Napatingin ako sa mga mata niya. Napalunok ako habang nakatitig do'n, bahagyang nakakunot ang noo niya habang matiim na nakatitig sa mga mata ko. Hindi siya si Zyair. “Derron?” mahinang usal ko. Halatang natigilan naman siya sa sinabi ko. Hindi siya sumagot, binuksan niya ang pinto ng kotse saka isinakay ako sa may shotgun seat. Napakurap pa ako dahil basta na lang niya ako inihagis sa loob. Napalunok na lang ako habang hinahabol ng tingin ang bawat kilos niya. Hindi siya si Zyair, siya si Derron. Napahawak ako sa dibdib ko na ang lakas ng t***k. Dahil ba sa kaba 'to? Muli akong napatingin kay Derron na sumakay na ng kotse. Napasinghap ako nang muli siyang napatingin sa 'kin. Mas lalong nagwala ang puso ko. Mukhang si Derron ang dahilan kung bakit natibok ng ganito ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD