Chapter 6

2982 Words
"Sir Zyair." Napatigil si Zyair sa pagtitipa sa laptop niya saka napatingin sa 'kin. "Hmm? Do you need something?" tanong niya habang nakatingin sa 'kin. Nandito kami sa opisina niya at dahil nga trabaho ko na bantayan siya, kailangan palagi akong nasa tabi niya. Bawal siyang mawala sa paningin ko maliban na lang kapag maliligo siya o kaya naman matutulog. "Paano mo nasabi na obsessed si Derron kay Ruby?" tanong ko. Hindi ako nakatulog ng ayos kagabi kakaisip do'n. Hindi ko naisip na si may gusto pala si Derron kay Ruby. Hindi naman kasi niya nababangit si Ruby sa tuwing nalabas siya. Napabuntong hininga si Zyair saka tinanggal ang salamin na suot niya. "Palagi niyang kinikidnap si Ruby. Luckily, he didn't harassed her in an way. Maybe he just wants to keep Ruby by his side. But he's still dangerous for Ruby." Napatango na lang ako sa sinabi niya saka napabuntong hininga. Bakit naman si Ruby pa ang gusto ni Derron? Pwede namang ako na lang? Hindi naman ako papalag sa kanya. "You look devastated, is there any problem?" tanong ni Zyair habang nakatingin sa 'kin. "Ahm, wala naman. Concerned lang ako kay Ruby, kawawa naman siya," pagpapalusot ko na lang. Napangiti na lang siya sa sinabi ko saka napailing. Napakamot naman ako sa batok ko, kailangan kong alisin sa isip ko si Derron. Masyado akong nalungkot sa nalaman ko, nakakainis talaga. "Sige, naaabala na yata kita kakatanong ko," nahihiyang sabi ko. Tumayo ako at umupo na lang sa couch. Umiling-iling na lang ako at pinilit na mag-isip ng ibang bagay. Kahit ano handa kong isipin wag lang si Derron, kahit yung porn na pinanood ko kagabi. "You'ree not a nuisance, it feels good having you here. I'm not bored here in my office anymore," sabi niya saka ngumiti sa 'kin. Ngumiti na lang din ako sa kanya. Bakit kaya hindi na lang si Zyair ang naging crush ko? Mabait siya at gentleman pa, bakit naman sa persecutor alter niya pa ako nagkagusto? Natigilan kami nang makarinig ng katok, agad namang pumasok si Ruby. Lihim na napaismid ako, mukhang hindi ko na maituturing na friend 'tong si Ruby. Bakit kasi ang ganda niya masyado? Hindi na nakakapagtaka na gusto siya ni Derron "Sir Zyair, Mr. Alaric Vidales is here," pormal na sabi ni Ruby. Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya si Alaric Vidales? "Let him in," nakangiting sabi ni Zyair. Tumango na lang si Ruby at lumabas na. Napaawang ang labi ko nang may pumasok na gwapo at matangkad na lalaki sa opisina ni Zyair. Napalunok ako at tumayo para paupuin siya sa couch. Tumango lang siya sa 'kin saka umupo. Tumayo naman si Zyair at lumapit sa gwapong lalaki at nagfist bump silang dalawa. Ano ba 'yan? May kasama akong dalawang gwapo ngayon sa opisinang 'to, ang swerte ko naman. "How are you, Alaric?" nakangiting tanong ni Zyair. Napatingin ako kay Alaric, nakakapagtaka na hindi man lang ito ngumingiti kay Zyair. Naka-poker face lang talaga siya simula nang pumasok siya sa opisina ni Zyair. Napasinghap ako nang igalaw-galaw nito ang kamay nito. Ano nga ulit ang tawag do'n? Sign language ba ang tawag do'n? "Ah, mabuti naman at ayos ka. Bakit ngayon mo lang ako binisita?" tanong ni Zyair. Nagtatakang napatingin ako kay Zyair. Bakit siya sumasagot? Hindi naman nagsasalita si Alaric. Muling iginalaw ni Alaric ang mga kamay niya na tila ba may sinasabi siya. Tumatango naman si Zyair na tila ba naiintindihan niya ang mga 'yon. Pipi ba si Alaric? Pasimple kong binatukan ang sarili ko. Bakit ko pa ba tinatanong ang bagay na 'yon sa isip ko? Obvious naman kung ano ang sagot. "That's good to hear. By the way, why are you here? Do you need something or do you need my help on something?" tanong ni Zyair. Umiling si Alaric at nag-abot ng envelope sa kanya, agad naman 'yong kinuha ni Zyair. Muling nag-sign language si Alaric, napapatango naman si Zyair. Kung gano'n nakakaintindi pala ng sign language si Zyair. "Siyempre naman pupunta ako, malakas ka sa 'kin," nakangiting sabi ni Zyair saka tinapik ang balikat ni Alaric. Bahagyang ngumiti saka tumango si Alaric, mas gwapo siya kapag nakangiti. Umalis din kaagad si Alaric matapos nilang mag-usap ni Zyair. Agad naman akong umupo sa tabi niya para maki-tsismis. "Ano'ng sabi niya? Ano 'yang envelope na 'yan?" tanong ko. Natawa na lang si Zyair saka bahagyang ginulo ang buhok ko. "It's his sister's birthday tomorrow, he's inviting me," sabi niya. Napatango na lang ako. "Pupunta ka?" tanong ko pa. Agad naman siyang tumango. "Oo naman, kasama ka rin," sabi niya saka tumayo at nagtungo na sa table niya. Napasinghap ako. "Paano 'yan Sir Zyair? Wala naman akong matinong damit," sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko. "That's not a problem," sabi na lang niya saka itinutok ang mga mata sa laptop niya. "Nga pala Sir Zyair, yung kaibigan mo kanina, si Alaric, pipi pala siya," sabi ko saka lumapit sa kanya at tiningnan ang ginagawa niya. "He's not mute," sabi naman niya. Napakunot ang noo ko. "Kung hindi siya pipi, bakit hindi siya nakakapagsalita? Nags-sign language pa siya," nagtatakang sabi ko. "He has anxiety disorder called selective mutism. I don't have much knowledge about that disorder, but I think he's afraid of talking or speaking, he chose not to talk. He can speak perfectly before, he's talkative when we were kids. I don't know why he became like that, but I think he also had a traumatic past." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Kung gano'n hindi pala pipi si Alaric, ayaw niya lang talagang magsalita. Napabuntong hininga ako, bigla akong nakaramdam ng awa kay Alaric. "Kailan mo siya huling narinig na nagsalita?" muling tanong ko pa. "Hmm, 15 or 16 years ago? Hindi ko na rin maalala. Siya ang dahilan kaya nag-aral ako ng sign language." Napatitig ako kay Zyair, mukhang masarap siyang maging kaibigan. Ang tiyaga at ang bait niyang kaibigan kay Alaric. "Ahm, wag mo sanang mamasamain ang itatanong ko, pero may mga kaibigan ka pa ba na may anxiety or mental disorder?" Alam kong naaabala ko na siya sa mga tinatanong ko, pero curious lang talaga ako. "Yes, most of my friends are also suffering from anxiety and mental disorder just like me. I have a friend, he's Aeaguz Antonov, and he is suffering from haphephobia," kwento niya. Napakunot ang noo ko. "Haphephobia?" nagtatakang tanong ko. "It's a phobia of being touched, it's kinda weird, right? But I understand him, he'd gone through a lot. Sana lang maging maayos na ang lagay niya, sana mawala na yung takot niya," sabi naman niya. Napabuntong hininga ako. Mukhang maraming tao sa mundo ang nagdurusa dahil sa nakaraan nila, o naging karanasan nila noon. "This seems weird for you but they are fun to be with. They're good listeners. Nakakarelate din kami sa isa't isa, pakiramdam ko may karamay ako," sabi niya saka mapait na napangiti. Napatitig na lang ako sa kanya. Hindi man ako sobrang relihiyosong tao, pero ipagdarasal ko na sana maging maayos na ang lagay niya, pati ng mga taong nagdurusa dahil sa mapait na nakaraan nila. * * * "Okay lang ba 'tong suot ko? Parang ano eh," naiiling na sabi ko habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. "You look beautiful, Artie," sabi naman ni Ruby habang nililigpit ang make up kit niya matapos niya akong lagyan ng make up. "Bakit kaya hindi na lang ikaw ang sumama kay Sir Zyair? Diba sanay ka na naman magpunta sa mga party na pinupuntahan ni Sir? Hindi ko talaga kaya 'to," sabi ko saka napakagat sa kuko ko. "Okay lang 'yan, ikaw ang dapat nasa tabi ni Sir Zyair oras-oras, wag ka ng mailang, masasanay ka rin," sabi naman niya saka bahagyang ngumiti. Napabuntong hininga na lang ako at muling tiningnan ang sarili ko sa salamin. Maayos naman ang pagkaka-make up sa 'kin, ang buhok ko pati na rin ang damit ko. Hindi lang talaga ako komportable. Naka-bun ang buhok ko na may kaunting buhok na naiwan sa gilid ng mukha ko, light lang ang make up na nilagay sa 'kin ni Ruby dahil mas bagay raw sa 'kin 'yon. Nakasuot naman ako ng silver off shoulder lace dress, long sleeve ito at hanggang itaas ng tuhod ko ang haba kaya medyo naiilang ako. Burara pa naman ako kumilos. "Halika na, naghihitay na si Sir Zyair." Lumabas na kami ng kwarto ko. Natigilan ako nang maabutan si Sir Zyair na nakaupo sa couch habang naghihintay sa 'min. Ano ba 'yan? Bigla akong tinablan ng hiya sa hitsura ko ngayon. "Sir Zyair," pagtawag ni Ruby sa kanya. Agad na napalingon si Sir Zyair sa 'min saka tumayo. Napalunok ako nang mapansing napatitig siya sa 'kin. Naiilang na ngumiti na lang ako sa kanya. Napakamot na lang ako sa braso ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Bigla tuloy akong na-curious kung ano ang tingin niya sa 'kin ngayon. Maganda ba ako? O baka naman ang weird ng hitsura ko ngayon. Natigilan kami nang tumikhim si Ruby. "Male-late na kayo, baka hinihintay na kayo ni Sir Alaric," sabi naman ni Ruby. Tipid na ngumiti na lang si Zyair saka tumango. "Shall we?" tanong niya. Tumango na lang ako at ngumiti. Tahimik pa rin kaming pareho hanggang sa biyahe. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nailang kay Sir Zyair. Siguro dahil ang gwapo niya sa suot niyang formal attire na kulay gray. Malamang mapapatingin sa kanya ang mga babae sa party na 'yon. Nakarating din kami sa malaking bahay makalipas ang ilang minuto. Agad na bumaba ng kotse si Zyair at pinagbuksan ako ng pinto. Inilahad naman niya ang kamay niya sa 'kin. "H-ha?" tanong ko habang nakatingin sa kamay niya. Napakamot na lang siya sa batok niya at naiilang na ngumiti sa 'kin. Napalunok na lang ako at humawak sa kamay niyang nakalahad. Bumigat ang paghinga ko nang ilagay niya iyon sa bisig niya. Para kaming prinsesa at prinsipe, pero ang totoo alipin lang ako na nakabihis ng maganda. Lalo akong nahiya nang makapasok na kami sa loob ng engrandeng bahay na ginanapan ng party. Ang daming tao, halatang mayayaman ang mga ito at talagang kilala. May mga nakikita rin akong modelo at artista kaya lalo akong nahiya. "Zyair, long time no see," nakangiting bati ng mga lalaki na mukhang mga businessman din. "It's good to see you," nakangiting sabi naman ni Zyair. "Who is she?" tanong naman ng isang lalaki. "Ah, she's Ms. Avelino, she's my secretary," pagpapakilala sa 'kin ni Zyair. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanila. Hindi talaga ako komportable sa mga ganito, mukha pa namang mayayaman ang mga 'to at kayang tirisin ang pagkatao ko. "It's nice to meet you, Ms. Avelino, do you have a boyfriend?" Napakurap ako sa diretsahang tanong ng isang lalaki. Humigpit ang pagkakakapit ko sa bisig ni Zyair. Naiilang na talaga ako. "I'm her boyfriend," sabi naman ni Zyair saka iniyakap ang bisig niya sa baywang ko. Gulat na napatingin ako sa kanya, tumingin lang siya sa 'kin saka ngumiti. Pakiramdam ko nakahinga na ako ng maluwag nang mag-alisan na ang mga lalaki. Inabutan naman ako ng juice ni Zyair na hindi ko alam kung saan niya nakuha. "I know this is uncomfortable for you, I'm sorry for bringing you here," bulong niya sa tainga ko. Pakiramdam ko nagtayuan ang mga balahibo ko nang dumampi ang hininga niya sa balat ko. Napalunok na lang ako at napailing. "O-okay lang, trabaho ko na bantayan ka," sabi ko na lang at ngumiti sa kanya. Umupo na kami, may kasama kaming isang babae na mag-isang kumakain sa table. Napansin ko na mukhang hindi rin siya sanay sa ganitong party tulad ko. "Artemis, stay here. I'll just greet Alaric and his sister. Babalik din ako rito," sabi ni Zyair. Ngumiti na lang ako at tumango. Napatingin ako sa babaeng malapit sa 'kin nang makaalis na si Zyair. Kumuha siya ng mga pagkain at kumain na lang. Napangiti na lang ako at kumuha na lang din ng pagkain. "Hello." Napatingin ako sa babae nang batiin niya ako. Ngumiti naman ako sa kanya. Mukha naman siyang mabait, maganda rin siya. "Hi," bati ko sa kanya. "Ako nga pala si Iliana, best friend ko yung may birthday, si Alara Vidales," nakangiting sabi niya. Napatango naman ako. "Edi kilala mo rin yung kapatid ni Alara? Si Alaric," sabi ko naman. Natigilan ako nang napaiwas siya ng tingin sa 'kin. Tipid na ngumiti na lang siya saka tumango. Mukhang kilalang kilala niya na nga talaga si Alaric. Kumain na lang kaming dalawa, minsan nag-uusap pero mas nagfocus na lang kami sa pagkain. Hindi rin naman kasi gano'n kakapal ang mukha ko para magpaka-feeling close kay Iliana. "Nasaan naman kaya si Sir Zyair?" bulong ko saka tumingin sa paligid. Bakit hindi pa siya nabalik? "Iliana, alis muna 'ko ha. Hahanapin ko lang yung amo ko," pagpapaalam ko sa kanya. Ngumiti lang siya at tumango. Napakamot na lang ako sa braso ko habang hinahanap si Zyair. Hindi ko alam kung mahahanap ko ba siya rito dahil ang daming tao, dagdag pa na ang laki ng lugar na 'to. Natigilan ako nang matanaw ko si Alaric. Agad akong lumapit sa kanya at kinalabit siya sa braso. Agad naman siyang napalingon sa 'kin. "Ahm, hello. Nakita mo ba si Sir Zyair?" naiilang na tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. "Nasaan na siya ngayon? Hindi pa kasi siya nabalik sa table na pinag-iwanan niya sa 'kin. Nag-aalala ako," sabi ko. Napabuntong hininga siya, sinubukan niyang ibuka ang bibig niya pero walang salita na lumabas do'n. Napakunot ang noo ko. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa ng coat niya saka nagtype ro'n. Hinintay ko naman siya na matapos. Ipinakita niya sa 'kin ang phone niya pagkatapos niyang magtype. I don't know where he is now. I'm looking for him too. Nag-aalala ako dahil sumakit ang ulo niya bago siya nawala. I'm worried that one of his alters might come out. Napasinghap ako nang mabasa ko iyon. Sabi na nga ba eh, kaya ang tagal niyang bumalik. Malamang lumabas na naman ang isa sa alters niya. Saan ko naman kaya siya hahanapin sa lugar na 'to? Napatingin ako kay Alaric nang ipakita niya ulit sa 'kin ang cellphone niya. Let's find him, it will be dangerous for him if anyone finds out about his condition. I'll look for him on the left side, you on the right side. Tumango na lang ako nang mabasa ko nasa phone niya. Agad naman siyang umalis para hanapin si Zyair. Nagtungo na ako sa pwesto na in-assign sa 'kin ni Alaric. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Zyair pero hindi niya sinasagot. Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Nag-aalala na 'ko, paano kung si Nikki ang lumabas o kaya naman si Derron? Paniguradong gulo 'yon. "Nasaan ka na ba, Zyair?" natatarantang tanong ko saka sinubukan siyang tawagan ulit. Natigilan ako nang matanaw ko si Zyair sa wine area. Napakunot ang noo ko saka agad na lumapit sa kanya. "Sir Zyair, saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap ni Alaric," naiiritang sabi ko. Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Tumingin lang siya sa 'kin saka nilagok ang alak sa wine glass niya. "Do you want to come with me at my house?" tanong niya saka binasa ang ibabang labi niya habang hinahagod ng tingin ang katawan ko. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Gusto niya bang umuwi na kami? "Okay," sabi ko na lang saka tumango. Napangisi siya sa sinabi ko saka muling uminom ng alak. "Wow, that's fast," sabi niya saka hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng bahay na 'yon. Nagtataka man ako sa kinikilos niya, hinayaan ko na lang siya at nagpatianod sa kanya. Mukhang lasing na talaga siya at kung ano-ano na ang pinagsasasabi niya. Tahimik lang kami sa biyahe, napapatingin ako sa kanya dahil paminsan-minsan ay hinahawakan niya ang kamay ko. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? Nakarating din kami sa bahay niya makalipas ang ilang minuto. Agad siyang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako. Napatingin ako sa mga mata niya. Si Zyair ba talaga siya? Pero hindi naman siya si Nikki o si Derron, mukhang hindi rin naman siya si Annie. Isa kaya siya sa apat na alters na nabanggit ni Derron? Pero sabi ni Derron tahimik lang ang mga 'yon. Pumasok na kami sa loob. Agad na nagtungo si Zyair sa kusina at kumuha ng bote ng alak. Napasinghap ako nang buksan niya 'yon saka nilaklak. Bakit naman niya nilaklak ang bote ng alak? Hindi ganyan kumilos si Zyair. "Ah, this is heaven," nakangiting sabi ni Zyair saka muling nilaklak ang bote ng alak. "Ahm, baka naman masobrahan ka sa alak niyan, Zyair," sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko. Napatigil siya sa pag-inom saka tumingin sa 'kin. Napalunok ako nang ngumisi siya. "I'm not Zyair," sabi niya saka nilapag ang bote ng alak sa mesa. Lumapit siya sa 'kin, napalunok naman ako at umatras pero agad niyang nahablot ang braso ko saka hinila ako papalapit sa kanya. Impit na napatili ako nang buhatin niya ako at pinaupo sa mesa. Napalunok ako habang titig na titig siya sa 'kin. Bakit ganyan siya makatingin sa 'kin? Parang ang landi. "Let's go to my room and you'll experience a mind blowing s*x with me. You'll definitely ask for more, pretty," nakangising sabi niya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Napasinghap ako at agad siyang tinulak. Nagtatakang napatingin naman siya sa 'kin. "Roover? Ikaw ba si Roover?!" gulat na tanong ko. Napangisi naman siya saka muling lumapit sa 'kin. Nagtayuan ang mga balahibo ko nang haplusin niya ang pisngi ko. "Yes, baby, I'm Roover and my talent is drinking... and fucking." Napasinghap ako nang siilin niya ng halik ang labi ko. Para sa 'kin, si Roover ang pinakadelikadong alter ni Zyair.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD