“Gago ka pala eh!”
Gulat na napatingin sa 'kin si Roover habang hawak ang tiyan niya nang sipain ko siya ro'n.
“W-what?” tila hindi makapaniwalang tanong niya.
“Ang kapal ng mukha mong halikan akong hayop ka!”
Sinugod ko siya at akmang susuntukin nang agad niyang nahawakan ang kamao ko.
“W-wait, I'm sorry, okay? Wag na tayong dumaan sa dahas, pag-usapan natin 'to ng ayos,” pagpapakalma niya sa 'kin.
“Hayop ka talagang lalaki ka! Yung first kiss ko, first kiss ko 'yon!” naiinis na sabi ko at sinuntok ang dibdib niya.
Napakamot na lang siya sa batok niya. Napabuntong hininga siya at humawak sa magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa mga mata ko.
“I'm really sorry, okay? I thought you're into it, sumama ka sa 'kin dito sa bahay,” sabi na lang niya saka napaiwas ng tingin sa 'kin. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
“Malamang sasama ako sa 'yo rito dahil dito rin ako tumutuloy! Nagtatrabaho ako kay Zyair 24/7 para pigilan ang makukulit na alters niya tulad mo!” naiinis na sabi ko at muli siyang sinuntok sa dibdib.
“Ah, gano'n ba? Sorry, hindi ko naman alam eh,” hinging paumanhin niya.
Huminga na lang ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Baka magkasala pa ako at mabura ko siya sa mundong 'to.
“Okay, alter ka lang naman, hindi counted 'yong halik na 'yon,” pangungumbinsi ko na lang sa sarili.
“Ouch naman, that hurts you know,” ma-dramang sabi niya at napahawak pa sa dibdib niya. Tiningnan ko lang siya ng masama.
“Wag mo ng pag-initin ang ulo ko kung ayaw mong tadyakan kita,” masungit na sabi ko.
Napakamot na lang siya sa batok niya at muling nilaklak ang alak sa bote. Agad ko naman 'yong hinablot sa kanya.
“Tigilan mo na 'yan, kung makalaklak ka riyan akala mo tubig lang ang iniinom mo. Makakasama ka sa kalusugan ni Zyair,” pananaway ko sa kanya.
Umupo na lang siya sa upuan habang nakasimangot. Hindi niya ako madadaan sa pagpapacute niyang ganyan, hangga't nandito ako, hindi siya basta makakainom ng alak na para bang tubig lang ang iniinom niya.
“Are you Zyair's girlfriend?” tanong niya. Umiling naman ako.
“Porke't concerned ako sa kanya girlfriend na niya 'ko agad? Hindi ba pwedeng thoughtful lang akong tao?” sarkastikong tanong ko.
Halos lahat na lang yata ng lumabas na alter ni Zyair, napagkakamalan akong girlfriend niya. Si Derron nga kasi ang crush ko, kaso may crush si Derron kay Ruby.
Naiinis pa rin ako sa tuwing naaalala ko 'yon, bakit naman kasi si Ruby pa?
“Hayaan mo na akong mag-inom, minsan lang ako makalabas eh,” nakasimangot na sabi niya habang nakatingin sa bote ng alak na hawak ko.
Nadala rin ako ng pagpapaawang ganyan ni Nikki, hindi na ako magpapauto.
“Heh, magtigil ka!” pananaway ko naman sa kanya. Lalo siyang napasimangot.
“Sige na naman, pumayag ka na. Hindi na nga ako naka-score sa 'yo tapos hindi pa ako--” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang batukan ko siya.
“Gano'n ka ba talaga? Kapag nakakita ka ng maganda basta ka na lang nakikipagsex? Paano kung may HIV o STD pala ang babaeng nakasex mo? Edi nagkasakit pa si Zyair,” nakapamaywang na sabi ko
Napahawak si Roover sa baba niya habang nakatingin sa 'kin, napakunot ang noo ko nang mapansing nakatitig siya sa 'kin na para bang sinusuri niya 'ko.
“Bakit ganyan ka makatingin?” masungit na tanong ko.
“Are you sure you're not in a relationship with Zyair?” tila nag-aakusang tanong niya. Binatukan ko naman siya.
“Tumigil ka nga, halika!”
Hinila ko siya patayo at dinala sa living room saka pinaupo sa couch. Nagtatakang napatingin naman siya sa 'kin.
“Matulog ka na lang diyan, wag mo ng hintayin na sapakin kita para lang makatulog ka,” pananakot ko sa kanya.
“I need to drink liquor, iyon ang pampatulog ko,” pagpapaawa niya pa.
Napabuntong hininga na lang ako at inabot sa kanya ang bote ng alak. Minsan lang naman daw siya nalabas eh, hahayaan ko na lang muna siya na mag-inom.
“Wow, thank you. You're an angel,” pang-uuto niya sa 'kin saka nginitian ako ng matamis. Napailing na lang ako.
Agad niyang ininom ang alak sa bote. Umupo na lang ako sa mini table na nasa tapat niya at pinanood siya. Hindi ko pa rin pwedeng tulugan ang isang 'to, hindi ko pa siya masyadong kilala.
“Gusto mo?” pag-aalok niya. Napangiwi naman ako saka tipid na umiling.
“Hindi ako nag-iinom,” napapailing na sabi ko na lang.
Natigilan ako nang ilagay niya ang bote sa kamay ko.
“Tikman mo lang, nakakarelax kaya 'yan,” sabi niya saka nagtaas-baba ng kilay sa 'kin.
Wala akong tiwala sa pagmumukha niyang ganyan pero tinikman ko pa rin ang alak. Napangiwi naman ako ng matikman 'yon.
“Akala ko ba nakakarelax 'to? Bakit ang sama ng lasa?!” naiiritang tanong ko. Natawa naman siya.
“Sa una lang 'yan.”
Napaismid na lang akonat muling tinikman 'yon... hanggang sa nasundan ng nasundan.
* * *
“Aray.”
Napahawak ako sa sentido ko nang maramdaman ko ang matinding pananakit no'n. Napahawak din ako sa leeg ko dahil nakatulog ako nang nakaupo rito sa sahig habang nakahiga ang ulo ko sa upuan ng couch.
Natigilan ako nang mapatingin sa apat na bote ng alak sa sahig. Napasinghap ako nang maalala ko si Roover.
“Roover!”
Napakurap ako nang makita siya na nakaupo sa couch habang seryosong nakatingin sa 'kin. Napakamot na lang ako sa magulo kong buhok na parang pugad na yata ng ibon.
“Ikaw na ba 'yan, Zyair? Pasensya na kung ganito ang hitsura ko, hindi mo naman kasi sinabi na sobrang sakit pala sa ulo si Roover,” nakangiwing sabi ko habang nagkakamot ng buhok.
“May panis na laway ka,” sabi niya saka itinuro ang pisngi ko.
Pasimple kong pinahid 'yon, nakakainis kasi ang Roover na 'yon. Pinainom pa ako ng alak, para tuloy binibiyak ang ulo ko.
Napatingin ako kay Zyair, bakit parang may kakaiba sa kanya ngayon?
Napakunot ang noo ko at napatitig sa mga mata niya. Napasinghap ako at napaatras nang makilala ko kung sino ang alter niya na gano'n tumingin.
“Derron?” tila hindi makapaniwalang tanong ko.
Agad akong napatayo habang inaayos ang buhok ko. Nanginginig ang mga kamay na pinahid ko ang pisngi kong may panis na laway. Nakakainis naman, napaka-wrong timing naman ng pagsulpot nitong si Derron. Ang ganda ko kagabi eh, bakit ngayon pa siya lumabas?
“Ahm, maliligo lang ako. K-kumain ka na,” nauutal na sabi ko.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Agad akong nagtatakbo papuntang kwarto ko para maligo.
“Kainis talaga! Kainis! Kainis!” pagmamaktol ko habang sinasabon ang katawan kong amoy alak.
Kasalanan talaga 'to ni Roover, kung hindi niya ako pinatikim ng alak, edi sana fresh akong sasalubong kay Derron. Bakit naman kasi ngayon pa lumabas si Derron kung kailan mukha akong bruha?
Agad akong nagpabango at nagsuklay nang matapos akong maligo. Lumabas ako ng kwarto ko at agad na nagtungo sa kusina. Laking pasasalamat ko nang makitang nandoon si Derron at nagtitingin ng pagkain sa ref.
Mukhang naligo muna siya bago nagtungo rito sa kusina.
“Ano'ng gusto mong kainin? Ipagluluto kita,” sabi ko nang makalapit ako sa kanya.
“Kahit ano, basta nakakain,” tipid na sabi na lang niya saka umupo.
Kimuha na lang ako ng manok sa ref. Kahit masakit ang leeg ko, ipagluluto ko pa rin si Derron. Ang haba kasi ng tulog ko sa couch na 'yon, 6 pm na ngayon eh. Sobrang tagal pala naming natulog, pakiramdam ko tuloy hindi na ako makakatulog ngayong gabi.
“Wala ka bang ibang alam lutuin kundi puro prito?” pagrereklamo ni Derron. Hinarap ko naman siya saka tiningnan ng masama.
“Sabi mo kahit ano basta nakakain, tapos ngayon nagrereklamo ka. Ano ba talaga?” tanong ko.
Hindi na lang siya nagsalita at tiningnan na lang ako ng masama. Napapailing na hinarap ko ulit ang niluluto ko. Pasalamat talaga siya at crush ko siya, kung hindi masasapak ko talaga siya sa pag-uugali niyang 'yan.
Ipinaghain ko na siya nang matapos akong makapagluto at makapagsaing. Hindi na lang siya nagsalita at nagsimula ng kumain.
“Lumabas si Roover?” tanong niya. Tumango naman ako saka kumagat ng chicken.
“Gago ang isang 'yon,” sabi niya saka uminom ng tubig. Napaismid na lang ako.
“Gago ka rin naman,” pabulong na sabi ko. Sa tingin ko naman narinig niya 'yon dahil tiningnan niya ako ng masama.
“Okay lang 'yan, kahit gago ka, crush pa rin kita,” pahabol na bulong ko.
“Ano?” nakakunot-noong tanong niya. Napairap na lang ako.
“Wala! Sabi ko kumain ka ng kumain,” pagpapalusot ko na lang.
Hindi na lang siya nagsalita at tumuloy sa pagkain. Napatitig naman ako sa kanya, sana wala siyang gawing kalokohan ngayon, hindi ko na yata kakayanin kung sakali.
“Aalis ako,” sabi niya saka agad na tumayo pagkatapos niyang kumain saka lumaba ng dining room.
Binilisan ko ang pag-inom ng tubig at agad siyang sinundan saka hinawakan ang braso niya para pigilan siya.
“Saglit! Wag ka na munang manggulo ngayong araw, please lang. Gusto ko munang ipahinga ang sarili ko, nakakastress si Roover, akala mo ba? Pahinga muna today, please lang,” pakiusap ko sa kanya.
Inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya saka bahagya akong tinulak palayo.
“Wag kang makialam, baka pati ikaw hindi ko palagpasin. Hindi ako naaawa sa babae, hindi ako mabait,” seryosong sabi niya habang nakatingin ng masama sa 'kin.
Napalunok na lang ako at napakamot sa batok ko. Paano ko ba siya mapipigilan?
“Derron.”
Natigilan kaming pareho at napatingin sa pinanggalingan ng boses.
“Ruby?”
Napatingin ako kay Derron, kitang kita ko kung paano siya napalunok at napatulala nang makita si Ruby. Napaiwas na lang ako ng tingin nang maramdaman na tila may sumipa sa dibdib ko. Ibinaling ko na lang ang tingin ko kay Ruby na seryosong nakatingin kay Derron.
“Kung pwedee tigilan mo na ang panggugulo sa buhay ni Sir Zyair, nasa iisang katawan kayo, dapat nagtutulungan kayo,” tila nakikiusap na sabi ni Ruby.
Napabuntong hininga na lang ako. Bakit naman ang kulit ng lahi nitong si Ruby? Pinagbawalan na siya ni Zyair na magpakita kay Derron eh.
“Sige, hindi ko guguluhin ang buhay ni Zyair... sa isang kondisyon,” tila nanghahamon na sabi ni Derron habang nakatitig kay Ruby.
“Ano 'yon?” tanong ni Ruby, halata ang pag-aalangan sa boses niya.
“Makipagdate ka sa 'kin sa tuwing nalabas ako. Ngayon, magdate na tayo ngayon,” sabi ni Derron saka napangisi.
Halata namang natigilan si Ruby sa sinabi niya, kahit ako ay natigiln din.
Napabuntong hininga na lang ako saka napatungo, hindi ko dapat ipahalata na nasasaktan ako. Ayokong malaman ni Derron ang nararamdaman ko para sa kanya.
“Sige, pero mangako ka na hindi ka na manggugulo,” sabi ni Ruby habang nakikipaglabanan ng titig kay Derron.
Tumango naman si Derron at lumapit kay Ruby saka hinawakan ang kamay nito. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanila, naninikip na naman ang dibdib ko.
Bakit naman kasi harap-harapang nakikipaglandian ang crush ko sa iba?
Sumunod ako sa kanila nang lumabas sila ng bahay ni Zyair. Hinabol ko na lang ng tingin ang kotseng sinakyan nila na papalayo.
“Paano kung manggulo pa rin si Derron o kaya naman lumabas yung ibang makulit na alters? Trabaho kong pigilan na mangyari 'yon,” sabi ko habang napapatango pa.
Agad akong pumara ng taxi at pinasundan ang kotse ni Derron. Hindi pwedeng maghintay na lang ako sa mangyayari, baka isipin ni Zyair walang kwenta ang binabayad niya sa 'kin.
“May kabit ba ang asawa mo, Ma'am?” pang-uusisa ng driver.
Aba, tsismoso 'tong si kuya ah.
“Oo, manong, kaya dapat masundan mo ang kotse na 'yan dahil gusto kong mahuli sa akto ang asawa ko at ang kabit niya! Tapos puputulin ko ang p*********i niya para hindi na siya mambabae ulit,” nakangising sabi ko.
Halata namang natakot si manong sa sinabi ko at hindi na lang nagsalita. Dapat lang na matakot siya dahil talagang naiinis na ako sa nangyayari.
Tumigil ang sasakyan ni Derron sa isang mamahaling restaurant, lumabas sila ng kotse ni Ruby saka pumasok sa loob. Agad naman akong
naman akong bumaba ng taxi pagkatapos kong magbayad at dali daling pumasok sa restaurant.
Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay ko nang matanaw ko na kung nasaan sina Derron. Pasimple akong lumapit sa kanila at umupo sa table na katabi lang ng kanila.
Ayos 'tong pwestong ko, paniguradong maririnig ko ang pag-uusap nila.
Napakunot ang noo ko nang abutin na yata ako ng sampung minuto rito pero hindi pa rin sila nag-uusap at nakain lang.
Ano bang klaseng date 'to? Napakalamya naman pala ni Derron, kunwari siga pero hindi naman pala marunong dumiskarte sa babaeng gusto niya.
Pero okay na rin pala 'to, at least hindi ako nagseselos dahil pagkain lang ang inaatupag nilang dalawa.
Natigilan ako nang mapansin kong tumayo si Derron at umalis. Napakunot ang noo ko at hinabol siya ng tingin. Saan naman kaya pupunta 'yon?
Inayos ko ang buhok ko at muling tinakpan ang mukha ko gamit ang kamay ko saka sinundan si Derron. Mukhang sa banyo pala siya nagpunta.
“Ay!” Napatili ako nang may humila sa 'kin saka sinandal ako sa pader. Napasinghap ako nang magkasalubong ang mga mata namin ni Derron.
“Ano'ng ginagawa mo rito?” naiinis na tanong niya habang nakahawak ng mahigpit sa braso ko.
“Ahm, nabitin ako sa kinain natin kanina kaya nagpunta ako rito. Masama bang kumain sa restaurant?” sarkastikong tanong ko. Napakunot lang ang noo niya.
“Sampung minuto ka ng nakaupo ro'n pero wala kang ino-order, ginagago mo ba talaga ako?” naiinis na tanong niya. Napalunok na lang ako at tinapik tapik ang balikat niya.
“Kumalma ka muna, parte pa rin ng trabaho ko ang bantayan ka, okay? Wag kang mainis agad diyan. Saka nandito ako para turuan ka ng dating techniques, napakahina mo eh,” napapailing na sabi ko.
Napaiwas siya ng tingin sa 'kin saka binitiwan ako. Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya, mukhang aminado talaga siya na mahina siya sa pakikipagdate.
“Magaling ako mang-akit, pero hindi si Ruby ang tipo ng babae na madadala ko sa gano'n,” naiiritang sabi niya saka napakamot sa kilay niya.
Kahit nasaktan ang puso ko sa sinabi niya, tinapik ko na lang ang balikat niya na para bang dinadamayan ko siya.
“May fireworks ngayong gabi sa park, dalhin mo si Ruby ro'n, romantic ang ambiance ro'n,” napapatangong sabi ko. Nagtatakang napatingin siya sa 'kin.
“Fireworks? Gusto ba ni Ruby no'n?” nakakunot-noong tanong niya.
“Aba malay ko, pero sino ba ang may ayaw sa fireworks?” nakapamaywang na tanong ko.
“Me, I hate fireworks,” agad na sabi niya. Napangiwi na lang ako.
“Ah basta, dalhin mo siya ro'n. Susunod lang ako sa inyo at itetext ko na lang sa 'yo ang iba pang techniques. Maglakad na lang kayo dahil malapit lang naman 'yon, romantic din 'yon,” sabi ko na lang.
Hindi ko alam kung bakit tinuturo ko sa kanya ang mga romantic moments na napapanood ko sa mga kdrama. Kasi naman eh, kawawa siya. Halatang wala talaga siyang alam sa pagpapakilig sa babae, pananakot lang yata talaga ang alam niya.
Kung sa 'kin na lang sana siya wala siyang problema, kinikilig ako kahit nakakatakot siya.
Napakamot na lang ako sa batok ko habang nakasunod sa kanila. Sinunod nga ni Derron ang sinabi ko at naglalakad na sila ni Ruby ngayon papuntang park habang ako nakasunod lang sa kanila mula sa malayo.
Hindi ko alam kung bakit tino-torture ko pa ang sarili ko at sinusundan sila. Siguro masokista talaga ako, pero ano'ng magagawa ko? Hindi ko naman kayang pabayaan si Derron dito.
Nakarating na kami sa park, hindi pa nagsisimula ang fireworks. Nagtago na lang ako sa likod ng malaking puno at tiningnan sila. Malapit-lapit ang pwesto ko sa kanila kaya paniguradong maririnig ko ang usapan nila pero hindi naman siguro nila ako makikita rito.
“Why do you like me so much, Derron? Ilang ulit ko ng nilinaw sa 'yo na hindi kita gusto,” sabi ni Ruby saka napayakap sa sarili niya.
Hinubad ni Derron ang suot niyang leather jacket at pinasuot 'yon kay Ruby. Napaismid na lang ako at napayakap din sa sarili ko. Nilalamig din naman ako eh.
“Sabi ko naman sa 'yo, wala akong pakialam kung si Zyair pa ang gusto mo,” sabi ni Derron habang seryosong nakatingin kay Ruby.
Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko dahil sa nalaman ko.
May gusto si Ruby kay Zyair? Bakit hindi ko nahalata? Normal lang ang pakikitungo ni Ruby kay Zyair na para bang amo lang talaga ang turing niya rito. Hindi ko akalaing may gusto pala siya kay Zyair.
“Hindi ka gusto ni Zyair, bakit ayaw mo na lang ibaling sa 'kin ang nararamdaman mo?” tanong ni Derron saka hinawakan ang kamay ni Ruby.
Hindi sumagot si Ruby at tumingin na lang sa langit. Napabuntong hininga ako at pilit na pinakalma ang damdamin ko. Normal lang naman masaktan kapag nakita mong may ibang gusto ang crush mo diba?
Natigilan ako nang magsimula na ang fireworks. Mapait na napangiti na lang ako habang nakatitig sa langit. Ang ganda ng fireworks, hindi nakakasawang panoorin.
Napatingin ako kina Derron at Ruby na magkahawak ang kamay. Huminga na lang ako ng malalim at pilit na sinabi sa sarili ko na okay lang 'yan.
Natigilan ako nang magvibrate ang cellphone ko. Agad kong tiningnan ang text nang makitang galing 'yon sa number ni Zyair.
Salamat, may silbi ka rin pala.
Natatawang napailing na lang ako at muling napatingin kay Derron. Natigilan ako nang mapansing nakatingin din siya sa direksyon ko.
Agad akong nagtype ng reply sa kanya.
Sabi ko naman kasi sayo eh, magaling ako sa mga ganyang bagay. Mahina ka kasi eh hahaha!
Ibinalik ko na lang ang cellphone ko sa bulsa ko saka muling napatingin kina Derron at Ruby.
Natigilan ako nang mapansing nakatitig sila sa isa't isa. Pakiramdam ko literal na nanginig ang buong katawan ko nang makitang unti-unti ng lumalapit ang mukha nila sa isa't isa.
Bago pa man tuluyang magdikit ang mga labi nila, agad akong nag-iwas ng tingin at tumakbo palayo.
Hindi na naman ako ganoong ka-masokista para panoorin pa ang paghahalikan nila.