“I-ikaw ba si Annie?” nauutal na tanong ko saka umupo sa tabi niya. “Buy me balloons and I'll tell you,” sabi niya saka itinuro ang balloons. Napangiwi na lang ako, mukhang hindi ko na kailangan bumili ng balloons para alamin. Obvious na naman kung sino siya. Bakit naman kaya ngayon pa sumulpot ang batang 'to kung kailan nasa labas kami? Mukhang sasakit ang ulo ko nito. “Annie, halika na, umuwi muna tayo tapos biblhin ko ang lahat ng gusto mo, okay ba 'yon?” tanong ko sa malambing na boses. Sana talaga madaan ko sa lambing at pang-uuto ang Annie na 'to, ine-enjoy ko pa ang pagpapahinga ko sa makukulit na alters ni Zyair. “Ayaw!” Napakamot ako sa batok ko nang sumigaw siya saka tiningnan ako nang masama. Mag-isip ka ng paraan, Artie. Hindi pwedeng manggulo rito sa public place si