Todo ngisi si Zyair habang nakatingin sa 'kin, napapakamot na lang ako sa batok ko dahil sa pagkailang. Ilang minutes yata kaming naghalikan kagabi. Mukhang nilubos talaga ng Zyair na 'to ang pagakataon. Ang sarap niyang kurutin ng mariin sa ilong. “Tigilan mo nga 'yan, magtrabaho ka riyan nang ayos,” pananaway ko sa kanya. Hindi naman siya nagpatinag at nanatiling nakatitig sa 'kin habang parang baliw na nakangiti. “I can't concentrate, I suddenly want to eat balut,” nakangiting sabi niya habang nakahawak pa sa labi niya. Pinaningkitan ko na lang siya ng mga mata. “Diring diri ka nga nung kinain mo 'yon eh,” sabi ko na lang saka pinatong ang mga paa ko sa mini table. “Hindi nakakadiri kapag may kiss na kapalit,” hirit pa niya. Kinuha ko ang unan na nasa tabi ko at binato 'yon sa kany