Naiilang ako. Tahimik lang kami ni Zyair, hindi siya nagsasalita pero tuloy lang siya sa paghihiwa ng ingredients para sa lulutuin niya. Ako naman nanonood lang sa bawat galaw niya, hindi ko alam ang sasabihin ko o gagawin. “Sir Zyair, sa tingin ko kailangan muna nating mag--” hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang subuan niya ako ng tempura. “Is it good?” tanong niya habang nakatitig sa 'kin. Napatango naman ako. “Masarap,” komento ko habang nanguya. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw na masarap magluto si Zyair. “I learned how to cook at an early age since I used to be alone all the time,” sabi niya saka muling binalik ang atensyon sa hinihiwa niya. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kanya, paano ko naman mabubuksan ang topic tungkol sa nangyari kanina kung