“Ahm, Z-Zyair.” Hindi ako makatingin ng ayos sa kanya, gano'n din naman siya na tila hindi alam kung saan ibabaling ang tingin. Napapikit na lang ako ng mariin at napakamot sa batok ko. Hindi naman sa ayokong lumabas si Zyair, pero napaka-wrong timing lang kasi. Bakit naman lumabas siya kung kailan naghahalikan kami ni Derron? “W-why did we kiss?” nauutal na tanong niya habang nakahawak pa rin sa labi niya. Napakamot ako sa kilay ko habang pasimpleng nag-iisip ng palusot. Ano ba'ng palusot ang pwede? Yung kapani-paniwala sana.. “Ahm, lumabas kasi si ano... si Roover, dinala niya 'ko rito tapos hinalikan,” sabi ko na lang habang napapatango. Napatango na lang din si Zyair, hindi ko mabasa kung kumbinsido ba siya sa dahilan ko o hindi kaya medyo kinakabahan ako. “I'm sorry about that,