Chapter 8.

256 Words
Umiiyak ako sa gilid ng library. Hindi kasi ako nakapasa sa examination namin sa math. “Tuturuan kita para makabawi ka sa remedial ninyo.” “Ghon, lahat mo na lang nalalaman. Lumayo ka na sa akin.” “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Kahit hindi mo sabihin, nararamdaman ko. Nandito lang ako, handang makinig. Pakikinggan kita palagi.” Tumitig ako sa kanya. Ang sarap marinig ng kanyang sinabi. Napawi ang lungkot na nararamdaman ko. Niyakap ko kaagad si Ghon ng mahigpit. After two years. Naging kami ni Ghon. Hindi man gusto ng iba ang relasyon namin, pinatunayan ni Ghon na karapat-dapat kami para sa isat-isa. Second year educ. student na ako. Si Ghon naman, 4th year, graduating na next month. Masasabi ko na masayang-masaya kami. Nasa loob kami ng car niya. Nakahiga ako sa lap niya. “Hon, p'wede na ba kitang i-kiss sa 'yong lips?” Tumango ako ng mabilis. Gusto ko kasi na abutin ng taon bago kami mag-kiss. Ni-respect naman niya 'yun. Pinaupo ako ni Ghon. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Nang mahuli niya ang labi ko'y kaagad niyang sinipsip. Medyo nagulat ako pero sobrang saya ko. Ang lambot ng labi niya. Ipinasok niya ang dila niya sa bunganga ko. Napaatras ako dahil nakiliti ako. Hinawakan niya lang ang pisnge ko sabay pinisil. Mas diniin niya pa ang paghalik dahilan para mapatirik ang mga mata ko. Pinisil niya ang dibdib ko. Lalong nagwala ang butterflies sa tyan ko. Nanghihina ako, sobra. “Mahal na mahal kita, my weakness.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD