Chapter 9. The End.

533 Words
One message received. ‘Hon, papunta na ako sa school. Ito na, graduation na namin! Sobrang saya ko na after nito, board exam, then kapag nakapasa ako, magiging pulis na ako!’ Napangiti ako sa text ni Ghon. Wala kaming pasok kaya a-attend ako. After kong maligo. Bumungad si mama na nanginginig. “Okay lang po ba kayo?” “S-si G-Ghon! N-nabaril daw bago pumasok sa gate ng school ninyo!” Natulala ako. Bigla akong napaluhod. Kumirot ng sobra ang puso ko. “P-pupunta a-ako r-ro'n!” “Hindi p'wede! Delikado!” “Ma!!! p'wede ba? Hayaan mong makapagsalita ako! At hayaan mo ako sa gagawin ko!” ** Dead on arrival daw si Ghon nang dalhin sa hospital, balita ng guard sa school. Hindi ako naniwala kaya pumunta ako sa hospital. Ang sabi ng nurse, kinuha na raw ang bangkay ni Ghon at pina-cremate. Kahit na umuulan, kahit na wala akong suot na tsinelas, tumakbo ako papunta sa mansyon nila Ghon. Kahit na iyak ako nang iyak sa labas, hindi ako pinapasok ng yaya nila dahil bawal daw ayon sa utos ng amo niya, ang mom ni Ghon. Isang linggo na akong nakaupo sa tapat ng bahay nila Ghon habang umiiyak. Ang puso ko'y puno ng puot. Wala akong pakialam sa itsura ko. Hindi ako nakakaramdam ng gutom. “Gusto kong mayakap ang urn ni Ghon!!! Parang awa niyo na!” Bakit ganito sila sa akin? Bakit ayaw nila na makita ko si Ghon? Gulong-gulo na ako! Sana'y pinatay na lang din ako! ** Galit na galit ako sa sarili ko, sa pamilya ni Ghon na porke mayaman, at sa lahat. Kaya kahit ayaw ni mama na mag-shift ako sa criminology course, nag-shift ako. Two years na ang nakalipas. Nakapasa ako sa board exam kaya registered criminologist na ako. Papasok ako sa pagiging police. Aalamin ko kung sino ang salarin sa pagkamatay ni Ghon. Hindi ako titigil sa pagi-investigate. Tuluyan na akong naging pulis. Tinagurian akong most snappy. Bukod sa napakaseryoso ko, never na akong ngumiti simula nu'ng nawala si Ghon. Lumipas ang maraming taon. Marami na akong nahuli na mga criminal. Ang pinakamasakit, hindi ko pa rin nahuhuli ang pumatay kay Ghon. Kasalukuyan akong nasa tapat ng mansyon nila Ghon. Umaasa ako na papapasukin ako ng mom niya na maaawa sa akin dahil araw-araw akong bumibisita. Pero wala pa ring epekto. Lumipas ang isang taon. May lumapit sa akin, isang witness. Nakita niya raw na si Dykan ang bumaril kay Ghon. Hindi ako nagdalawang-isip na imbestigahan. Hanggang sa napatunayan ko na si Dykan ang pumatay. Binugbog ko si Dykan kahit na alam kong labag sa karapatan niya. Hindi niya alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko. Nagulat ako nang lumabas sa bahay ang mom ni Ghon. Lumuhod ako sa harapan ng mom ni Ghon. Nagmakaawa ako ng sobra. Ang sabi lang, hindi ako bagay para sa anak niya. Mayroong mali sa mga nangyayari. Kaya hindi ako mapapagod na alamin. “Ghon, hihintayin kita hanggang sa mawalan ako ng hininga.” Binili ko ang maliit na lot sa tapat ng mansyon nila Ghon. Kahit na mahal, pagtatrabahuhan ko para maayos ito. Dito ako mag-aabang hanggang sa puwede ko nang makita si Ghon.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD