Chapter 7.

329 Words
“Lailani! Hindi ka talaga katulad ng mga pinsan mo! Tingnan mo sila, maraming naging pera sa mga tita mo kasi nagsayaw! Mahiyain ka talaga!” “Ma, wala namang masama sa pagiging mahiyain. Wala lang po talaga ako sa mood kahapon.” “Ewan sa 'yo! Ikaw na ang may pinaka madrama na buhay!” Tila ba'y nakatahi ang bibig ko dahil hindi ko maipagtanggol ng sobra ang sarili ko. “Ay! Lailani! May kotse sa labas!” masayang sigaw ni mama. “Sino raw po, mama?” “Wait! Bababain ko!” Humiga ako sa sofa. “Lailani, anak! Aba! Kasama ko ang guwapo na kilala mo raw! Si Ghon daw siya!” Hindi ako tumayo. Baka panaginip lang. Nagulat ako nang may sumipa sa akin. “Bumangon ka d'yan, anak! Mayroon kang bisita!” Nang alisin ko ang unan sa ulo ko'y nanlaki ang mga mata ko dahil nasa harapan ko si Ghon. Napatayo ako kaagad. “Hijo, ano ang pakay mo sa anak ko?” “Kahit wala pong kasiguraduhan, gusto ko pong manligaw sa anak ninyo. Gusto ko po na humarap sa inyo bilang paggalang na rin po sa inyo at sa inyong anak.” “Ang sweet mo naman! Oh sige, mauna na muna ako. Mayroon pa kasi akong pupuntahan.” “Ghon, bakit naman nakarating ka pa rito sa bahay?” “Mayroon ka bang re-review-hin? Tulungan na kitang mag-aral.” “Ghon, bakit ka nag-criminology? Curious lang ako.” “Gusto kong maging pulis. Alam ko naman na maraming opportunity kapag 'yun ang course. Pero pangarap ko talagang maging pulis. Sisiguraduhin kong hindi mabibili ang dignidad ko, magiging tapat ako sa trabaho ko, at magse-serve ako ng buong puso sa ating bansa.” “Nice. Proud ako sa 'yo. Ipagpatuloy mo 'yan.” “Talaga? Proud ka sa akin, Lai? Proud din ako sa 'yo. Ang gaan sa pakiramdam na marinig na proud ka sa akin. Grabe, kahinaan talaga kita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD