Chapter 6.

269 Words
At café with Ghon. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang sinabi ni Dykan. May inabot na envelope si Ghon. Bayad daw sa ginawa kong reviewer. “Hindi ko ito matatanggap, Ghon. Ang gusto ko, last na itong pag-uusap natin.” Napayuko siya. Nang iangat niya ang ulo niya, kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. “Ang totoo, matagal na kitang nakikita, Lailani Khan, first year pa lang ako nu'n. Inaamin ko na humahanga ako sa 'yo. Hindi ko naman alam na binu-bully ka ni Dykan. Pero nu'ng nakita ko mismo, nagkaroon ako ng chance para maipagtanggol ka.” “Malakas ba talaga ang trip mo, sir top 1?” “Sorry kung ginamit ko ang reviewer para mas mapalapit sa 'yo. Pero kung gusto mo na lumayo ako, hindi ako papayag.” “Pero bakit ako, Ghon? Mas may ka-level kang iba d'yan at ka-edad mo pa.” “Nu'ng humanga ako sa 'yo, hindi ko hinayaan na magtanong ang isip ko sa puso ko kung bakit. Sorry kung ngayon ko lang sinabi. Sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob.” “Ghon, sorry. Per-” “Maghihintay ako sa 'yo kahit na walang kasiguraduhan, Lailani.” “G-Ghon.” “Kay tagal na nahiya ang aking puso na isiwalat ang aking nararamdaman para sa 'yo. Ngayon na alam mo na, hindi ko hahayaan na humarang ang aking pangamba.” Tumalikod ako. Hindi ko akalain na sa sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko'y mayroong isang Ghon Hidalgo na humahanga sa akin. Totoo nga na nakulong ang aking kumpiyansa sa aming tahanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD