Chapter 5.

273 Words
Nagulat ako dahil usap-usapan sa school na isinakay ako ni Ghon sa kotse niya. Sa katunayan, basang-basa ako ngayon dahil sa mga babaeng binuhusan ako ng tubig. “Nasaan si Khan?!” Nagulat ako sa sumigaw. Lahat ng mga kaklase ko'y tumingin sa pinto. Kilala ko ang boses na 'yun. Kaya napalingon ako. Kitang-kita ko sa mga mata ni Ghon ang pag-aalala. Naglakad siya papalapit sa akin. Hinubad niya ang jacket niya. Inilagay niya sa balikat ko. “Sir Ghon! Sorry!” nahihiyang sigaw ko. Umiyak na ako. “Why?” “Nabasa po 'yung mga reviewer na ginawa ko! Tinapos ko na kasi kagabi! Sorry po!” “Okay lang, wala ka namang kasalanan.” Hinawakan niya ang ulo ko sabay hinimas. “Sorry kung naranasan mo 'to dahil sa akin. Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa bago mong isusuot. About naman sa reviewer, sa isang buwan mo na ibigay sa akin. Pero babayaran pa rin kita.” Magsasalita na sana ako pero bigla niya akong hinila palabas. “Ghon!” “Why, Lailani?” “Gusto ko ng tahimik na buhay. Mas okay nang si Delira ang kaibigan ko.” “S-sorry ulit, Lai.” Nagmadali akong tumakbo. Ayaw ko na maging sentro ako ng atensyon dahil tuwing may family gathering ang pamilya namin ay sentro na ako sa pangungutya. Mayroon akong nabangga na lalaki. “P*ta ka!” Lumingon ako. Si Dykan pala. “Pasensya na.” “Wow! Ano ang iniisip mo? Na gusto ka ni Ghon? Baka hindi mo alam na top 1 'yun palagi since 1st year. Bakit siya magpapagawa ng reviewer sa 'yo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD