Chapter 4.

285 Words
Uwian na. May pumarada na magandang kotse sa harapan ko. Bumukas ang pinto. Bumungad si Ghon. Bumaba siya sabay pinagbuksan ako ng pinto. “Sumakay ka na,” he seriously said. Tumango ako ng mabilis. Nakakailang na kami lang dalawa sa kotse niya. “Sorry kung mabilis kitang pinasakay sa kot-” “Ghon, ngayon mo na ba ibibigay ang mga printed papers sa isa mong subject? Kunin ko na!” Ha? Ang bilis ko naman, nakakahiya. “May nagsabi na ba sa 'yo Lailani na maganda ka?” “O-opo, 'yung mga lalaking nakasakay sa truck.” Tumawa siya ng malakas. Napatitig ako sa kanya. Bagay na bagay sa kanya ang ngumiti ng malaki. “Sorry, natawa ako. Pero totoo na maganda ka.” “S-salamat.” “Sorry, masyado ba akong mabilis?” “Paanong mabilis, Ghon?” “Sinabihan kaagad kita ng maganda.” “Normal naman siguro sa 'yo 'yun kasi marami kang nakakasama na magaganda.” “Pero never kong sinabi sa kanila. Sa 'yo lang.” “Ah!” “Lailani, anong strand mo?” “HUMSS.” “Anong course ang kukunin mo?” “Bachelor of secondary education, Ghon.” “I see. Uhm... nasa choice mo ba ang criminology?” “W-wala eh.” “Ah. Maganda rin ang course na 'yun. Uhm... gusto mo bang ihatid na kita sa bahay ninyo?” “Ay! Huwag na po. Maraming tsismosa sa amin. Baka sabihin na mabubuntis ako kaagad.” Tumawa siya, “Mga chismosa nga naman. Pero wala akong pakialam sa kanila. Gusto ko na safe ka hindi lang dahil sa ikaw ang gagawa ng reviewer ko.” “O-okay, Ghon.” “You're welcome.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD