Chapter 3.

275 Words
“Hoy! Naligo ka ba?” natatawang tanong ni Delira. “H-ha?” “Ganyan pa rin na t-shirt at pants ang suot mo simula kahapon. Naka-uniform tayo ngayon.” “Hala!” Tawang-tawa si Delira sa akin. “In love ka 'no? Sino 'yang iniisip mo? Bakit kahit pagligo at pagpalit ng damit ay nakalimutan mo? Omg!” “Wala.” “Si Ghon Hidalgo ba? Huwag ka ng umasa. Alam mo, balita ko, marami raw babae ang nagkakagusto ro'n.” “Kaibigan ba talaga kita? Ang sakit mong magsalita ah.” “I see, confirm, gusto mo nga!” Pinandilatan ko si Delira. Tumakbo ako papalayo para makauwi sa bahay. ** Dumiretso ako sa labas ng school pagkatapos ng klase. Mas mura kasi ang mga pagkain sa labas. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Ghon. 'Yung tindig niya kasi at itsura ay katulad ng mga character sa comics. “Ikaw lang mag-isa?” “Sir G-Ghon?” nahihiyang tanong ko, “opo.” Umupo si Ghon sa tabi ko. “Gusto mo ba ng extra income?” “P-po?” “Magbibigay ako ng printed papers sa 'yo sa isa naming subject then gawan mo ng reviewer. Kailangan ko kasi nu'n. Busy ako kaya 'di ko na maisingit sa schedule ko.” “B-bakit po ako?” “Ikaw ang gusto ko. Uhm... gusto mo ba?” “Opo!” “Nagmumukha akong matanda kung paano mo ako kausapin. Tawagin mo na lang akong Ghon.” “Ghon, gusto kong sabihin sa 'yo na maraming salamat. Kahit kailan, hindi ko makakalimutan ang ginawa mo.” He smiled. Tumango siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD