Chapter 2.

200 Words
Nakatulala ako habang kumakain. “Oh, bakit ka tulala?” mama asked. “Wala po.” “May problema ka ba sa buhay mo? Ang drama mo naman.” Tila ba'y binuhusan ako ng mainit na tubig dahil sa sinabi ni mama. Akala ko, itatanong niya na ‘may problema ka ba? Sabihin mo sa akin, makikinig ako.’ Pero hindi. ** Matagal pa bago ang next class namin kaya gumala muna ako. Natulala ako nang mabasa ko sa isang building ang ‘College of Criminal Justice’. Nakakakaba naman. Mas lalo akong natulala nang may sumigaw ng ‘harap sa kaliwa, na.’ Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko si Ghon. Seryosong-seryoso siya habang nile-lead ang mga student na nasa harapan niya. Ang angas niyang tingnan. Nagulat ako nang tumingin si Ghon sa akin. Nakakatakot ang mga mata niya. Tatalikod na sana ako pero bigla siyang ngumiti sa akin. Lahat tuloy ng mga student ay napalingon sa akin. Pero mabilis silang sinigawan ni Ghon. Tumalikod na ako. “Ano ang pangalan mo, hija?” Ghon asked. “L-Lailani Khan po. 19 years old.” “Ako si Ghon Hidalgo, 2nd year criminology student. 21 years old. Masaya ako na nakilala kita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD