Chapter 1.

291 Words
LAILANI “Siya na ba ang anak mo, Lelyana?” tanong ng aking tita. “Oo, Ate.” “Ang payat naman niyang anak mo. Kumakain pa ba 'yan?” tumawa ang aking tita. Ngumiti na lamang ako kay tita at yumuko. ** “Lailani! Hindi pa ba tayo pupunta sa free breakfast program?" my friend Delira asked. “Uh-” “Nangangamba ka ba na nando'n 'yung mga nambu-bully sa atin?” Tumango ako. Sa Repkior College Cavite Senior High School, kami ni Delira ay scholar. Nakarating kami sa loob ng free breakfast program room na walang bumabato sa amin ng mga bottled water. Masaya kaming lumabas ni Delira sa room. “Nandito na pala 'yung mga payatot na kumakain sa libreng pa-breakfast ng school!” pang-aasar ni Dykan. Si Dykan at mga kasama niya ay from College of Criminal Justice. Pero ganyan ang ugali nila. Ako at si Delira, grade 12 pa lamang. “Dykan, magmase-mase ka.” Nagulat kaming lahat sa nagsalita na lalaki. “S-Sir G-Ghon, sorry!" pagmamakaawa ni Dykan. Hinarap ko ang lalaki. Nagulat ako dahil ang uniform niya'y same lang din kay Dykan. “Ano naman ngayon kung payat ang babae? Ibinawas ba 'yun sa pagkatao mo? Suwerte ka dahil hindi ka pumipila ng mahaba, makakain lang ng breakfast. Tsaka criminology student ka, pero 'yang ugali mo'y nakakasuka. Ano nga ulit ang pangarap mo? Maging isang pulis? P*tangina ka, sa sobrang sira ng ulo mo, baka pag-graduate ay hindi mo magawa.” “S-sorry u-ulit.” “Walang kuwenta 'yang sorry mo. Mag-execute ka ng 500 push-up habang nagso-sorry sa babae!” Sa unang pagkakataon, naranasan kong ipagtanggol. “Pumasok ka na sa room ninyo, hija,” seryosong sabi ni Ghon. “S-salamat, s-sir.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD