"Sigurado ka Brix sa sinasabi mo?" tanong ni Sam kay Brix matapos sabihin nito ang tungkol sa mga sinabi ni Melody sa kaniya. "Sigurado ako Sam," sagot naman ni Brix. Napaisip si Sam, kailangan niyang makasigurado. Masyadong importante ang usapin na ito. Lalo na "Gaano mo kakilala ang Melody na iyan?" muling tanong nito, naniniguro. "Matagal na si Melody sa palasyo, kung naalala mo siya yung dapat ipapalit kay Tess bilang Apid mo," wika ni Brix kaya tila naalala ni Sam ito. "Pero si Melody rin ang nagsabi sa Reyna noon tungkol sa pagkahulog natin sa bangin, kaya nila tayo nahanap at nalaman na hindi ako ang may gawa non." "Mapagkakatiwalaan ba siya?" Tanong pa ni Sam at tumango si Brix. Dahil doon ay nakapag desisyon si Sam, kailangan niyang puntahan ang mga magulang niya para sa