Napabuntong hininga si Sam nang makita ang isang guhit ng pulang linya sa pregnancy test na hawak niya. "Negative pa rin.." bumakas ang lungkot sa mukha niyang sabi bago napatingin sa sarili sa salamin. Susubukan niya pa rin, alam niyang mangyayari rin ang kaniyang pinaplano. Kinuha niya ang test kit at itinapon iyon sa basurahan. Pagkatapos ay naghilamos siya, matapos niyang tuyuin ang kanyang mukha gamit ang towel ay lumabas na siya ng banyo. Nakita niya si Brix na nasa balkonahe. Nilapitan niya ito at nakita niya ito na naninigarilyo. Kumunot ang kanyang noo dahil ang alam niya ay hindi naman ito naninigarilyo. Binuksan niya ang pintuan at ng mapansin siya nito ay agad na tinapak nito ang sigarilyo na hawak. "Naninigarilyo ka? kailan pa?" tanong ni Sam kaya tipid na ngumiti si