"Tulog na?" tanong ni Tess pagkalabas niya ng silid. Sakto na papasok na ito dala ang ilan sa mga damit ni Sam na nilabahan nito kanina. Tumango naman si Brix. "Sige Tess, maraming salamat, ikaw na muna ang bahala sa kanya.- magpapahinga na rin ako, bukas na lang ulit." Wika ni Brix. Ngumiti naman si Tess. "Sige Brix, salamat rin." Pumasok na si Tess kaya naglakad na rin papalayo si Brix, nang tila mapansin niya si Melody na nakatayo sa gilid at nakatingin sa silid ni Sam. Napakunot ang noo ni Brix at nilapitan ito. "Melody?" tawag niya rito na tila hindi rin siya napansin. Kaya naman nagulat pa ito ng makita siya. Tila hindi inaasahan na makikita siya nito. "Brix.." wika ni Melody bago napayuko, nakaramdam ng hiya kay Brix. Napatingin si Brix sa silid ni Sam pagkatapos kay Melo