Pinahid ni Sam ang kaniyang mga luha, hindi na niya alam ang kaniyang gagawin. Hindi na niya kayang kimkimin ang mga nararamdaman niya at maski na rin ang problema niya sa pagitan nila ni Brix. Kailangan niyang may maka-usap, masabihan at mahingian ng payo. Naisip niya ang kaniyang ina, ngunit hindi pa rin siya nakakasiguro kung matatanggap nito ang relasyon nila ni Brix. Kilala niya ang kaniyang ina. Oo mabuti ito, ngunit labis ang pag-aalaga nito sa kaniya at paniniguro sa tungkulin upang hirangin na susunod na reyna ng Salinlahi. Kaya may posibilidad na tumutol rin ito sa relasyon nila ni Brix lalo pa at hindi pa naman siya nahihirang na Reyna. Kung si Knight naman naisip niya na ayaw niyang dagdagan ang iniisip nito lalo pa at may personal din itong pinagdadaanan sa relasyon nito sa