Dahil sa planong nabuo ni Sam ay binawasan nila ang kanilang pagkikita. Tuluyan ng gumaling si Brix mula sa mga natamong sugat. At si Sam ay naging abala naman sa pagtulong sa kanyang ina sa pag aasikaso ng Barrio na binubuo nila para sa mga Tribo na nailigtas. Dahil doon ay maraming nabuong plano at kilos ang Salinlahi para sa pagpapabuti ng kanilang nasasakupan. At kagaya ng sinabi ng kanyang magulang ay binuksan ang kanyang mungkahi sa Circulo. "Nais mong buksan ang Pier? At gawin na sentro ng kalakalan? Mawalang galang na Mahal na Prinsesa pero magmumukha tayong pamilihan." wika ni Orion kaya sumagot si Sam. "Pamilihan na para rin sa Salinlahi. Bubuksan iyon para sa mga nasasakupan natin para magkaroon sila ng hanapbuhay. Hindi naman natin pwedeng dalhin sila sa Islang ito at putuli