Hinintay ni Sam na matapos ang pag-uusap ni Hulyo at ng kanyang Tatay. Nang matapos iyon at makita niya si Hulyo na papasok sa silid nito at agad niyo itong sinundan. Palaisipan sa kanya ang sinabi nito sa kanyang ama. Walang tumatakbo sa isipan niya ngayon kundi baka sinabi nito ang tungkol sa relasyon nila ni Brix. Pero kung hindi man, kailangan niya pa rin makausap si Hulyo. Hindi pwede na ganoon na lang ang laging gawin niya kay Brix. Nang marating ang tapat ng silid nito ay agad siyang kumatok. Ilang sandali lang ay bumukas iyon. "Mahal na Prinsesa? Ano po ang maitutulong ko?" tanong ni Hulyo. Ngunit imbis na sumagot siya ay agad siyang nag-lakad papasok sa silid nito. Umupo si Sam sa silya sa tanggapan nito. "Nais kitang kausapin," wika ni Sam. Isinara ni Hulyo ang pintuan pag