Nagising si Sam na nasa tabi ni Brix. Tipid siyang napangiti ng mukha nito ang unang sumilay sa harap niya. Napakaamo ng mukha nito, napakalambing kagaya na lamang ng pagkatao nito. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha kay Brix at dinampian ng halik ang labi nito. Ngunit kahit na dahan-dahan pa siya para hindi ito magising ay agad siyang naramdaman nito. "Magandang umaga," wika ni Brix sa kaniya habang nanatili na nakapikit ang mata nito. "Nagising ba kita?" "Paano ako hindi magigising, eh isang Prinsesa ang humalik sa akin," wika ni Brix kaya lumapad ang ngiti ni Sam. "Sorry, hindi ko sinasadya na magising ka, gusto lang kitang i-kiss. Nanghahalina kasi ang labi mo," Ngumiti si Brix at hinaplos ang pisngi ni Sam. "Masama pa ba pakiramdam mo?" tanong ni Sam ng may pag-al