Sa labas ng silid ng Prinsesa ay hinihintay ni Brix na lumabas ito. Lahat ay nakaabang na sa paglabas ng Prinsesa, nagumpisa na rin ang selebrasyon sa labas at nagtatanghal ang bawat tribo. Bumukas ang pinto ng silid ni Sam kaya napalingon siya. Unang lumabas si Prinsesa Gabriella, sunod ang reyna, pagkatapos ay si Tess. Nanatili ang kaniyang tingin roon hanggang sa tila bumagal ang oras ng lumabas na si Samantha. Napaawang ang kanyang bibig sa labis na kagandahan nito. Pinagmasdan niya si Sam simula ulo hanggang paa. Napakaganda ng kasuotan nito na pinaghalong ginto at pula. Isang tradisyunal na kasuotan sa mga Hiraya at buong salinlahi na Mabusising hinabi at inilagay ng mga malilit na ginto at dyamante. Nababalot rin ang prinsesa sa makikinang na alahas. Mahaba ang kanyang buhok na