Habang inaayos pa ang plano para sa pagpapakilala ng Salinlahi sa lipunan ay naisipan ni Sam na mag-sanay kasama si Brix. "Mag-sa-sanay lang ako, Nay." wika ni Sam at sumama ang mukha ni Cecilia. "Di ba sabi ko bawas-bawasan ang pagsasanay? Kapag kayo pa naman ni Brix ang naglaban wala kayong pakialam kung magkasakitan kayo." Tipid na napangiti si Sam. "Kailangan rin masaksihan ni Phoenix, sinabihan ni Tatay na kailangan magsanay ni Phoenix sa pangangalaga ni Brix. Para hindi daw mahina ang katawan niyang isang yan." sagot naman ni Sam kaya si Phoenix ay tila nanginig. "Manunuod lang naman ako ngayon hindi ba?, Kayo pa lang ang magsasanay?" tanong ni Phoenix kaya natawa sila. "Oo, pero kailangan mong manuod ng mabuti dahil sa susunod na linggo ay mag umpisa na ang pagsasanay niyo." T