Kabanata 1

3226 Words
"Sam, sinabi ko naman sa ‘yo magpahinga ka naman anak. Huwag naman iyong subsob ka sa trabaho sa Salinlahi," Napangiti si Sam pagkatapos ay niyakap ang kanyang ina.  "Nay, don't worry about me, I can handle myself. And besides, ito na ako, eh. Matagal na akong ganito sa Salinlahi. Kapag tumigil ako parang may kulang, kaya let me work Nay. I'm doing this for you and Tatay.”  Muling napabuntong-hininga si Cecilia. Hindi talaga niya mapigilan ang anak sa mga gusto nito. Masyado itong abala sa Salinlahi at madalas ng napapabayaan na ang sarili.  Noon pa man si Samantha na ang inaalala niya. Bukod sa akala nila na hindi na ito makakapagsalita o makakarinig, ay ayaw nila na maramdaman nito na naiiba siya dahil sa natamong kalagayan. Hanggang ngayon, tila isang himala pa rin sa kanila ang nangyari kay Sam at ipinagpapasalamat nila iyon.  Hindi nila inaasahan na lilipas ang panahon at si Samantha pa ang magiging pinaka malakas sa magkakapatid. Para itong naging utak ng Salinlahi, na kapag may problema ay ito agad ang nakakahanap ng solusyon. Dahil din sa Prinsesa ay mas lalong naging matatag at napayaman ang Salinlahi. Ngayon si Samantha na ang halos kanang kamay ni Agos sa pamamahala. Marami itong hawak na lalawigan at lahat ng iyon ay maayos at napagyayaman.  Mabuting anak si Samantha at kapatid. At alam ni Cecilia na magiging mabuting pinuno ito sa hinaharap. Ganoon pa man, bilang ina ay hindi maalis ang kanyang pag-aalala rito.  "But I'm still worried," wika ni Cecilia. "You don't need to Nay. Kaya ko ang sarili ko.” Muling gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Cecilia, "Alam ko ‘yan pero hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala para sa ‘yo. I just want you to be happy, Anak." "I am happy, Nay. Masaya ako sa ginagawa ko. I only have this family at masaya akong protektahan ang pamilya natin." Subalit kahit iyon pa ang naging tugon ni Samantha sa kanya ay alam ni Cecilia na hindi iyon totoo. Lalo pa at halata na pilit ang mga ngiti nito.  "That's why I'm worried because you only have us, kami lang. Wala ng iba, and that's the problem." "Nay, naman. Para naman big deal iyon? Ayaw mo ‘yon? lagi lang akong naririto sa palasyo? Saka na e-enjoy ko pa na makasama kayo at ang mga kapatid ko. Ngayon lang ito Nay, kapag nag-asawa na sila madalas na natin silang hindi makakasama." "Ang nais ko lang ay ang kaligayahan mo, Anak. Bigyan mo naman ng oras ang sarili mo. Masyadong malaki ang mundo para magkulong ka sa mga responsibilidad mo sa Salinlahi. I want you to enjoy life. Maging masaya at buo. Na may makatuwang ka, na alam namin na may makakasama ka kapag nawala na kami. At kapag nangyari ‘yon doon lang ako makakampante,” pinakatitigan ni Cecilia sa mga mata ang anak na alam niyang nag-aalala rin sa kanya.   Napasapo si Sam sa kanyang mukha. "Nay, pag-uusapan na naman ba natin ‘to?" "Anak, nasa wastong edad ka na. Naunahan ka nang magpakasal ni Knight, at mukhang uunahan ka rin ng dalawang kapatid mo." "Nay, naman." "Sinasabi ko lang naman anak.”  Muling napabuntong-hininga si Sam at niyakap ang Ina. "Huwag kang mag-alala, siguro talagang wala pa. Kapag meron naman sasabihan kita, sa ngayon wala talaga." "Hay, Samantha." "Sige na po, aalis na muna ako kailangan ko pa bumalik sa Palasyo. May gagawin pa ako roon, enjoy kayo rito," wika ni Sam bago tumingin sa kanyang Ama at tatlong kapatid niya nag su-swimming.  Nasa kabilang banda naman ay ang kasintahan ni Danyon na si Clarisse, si Shantelle na Girlfriend ni Phoenix, at si Abigail na asawa ni Knight. Bitbit nito ang kambal na anak na si Alexa at Yohan. Ito rin ang dahilan kaya nag-aalala sa kanya si Cecilia. Kumaway s’ya sa Ama kaya napa-kunot ang noo nito. Pati ang mga kapatid niya ay napatingin sa gawi n’ya at biglang napasimangot. Marahil ay alam na nila na hindi na naman mananatili si Sam na makasama sila sa bakasyon.  “Magpapaalam na ako! Mag-kita na lang tayo sa susunod na linggo!” sigaw ni Samantha at kumaway sa kanila. "Ate naman! Aalis ka na naman?" sunod-sunod na reklamo ng mga kapatid niya, "Ate Sam! killjoy!" "Ate, huwag ka muna umalis.”  Isa-isang nagsiahon ang mga kapatid niya at umaamba na yakapin s’ya, pero agad niyang pinakita ang kanyang kamao. "Subukan n’yo! makakatikim kayo sa akin." "Ay! huwag, Ate."  Nagsi-takbuhan ang mga ito papalayo sa kanya. "Anak, hindi ba pwedeng dumito ka muna? Darating ang Tito Khal at Tita Gab mo kasama rin sila Sophie at ang mga pamangkin mo. Ikaw lang ang mawawala sa dinner mamaya," wika naman ng ama niyang si Agos bago kinuha ang tuwalya na inabot ni Cecilia.  "Sinabi ko na ‘yan kanina, eh kaso ayan babalik na naman daw siya sa palasyo.” "Nay, Tay, I need to. Pinilit ko talaga matapos kaso hindi kinaya. Pasensya na talaga babawi na lang ako sa inyo. Isa pa may pagsusulit po ako bukas," dahilan ni Samantha kaya nagkatinginan ang mga magulang niya.  "Haay, si Ate ang daya talaga!" wika ni Phoenix kaya inirapan niya ito. Mabuti nga at nagsalita ito, naalala niya kasi ang isinumbong sa kanya ng Apid ng kanyang ina tungkol kay Phoenix.  Sinumbong kasi siya nito na nagloloko ito sa eskwelahan. "Ikaw ha? ‘yong pag-aaral mo. Sa susunod talaga na hindi ka na naman maka-graduate? bubulungan ko ‘yan si Shantelle na maghanap na ng iba kasi ang tamad-tamad mo," bulyaw niya sa kapatid. "Hoy! Ate, huwag!" "At hino-hoy mo na ako ngayon?!”  Napa-kamot sa ulo niya si Phoenix. "Hindi naman po Ate. Ikaw kasi po eh.” Tumuon naman ang tingin ni Sam sa dalawa niya pang kapatid. "Ikaw naman, Danyon--" Ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin, isa-isa siyang hinalikan ng mga kapatid sa pisngi at tumakbo pabalik sa pool.  "We love you, Ate!" sigaw pa ng mga ito nang makalayo.  Lagi nilang ginagawa iyon lalo na kung gusto nila na makatakas sa mga sermon ni Samantha. Napailing na lang si Cecilia at Agos sa tatlong anak. Ganoon pa man ay bumalik ang tingin nito kay Sam na nakangiti habang pinagmamasdan ang mga kapatid. "Hay, ‘yang tatlong itlog na ‘yan talaga." Napatingin siya sa Ina na malungkot ang mukha kaya nilapitan niya ito at niyakap. "Nay, sorry talaga, kailangang-kailangan lang, basta pangako babawi ako ha?" "Ano pa ba ang magagawa ko?" nginitian niya ang kanyang Ina bago niyakap ito nang mahigpit. "Ako ba walang yakap?" nakangiting tanong ni Agos kaya napasimangot siya. "Tay, basa ka, wala akong pamalit." "Oh, sige na nga! Kiss na lang pala sa aking Prinsesa."  Napangiti si Sam. Lumapit siya sa ama bago hinalikan nito ang kanyang noo.  "Mag-ingat ka sa pagbalik mo ha? ‘Pag natapos mo ‘yon magpahinga ka na. Huwag ka nang magpuyat pa." "Opo Tay,” wika niya. "Tatawagan ko si Brix na pabalik ka na ng palasyo. Sakto at kakatapos lang daw nang ginagawa nila sa minahan. Mas kampante ako kapag magkasama kayo kesa na mag-isa ka sa palasyo."  Napahinto siya at saglit na tinitigan ang ama. "Tay, ‘di na kailangan. Kaya ko na sarili ko," "Kahit na, kahit iyon na lang hayaan mo na ako. Hindi kita mapoprotektahan kapag malayo ka sa ’kin kaya si Brix na lang. O sige na bumiyahe ka na at baka gabihin ka pa." Nang makabalik siya sa palasyo ay gabi na, agad siyang binati ng tagapagsilbi bago dumeretso sa bulwagan. Doon niya iniwan ang mga papeles na tinatapos niya para sa mga kakailanganin na dokumento sa pagbubukas ng bagong minahan. Tinapos niya ang lahat ng iyon bago tinawagan ang sekretarya ng ama para ipadala ang mga iyon bukas sa opisina ng pamahalaan. Isa lang ang mga ito sa mga inaasikaso niya, kailangan niya kasing siguraduhin na maayos at walang magiging problema ang minahan na maaaring ikapahamak ng mga nasasakupan nila. Dahil bukod pa man sa lahat ay ang kaligtasan ng kanilang ka-lahi ang una at pinaka importante sa lahat.  Matapos niyang iligpit ang mga dokumento ay agad na siyang tumungo sa silid. Hindi niya napansin na alas-dose na ng hatinggabi. Pagkatapos maligo ay nagsuot siya ng pulang nighties bago humarap sa malaking salamin para suklayan ang kanyang basang buhok. Pinagmasdan ang kanyang kabuoan. Ang kurba ng kanyang katawan, ang hubad niyang mukha na wala ni isang kolorete. Napakaganda at napaka kinis ng kanyang kutis na namana niya mula sa kanyang ina. Nakuha niya rin ang ganda ni Cecilia, ang pagkakaiba lang nila ay kulot ang buhok ni Samantha na abot hanggang balikat ang haba. Nasa kalagitnaan siya nang pagsusuklay ng biglang may may kumatok sa pintuan ng kaniyang silid. Ibinaba niya ang suklay at tinungo iyon para tingnan kung sino. Pagka-bukas ay nakita niya na nakatayo ang isang binata na hindi niya nakita buong araw. “Brix,” ngumiti ito sa kanya, ganoon pa man ay agad itong umiwas nang tingin nang makita ang kasuotan niya.   “Magandang Gabi mahal na Prinsesa,” bati nito sa kanya. “Kararating mo lang?” tanong ni Sam bago hinuli ang tingin nito ngunit hindi talaga makatingin ng tuwid si Brix sa kanya. “Tinawagan ako ni Tiyo Agos, sinabi na ikaw lang mag-isa rito sa palasyo.”  Napabuntong hininga si Samantha. “Masyado talaga ‘yan si Itay. Para naman walang mga Apid at tagapagsilbi rito? Ang OA ng mag-isa ha?” “Pero kahit na mahal na Prinsesa. May punto naman ang iyong Ama, bakit hindi ka muna kasi nanatili kasama sila?” tugon ni Brix sa kanya. “Marami akong trabaho,” sagot niya rito pagkatapos ay pinakatitigan si Brix na iwas pa rin ang tingin sa kanya. Kanina pa sila magkausap, ngunit hindi pa rin ito gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. “Bakit hindi ka pumasok?” “Ha?” tanong nito bago napatingin sa kanya ngunit agad din na iniwas ang tingin. “Bakit hindi ka pumasok dito sa silid?” “Baka may makakita,” wika nito pero hindi niya iyon natapos ng bigla siyang hatakin ni Samantha papasok sa loob ng silid.  “Mahal na Prinsesa?” “Nangangawit ako kapag nakatayo,” sagot nito bago muling naupo at nagsuklay ng kanyang buhok. Habang sinusuklay niya iyon ay hindi maalis ang tingin niya kay Brix na nanatiling nakatayo pa rin, “Umupo ka riyan.” “Ha?” tanong ni Brix, may pagtataka sa mukha nito. “Umupo ka riyan, nangangawit din ako ‘pag tinitignan kita na nakatayo,” agad naman na umupo si Brix sa may kama at iwas pa rin na napatingin sa kanya. Tila pakiramdam nito na nagkakasala ang kanyang mga mata.  “Lalabas na ako.” “Ha? kakapasok mo lang, lalabas ka na agad?” “Baka kasi may makakita sa akin dito. Hindi ako dapat nandito, Sam.” “Sabi ni ‘no?” umiwas nang tingin si Brix. Halata na hindi ito sanay na makita siya na ganito. Ngunit naiintindihan niya si Brix kung bakit ganito ang pakikitungo ngayon sa kanya. Alam niyang may nag bawal dito.  Pero magkababata sila. Bukod sa pamilya niya, si Brix lang ang itinuring niyang kaibigan. Komportable na komportable siya kapag nariyan si Brix. “Hindi lang tama.” “Sus!,” umirap si Samantha, nakaramdam ng inis sa kung sino man ang pumipigil sa binata, “Sabihin mo sa akin kung sino ipapa-kitil ko ang buhay niya,” Pagbabanta niya dahilan kaya napailing na lamang ang binata. “Mahal na Prinsesa--,” “Cut it off, Brix." Putol ni Sam kaya hindi nito natapos ang kanyang sasabihin. "Alam mong ayaw ko na tinatawag mo ako ng ganyang kapag tayo lang dalawa ‘di ba?” “Samantha,” wika ni Brix. “Yan! Ganyan nga,” umupo si Samantha sa tabi ni Brix at inabot ang lotion dito. “Oh, lagyan mo ako ng lotion,” utos niya kay Brix bago inalis ang roba na suot at tumalikod para ipakita ang kanyang likuran.  “Seryoso ka?” tanong ni Brix dahil hindi niya inaasahan ang nais nitong ipagawa sa kanya.  Mas lalong pinamulahan tuloy ang mukha nito, ngunit parang wala lang kay Sam. “Oo, ako ang Prinsesa. At lagyan mo ako ng lotion dali,” pag-uutos niya bago iniabot ang lotion. Nangingiti na napa-iling si Brix sa sinabi ni Sam.  “Kakasabi mo lang na ayaw mo na tinatawag kang Prinsesa.” “Ayaw ko na tinatawag mo akong Prinsesa kapag tayo lang. Pero wala akong sinabi na ayoko maging Prinsesa. Nauutusan kasi kita at wala ka naman magagawa ‘di ba?” Natawa si Sam, pagkatapos ay mas inilapit sa kanya ang hawak na lotion.  “Oh, dali na lagyan mo na ako ng Lotion. Ayoko na pinaghihintay ako,” kapwa sila natawa.  Naglagay naman si Brix ng lotion sa kanyang palad bago hinawi ang damit ni Samantha. Napatingin siya sa Marka nito na sa likuran. Ang itim na dragon ng Bakunawa na halos sumakop sa buong likuran nito. Muli siyang namangha, ngayon na lang niya nakita ang marka na ito. Bata pa lang sila ni Samantha ng huli niyang makita ang markang ito. Hindi pa ganoon lalaki at sakop ang buong likuran niya. Ngunit ngayon ay nakikita niyang abot pa ang markang iyon sa tela na tumatakip sa pang-upo nito.  Muli siyang nag-iwas ng tingin sa parte na iyon at sinimulan na lagyan ng lotion ang bandang balikat nito. “Ano ang itsura?” tanong ni Samantha kay Brix habang pinapahirapan siya nito ng lotion.  “Ng ano?” “Ng marka ko?, malaki na ba?” tumango si Brix at muli inilapat ang kamay sa likod ni Samantha, “Nakikita ko sa salamin pero hindi ganoon masyado. Bagay ba sa akin?’’ Muli, tumango si Brix at sinundan ang marka sa likuran ni Samantha. Agad siyang namangha sa labis na ganda ng marka nito. Alam niyang ilan lang sa lahi nila ang nagtataglay ‘non. Bukod sa mga magulang ni Sam na si Cecilia at Agos, namana iyon ni Samantha. At hindi nila alam kung bukod pa rito ay may nagtataglay pa ng markang iyon.  “Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa marka mo, ibang-iba na siya sa marka mo noon,” wika ni Brix kaya humarap si Samantha sa kanya. “Oo nga pala ngayon mo na lang ulit nakita ang marka ko no?” tumango si Brix, ngumiti naman si Samantha bago tumayo at tumalikod sa harapan ni Brix. Ganoon na lang ang pagkabigla ni Brix nang biglang hubarin nito ang suot dahilan para makita ng buo ni Brix ang marka niya. Halos pamulahan ang mukha ni Brix, hindi siya mapakali nang makita ang hubad nitong likuran. Ngunit kagaya sa kanyang inaasahan ay abot ang markang iyon sa pang-upo ni Samantha.  Nawala ang hiya na nararamdaman niya at napalitan iyon nang pagkamangha. Nais man pagmasdan iyon ni Brix ng mas matagal ay alam niyang hindi iyon tama. Isang Prinsesa si Samantha, at nakakasiguro siya na maaaring patawan siya ng matinding kaparusahan kapag nalaman ng sino man ang tungkol dito. Kaya muli siyang umiwas ng tingin sa Prinsesa. “Bakit ka umiiwas ng tingin? Hindi ba maganda?”  “Maganda. Hindi lang tama na bigla-bigla mo na lang inalis ang damit mo para ipakita ang marka mo. At higit sa lahat, ang katawan mo, Sam. Lalo pa at may ibang tao.” “Hindi ka naman na iba sa akin,” itinaas ni Samantha ang kanyang damit upang takpan ulit ang kanyang  katawan. Pagkatapos ay muling umupo sa tabi ni Brix, “Saka titignan mo lang naman, wala ka naman ibang gagawin hindi ba?” tanong pa ni Sam nang malapitan kay Brix kaya naman ay parang may namuong tensyon sa pakiramdam nito. “Kahit na, hindi pa rin ‘yon tama.”  Napalabi si Sam pagkatapos ay napa buntong-hininga. “Naisip ko lang naman na baka gusto mo lang makita ng buo ang marka ko.”  “Oo gusto ko. Pero hindi ibig sabihin na maghubad ka bigla-bigla sa harap ko,” pagalit pa nitong sabi kay Samantha na ultimo isa itong nakababatang kapatid niya. Ngunit si Samantha ngiti lang ang iginanti sa binata. Tila nais pa nitong asarin.   “So, Inamin mo rin na gusto mong makita ang marka ko?” “Matulog ka na,” pag-iiwas ni Brix sa usapan.  “Hala! ang daya!” tumayo si Brix kaya naman ay nagdabog si Samantha. Sinubukan niyang hatakin si Brix para bumalik ito paupo sa kama niya ngunit sa taglay na lakas ni Brix ay hindi niya ito kinaya. “Mamaya na kasi Brix, maaga pa naman.” “Gabi na,” wika ni Brix ngunit napa-iling si Samantha bago hindi pa rin binitawan ang kamay niya. “Dali na, dito ka muna kasi. Kwentuhan mo muna ako sa ginawa mo sa minahan kanina.” Dapat nasa minahan din siya kanina kasama ito. Kaso hindi na siya naka-punta dahil sa mga gawain niya sa palasyo. “Wala naman akong iku-kwento kundi ang naging trabaho ko, at alam mo kung ano iyon,” Totoo naman. Sadya lang siya na gumagawa ng paraan para manatili pa si Brix at makasama niya.  “Pero hindi pa ako inaantok,” pilit niya pa rito kahit na nasa pintuan na ng silid si Brix at handa nang umalis. Humabol pa si Sam habang nakasimangot sa binata ngunit nais na talaga nitong umalis.   “Pilitin mong matulog kahit hindi ka pa inaantok dahil maaga pa tayong magsasanay bukas,” napa-irap si Samantha, mukhang wala na talaga siyang magagawa pa, alam niyang strikto si Brix lalo na kapag may pagsasanay sila kinabukasan.  Napailing na lang si Brix sa inasal ni Sam lalo pa at bakas sa mukha nito ang labis na pagkadismaya.  “Sam..” “Oh?” Ngumiti si Brix “Goodnight mahal na Prinsesa.” “Sige na goodnight na,” pagkasabi ‘non ni Sam ay isinara ni Brix ang pintuan. Agad naman na napa-higa si Sam sa kanyang kama, at napatingin muli sa pintuan ng silid na nilabasan ni Brix. Unti-unti,  gumuhit ang ngiti sa labi niya. Napa-haplos pa siya sa kanyang pisngi nang maalala ang mga ngiti ni Brix kanina.  *** Saglit na napalingon ulit si Brix sa pintuan ng silid ni Sam. Nang makita niya na mawala na ang ilaw na maaaninag sa ilalim ng pintuan nito ay nag-lakad na siya palayo. Hindi niya maalis ang mga ngiti sa kanyang labi habang tinatahak ang mahabang pasilyo sa palasyo na papunta sa kanyang silid. Pakiramdam niya ay biglang nabuo ang araw niya nang makausap si Samantha.  Naisin niya man na manatili pa sa tabi nito, alam niyang kailangan na rin nitong magpahinga, dahil alam niyang napakaaga nito na nagtungo sa tungkulin kanina. Tapos bukas mayroon pa silang pagsasanay na gagawin. Kaya gusto niyang makapaghanda ito at hindi na mapuyat pa.  Binuksan niya ang pinto ng kanyang silid, napahinto siya at napailing na lang nang makita si Samantha na nakahiga sa kanyang kama.  “Sam,” “Ayoko sa kwarto, pakiramdam ko may multo. Tapos si Mama hindi ko pa makita. Kaya rito ako matutulog ngayong gabi, maliwanag ba?” napakamot na lamang si Brix sa kanyang ulo at wala nang nagawa sa nais nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD