"Hindi ka na pwedeng magka-anak, baka hindi ka na mag-dalang tao pa, Sam." Muli siyang napatingin sa sarili niyang repleksyon sa salamin. Naalala ang sinabi ni Doc Marj sa kaniya. Parang hindi niya kayang tanggapin iyon. Bukod doon iniisip niya kung bakit hindi sinabi iyon sa kaniya ng kaniyang Nanay. Naisip niya ang kaniyang katungkulan. Bukod pa roon si Brix. Pilit niyang iwinaksi sa kaniyang isipan ang mga sinabi ng doctor. Nang nalaman niya na nagdadalang tao siya ay pumasok sa isipan niya si Brix. Naisip niya na sabihin na ang tungkol sa kanila. Na baka sa dahilan na iyon ay matanggap nila si Brix. Na wala ng magawa ang palasyo at hindi na tumutol sa relasyon nila. Pero mukhang kung susubukan niya ulit ay magiging imposible na. "Sam, Anak?" narinig niyang tawag sa kaniya ng kan