Nataranta ang lahat ng makita ang lagay ni Sam na buhat ni Brix at halos bangkay na dahil sa sobrang putla. Nabulabog ang buong palasyo ng dahil sa nangyari kay Sam. Halos lahat ay napalabas sa kanilang silid ng dahil sa lakas ng boses ni Brix. "Brix! Anong nangyayari?" Tanong ni Cecilia at iyon na lang ang gulat niya ng makita si Sam. "Anong nangyari?! ano sagutin mo ako!" "Mahal na reyna, kailangan natin siyang dalhin sa hospital," sagot ni Brix. "Diyos ko po! Samantha!" Natataranta pa na wika ni Cecilia bago napasigaw rin para tawagin si Agos. "Mahal! Ang Prinsesa!" Lumapit si Agos at binuhat si Sam mula kay Brix. Sakto rin na dumating na si Tess na tila nagtataka ngunit iyon na lang ang kaniyang pagkagulat ng makita ang lagay ni Sam. Naalerto rin sila Hulyo kaya inihanda nito an