Kanina pa palakad-lakad si Sam sa kanyang silid. Mag pa-pasado alas onse na ng gabi ngunit wala pa rin balita mula kay Knight, sa kung ano na ang nangyari kay Tess at Brix. Ganoon pa man ay hindi siya nawawalan ng pag-asa. Malaki ang tiwala niya sa kapatid at alam niyang matutupad nito ang pangako nito sa kaniya. At tama nga siya dahil ng bumukas ang kaniyang pinto ay pumasok si Knight kasama si Tess. "Tess!" Masayang sabi niya kay Tess at agad na umiyak ito ng makita siya. "Kamahalan," humihikbi na sabi ni Tess habang nakayakap rin sa kaniya. "Masaya ako at maayos ka na. Labis akong nag-alala sa iyo. Masaya akong makitka, at higit sa lahat ay ang bumalik rito," wika ni Tess. Humigpit ang yakap ni Sam bago saglit na bimitiw at hinawakan ang kamay ni Tess. Nag-aalala na pinakatitigan