Kabanata 9

1456 Words
“Nagtalaga na ako ng mga tauhan sa ibang lalawigan, kailangan na doblehin ang mga nagbabantay doon para makasiguro tayo na hindi mapapahamak ang mga nasasakupan natin," wika ni Knight pagkatapos ay itinuro ang mapa na nasa lamesa.  Nakikita roon ang mga lalawigan na nasasakupan nila. "Blaan, Bukidnon, Higaonon, Mamanwa, Mandaya, Manobo, Mansaka, Sangir, Subanen, Tagabawa, Tagakaulo, Tasaday, at T'boli. Lahat ng mga Tribo na iyan ay protektado ng ating pangangalaga. Lahat sila ay lumapit para humingi ng karagdagang proteksyon laban sa mga kalaban na nais kumuha ng lupain nila."  Wika pa nito habang ipinakita ang mga simbolo ng bawat angkan na sumumpa sa kanilang panig.  Napatango si Agos pagkatapos at pinakatitigan ang isa sa mga tribo. "Naging madugo ang harapan sa Balan kaya hindi na natin pwedeng hayaan na mangyari iyon sa ibang mga tribo," tinapik nito ang balikat ni Knight. "Magaling, Anak. Kung ganoon mas makakabuti siguro kung maiiwan ka para pamunuan muna ang mga lalawigan habang wala kami ni, Brix."  Napatingin si Brix kay Knight na tumango lang.  "Kailangan mag-doble ingat tayo. Hindi magtatagal ay malalaman at makakatunog ang pamahalaan. Hindi tayo pwedeng magpakampante dahil sa ating ginagawa. Maaring ang palasyo ang agad nilang puntiryahin sa susunod nilang pag-atake," wika pa ni Agos kaya tila mas lalong nabahala si Brix.  "Pinuno, patawad, ngunit may nais akong itanong." Wika ni Brix kaya napatingin si Agos at Knight sa kan'ya.  "Kung matindi nga ang banta ngayon sa Salinlahi, maski na sa palasyo? Hindi po ba na mas dapat nasa tabi ako ng Prinsesa lalo na at iyon naman ang tungkulin na ibinigay mo sa akin?" tanong nito sa Hari.  Tinapik naman ni Agos ang balikat niya. "Naiintindihan ko at nag-aalala ka sa Prinsesa, ngunit para saan pa ang pagsasanay ninyo kung nandyan ka lagi para protektahan siya?. Masasayang ang mga ginawa niyong pagsasanay ni Samantha kung hindi siya matututo at mararanasan ang tunay na labanan. Saka kasama niya sa Palasyo si Cecilia. Maski na langgaw ay hindi makakadapo sa kanya," wika ni Brix kaya natawa si Knight.  "Goodluck, ang magtatangka sa kan'ya kapag si Nanay ang kasama niya," sabat naman ni Knight pagkatapos ay natawa kasama ang ama.  Magkamukhang magkamukha ang dalawa. Hindi mo nga mapapansin na mag-ama dahil mas mukha silang magkapatid.  "May separation anxiety ka na ba kay Ate Sam? Mabuti ay hindi ka pa nagsasawa sa bunganga non?" biro ulit ni Knight kaya natawa na rin siya.  "Medyo matigas nga ang ulo ng Prinsesa," sabat ni Brix.  "Anong medyo? Sobra!" wika naman ni Agos.  "Kaya mas mabuti na hindi niya muna alam ang mga nangyayari ngayon dahil magpupumilit iyon na sumama sa atin. Mas makabubuti kung sa palasyo siya mananatili dahil mas kakailanganin siya roon," muling sabi pa ni Agos pagkatapos ay tinapik ang balikat niya.  "Saka pinagkakatiwalaan kita Brix. Matindi rin ang tiwala sa 'yo ni Sam kaya naman ikaw rin ang nais kong makasama sa pupuntahan natin," tinapik ni Agos ang balikat niya kaya naman ay napangiti siya.  "Pinuno, maari ko rin po bang itanong kung anong gagawin natin sa Japan?" tanong niya.  "May kikitain tayo na ka-alyansa, kukumbinsihin natin na mag balikl oob sa Salinlahi,"  .. "Nay? Bakit ang tagal naman ng balik nila tatay?" Tanong ni Sam sa ina na kasama niya ngayon na nagtitingin sa ilang mga documento na kakailanganin sa Salinlahi.  Umangat ang tingin nito sa kaniya "Bakit? Miss mo na ang tatay mo?," nakangiti pa nitong sabi.  "Oo, kakarating niyo lang kasi tapos biglang umalis naman siya agad. Hindi man lang dito naghapunan. Isinama pa nga si Brix," reklamo niya pa.  "Nagtatanong ka ba kasi naiinis ka dahil hindi ka sinama?" tanong naman ni Cecilia kaya napabuntong hininga ito. "Sakin ka mainis kung ganoon,"  "Nay, alam ko naman na walang magagawa si Tatay kapag ikaw ang nag-utos," wika niya kaya napangiti ang kanyang Ina.  Kilalang kilala talaga niya ito.  "So ano talaga ang problema?"  "May pagsasanay pa kasi kami ni Brix. Kaso ma-de-delay. Bakit naman kasi dalawang linggo? Ang tagal naman? Saan ba sila nagpunta?" Nakasimangot na tanong niya kaya naman ay napailing si Cecilia.  "Maraming ginagawa ang iyong Tatay. Lalo na ngayon sa Salinlahi. Kailangan niya si Brix dahil pagkabalik nila ay pansamantala muna na hindi makakatulong si Knight. Kailangan niyang ayusin ang relasyon nila ni Abi. Kaya masasanay ka na dahil mukhang ga-graduate na si Brix bilang taga bantay mo,"  Nanlaki ang mata niya. Kapag nangyari iyon mas lalong hindi na niya makakasama si Brix. Maayos pa naman sana ngayon, dahil malinaw na ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Ngunit kung ganoon ang plano ng Tatay niya ay mukhang mas lalong mapapalayo ito sa kanya.  "Ha? Bakit?! Eh si Danyon?!" reklamo niya kay Cecilia kaya lumapad ang ngiti nito.  "Kailangan ang kapatid mo sa tabi ni Clarisse"  "At bakit? Anong nangyari kay Clarisse?" nagtatakang tanong ni Sam sa kanyang ina.  Dahil doon ay sumilay lalo ang tuwa sa mukha nito. "Buntis si Clarisse. Magkakaroon na naman tayo ng maliit na prinsipe o prinsesa," magiliw na sagot ni Cecilia.  Sumilay din ang saya sa mukha ni Samantha dahil sa kanyang narinig. Ganoon pa man ay napailing siya. "Makausap nga 'yan si Danyon! Sinabi ko ng pakasalan muna si Clarisse bago buntisin! Aba, aba! Makakatikim sa akin iyan!"  Napahalakhak ang kanyang ina. "Ayos lang iyan, hindi rin naman kami kasal ng tatay mo noong nalaman ko na ipinagbubuntis kita. Wala ng kaso, pwede naman silang maikasal pagkatapos niyang manganak."  Napangiti siya at niyakap ang ina.  "Lola ka na naman," biro niya kaya marahan na hinila nito ang buhok niya.  "Pero hindi naman halata na magtatatlo na ang apo ko 'di ba?" tanong nito at napakunot ang noo niya.  Pinakatitigan niya ang kaniyang ina, "Pwede pa kayong umisa."  "Isang apo pa? Naku wag sana kay Phoenix,"  Natawa siya bago napailing. Hindi iyon ang nais niyang iparating.  "Hindi, what I mean is pwede pa kayong umisa ni Tatay. Di pa huli kung susundan niyo si Phoenix,"  Dahil sa kanyang sinabi ay nahampas siya ng kaniyang ina. "Susko! Tama na! Mamaya isang lalaki na naman. Tama na ang kunsimisyon ko sa apat na itlog na iyon, huwag nang dagdagan,” na-iiling na wika ng kanyang ina.  “Malay mo naman, baby girl na this time,” pang asar na wika ni Sam.  “Ayos na at ikaw lang ang Prinsesa, kuntento na ako sa’yo,” banggit pa ni Cecilia ng may galak. Niyakap niya ito. “Nay! sige na, gusto ko pa ng baby sister!.” “Naku! magtigil ka Samantha!,”  Nagtawanan lang sila mag-ina, habang si Samantha ay nanatili pa rin na nakayakap sa kaniyang ina.  Sa isip-isip ni Cecilia ay, parang kailan lang na isang mahiyaan na bata si Samantha. Ngunit ngayon ay nasaksihan niya talaga ang pagdalaga nito. Alam niyang mabuti na ang lagay nito kumpara noon, ngunit hindi pa rin nawawala ang pag-aalala niya kay Samantha.  “Nak, tungkol nga pala sa pagsasanay ninyo ni Brix. Kinausap ko ang tatay mo na itigil na muna.” Bumakas ang pagtataka sa mukha niya. “Bakit naman, Nay?” “Hindi pa ba tapos ang pagsasanay niyong dalawa? hindi ka na bumabata Sam, alam mong umpisa pa lang ay mapanganib sa ‘yo ang pakikipaglabanan. Alam mo naman ‘di ba?” “Nay,” hinawakan niya ang kamay nito. “I’m fine, hindi mo ako dapat ng isipin. Hindi ba sabi ni Doc Marj ay humilom na ang mga facture ko? yung bakal sa pelvic ko hindi na rin mapanganib. Magaling na ako Nay, siguro sapat naman na ang 26 years para humilom na ang mga sugat ko hindi ba? I’m a 31 year old grown woman, I can handle and decide for myself. Yung pagsasanay namin ni Brix, para iyon sa akin, at sa kinabukasan ko.” Napangiti si Cecilia, napabuntong hininga at hinaplos ang pisngi niya.  “Sam, wala pa bang umaaligid sa ‘yo? mga nanliligaw?” tanong nito kaya napatigil siya.  And totoo nais niyang sabihin ang tungkol sa kanila ni Brix, kaso nag-aalangan rin siya sa magiging reaksyon nito. Kaya hanggat hindi pa ganoon kalakas ang loob nila ay ililihim muna nila ang namamagitan sa kanila.  “Wala, Nay. Bakit mo naman naisip iyan?” tanong niya.  “Sigurado ka?” hinawakan nito ang kamay niya “Kung meron, huwag kang mahihiya na magsabi sa akin.” Namula ang mukha niya. “Nay, talaga.” “Anak, seryoso. Sasabihin mo sa akin ha?” “Sige, Nay.” pag asangayon niya, kahit iyon ang kabaliktaran.  Alam niyang napakahirap na magdesisyon lalo at may tungkulin siya na dapat gampanan sa Salinlahi. At isa pa hindi lahat ng desisyon ay hawak niya. Dahil siya ang susunod na pinuno ay hawak rin ng Circulo ang bawat desisyon tungkol sa pamamahala niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD