Kabanata 8

1477 Words
"Anong sabi niya?"  "Medyo hindi sila okay ni Abi," sagot ni Sam sa kan'yang ina.  Bumakas naman ang pag-aalala sa mukha nito. Sinasabi na nga niya na kay Samantha lamang makakapagsabi si Knight ng problema nito at ng asawa niya.  "Paanong problema ba? Kinakausap ko rin si Abi, hindi naman nagsasabi. Sabi lang ay maayos sila."  "Hindi natin maalis 'yon ma, alam mo naman ang dalawang iyan. Saka syempre iisipin nila ang magiging reaksyon ninyo ni Tatay. Ayaw nung dalawa na makaabala," paliwanag ni Sam sa kaniyang ina.  "Anong problema ba? Nagloloko ba si Knight? Ano? nang maka-usap ko. Baka naman kasi iyang kapatid mo---"  "Nay, alam mong hindi magagawa iyan ni Knight," putol niyang sabi sa ina.  "Eh, alanganaman si Abi?"  Nataranta pang sabi nito.  "Nay, hindi lang naman ang pagloloko ang maaring dahilan para magkalabuan. Baka may pinagdadaanan lang sila. Masyadong na pi-pressure sa buhay mag-asawa. Hayaan muna natin. Maayos rin nila iyan," Bumakas muli ang lungkot sa mukha ni Cecilia. Gusto niyang tulungan ang anak ngunit parang wala siyang magawa.  "Nag-aalala lang ako sa mga anak nila, ang ba-bata pa, ayoko naman na lumala at magkahiwalay sila. Yung mga apo, saka si Knight. Alam mo na malulungkot 'yon kapag nawalay sa kanya yung kambal."  Niyakap ni Sam ang ina. "Magtiwala ka lang ma. Magiging maayos ang dalawang iyon. Alam ko naman na hindi hahayaan ni Knight na magkahiwalay sila ni Abi,"  "Naku! Sana nga." --- "Hi," hinapit ni Sam si Brix pagkatapos ay dinampian ng halik ang labi nito.  Tinugon naman iyon ng binata pagkatapos ay napahawak sa bewang niya.  "Hindi ka na nakasunod." "Oo, medyo dinamayan ko lang si Nanay. Medyo nag-aalala eh."  "Tungkol saan?," tanong ni Brix.  "Tungkol sa drama sa pamilya. Nag-aalala sa buhay asawa ng kanyang paboritong anak." wika niya pa, bago dinampian muli ng halik si Brix sa labi nito.  "May asawa ka na? Ikaw ang paborito nilang anak ha?"  "Baliw! Haha, si Knight ang tinutukoy ko," sagot nito bago hinalikan ang leeg ni Brix. "Saka wala pa naman tayong problema? Meron na ba?" biro niya pa kaya naman ay ginantihan siya ng halik ni Brix sa leeg.  "May sasabihin ako sa iyo" wika ni Brix kaya naman ay napatigil si Sam at napatingin sa kaniya.  "Ano?" "Alam mo naman 'di ba? Itong relasyon na meron tayo? Ang estado mo at ang lugar ko?"  Napabitaw si Samantha sa kaniya. Napakunot ang noo. Tila hindi niya nagugustuhan ang pinapahiwatig nito.  "Pag-uusapan na naman ba natin? Oo alam ko, isa akong Prinsesa at ikaw ang tagabantay ko. Pero mahal mo ako 'di ba? At mahal kita. Maliwanag naman iyon. At alam mong walang hahadlang basta nagmamahalan, Brix. Bakit? May pag-aalangan ka pa rin ba sa relasyon natin?"   Tanong ni Samantha kaya hinawakan ni Brix ang kamay niya. Hinalikan iyon ni Brix ng ilang ulit pagkatapos ay pinakatitigan siya sa mga mata.  "Hindi ako nagaalangan. Mahal kita sobra, Sam."  "Ayon naman pala, Brix."  Dinampian ni Brix ang labi niya pagkatapos ay may inilagay na kwintas sa palad nito.  "Ano 'to?"  "Alam mo ang estado natin, alam ko kung gaano kita kamahal.. kaya nais kitang ligawan"  Sa sinabing iyon ni Brix ay lumapad ang ngiti ni Sam. Napatingin sa kwintas na nasa kanyang palad na ngayon ay kinuha muli ni Brix para isuot sa kanya.  Napakaganda non.  "Sana nagustuhan mo, ginawa ko iyan para sa 'yo," wika ni Brix.  Napatingin si Samantha sa diamante na nasa kwintas. Pamilyar iyon. Parang iyon ang ibinigay niyang bato noon kay Brix. "Ito ba yung ibinigay ko noong mga bata pa tayo?"  Tumango si Brix. "Kumuha ako ng maliit na bahagi at ginawang pendant para sa kwintas na iyan. Ikaw ang dahilan kung bakit ako ngayon narito pa sa palasyo. Ikaw ang dahilan kung bakit buhay pa ako. Utang ko ang buhay ko sa'yo at ngayon gusto ko na ikaw ang maging buhay ko Samantha. Kaya nais kitang ligawan."  Nag-ningning ang mga mata ni Sam. Hindi niya napigilan ang sarili at mabilis na hinalikan ang labi nito. Mariin ang kanyang halik at tinugon iyon ng binata.  Tila hindi na kailangan ng mga salita dahil nararamdaman naman nila ang pag-iibigan nilang dalawa.  "Hihintayin ko ang sagot mo, malakipas ang dalawang linggo"  Umiling si Samantha.  "Brix? Hindi pa ba tayo? Hindi mo na kailangan na maghintay ng dalawang linggo, dahil alam mo naman ng mahal kita, kaya Oo. Tayo na at hindi mo na kailangan manligaw dahil sinasagot na kita ngayon na mismo."  Tipid na ngumiti si Brix. "Hindi, nais kong pag-isipan mo," "Brix, hindi na nga kailangan--" "Sam, hindi biro itong papasukin natin," putol ni Brix sa kaniya.  "Handa na akong ipaglaban ka pero hindi ka pangkaraniwan na tao. Isa kang Prinsesa. Tagapagmana, ikaw ang susunod na reyna dahil taglay mo ang marka ng itim na dragon. Bilang susunod na pinuno ay dapat ngayon pa lang ay pinag-iisipan mo ng ilang daang beses ang isang sitwasyon bago ka magdesisyon. Hindi para sa akin ito, kundi para sa iyo."  Napabuntong hininga si Samantha.  Napagtanto niya ang sinasabi ni Brix. Tama nga naman ito. Hindi biro ang papasukin nilang relasyon. Alam niya ang tingin ng lahat kay Brix. At alam niya bilang tagapagmana ay lahat ngagiging desisyon niya ay maapektuhan ang buong Salinlahi.  "Pero bakit sa dalawang linggo pa? Pag-iisipan ko paulit-ulit hanggang mamayang gabi. Mamaya ay ibibigay ko ang sagot mo. Magkita tayo mamaya. Pupunta ako ulit sa kwarto mo" Umiling si Brix. "Aalis ako mamaya,"  Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Sam. "Saan ka pupunta?"  "Aalis kami nanaya. May misyon kami, sasamahan ko ang Hari at si Knight. At dalawang linggo kaming mawawala dahil aalis kami ng bansa."  "Sasama ako--"  "Hindi, ako na nagpresinta sa lugar mo kaya maiiwan ka rito."  Sumama ang mukha ni Sam sa sinabi ni Brix.  "Ang daya naman! Bakit nag-prisinta ka na ikaw lang? Dapat kasama ako!"  Natawa naman si Brix sa itsura ni Sam. Halata na naiinis ito.  "Hiling ng iyong ina na dumito ka lang sa palasyo. Para sa kaligtasan mo rin,"  "At pumayag si Tatay?"  Napangiti si Agos. "Alam mo ang sagot sa tanong mo."  Nag-dabog si Samantha palayo sa kaniya. "Nakakainis naman! Kaya ko ang sarili ko." "Alam ko, at makakatulong kung nanrito ka sa palasyo. Para mabantayan mo rin ang Reyna."  "Tagabantay ba talaga kita? O tagabantay ni Tatay?"  Natawa si Brix sa sinabi ni Sam kaya naman ay nilapitan niya ito para kayapin ng mahigpit.  "Hihintayin ko ang sagot mo, 2 weeks from now," tipid na napangiti si Sam at humarap sa kanya.  Hinalikan niya si Brix ng puno ng pagmamahal.  "Mag-iingat ka ha?" Dinampian siya ng halik ni Brix. "Para sa iyo, mag-iingat ako." *** Ngumiti si Sam at umayos ng upo.  Naisipan niyang puntahan ang ina, hindi para magreklamo kung bakit hiniling nito na dumito muna siya. Kundi may nais siyang itanong rito.  "Nay, may nais lang akong itanong?"  Napakunot ang noo ng kanyang ina. Tila nagtataka sa maaring itanong niya.  Ganoon pa man ay nawala ang pagaalala sa mukha nito ng makita ang masayang mukha niya.  "Ano ang itatanong mo, anak ko?"  "Nay, kailangan mo nasabi na mahal mo na si Tatay? At nais mo siyang ipaglaban?"  Tanong niya kaya lumapad ang ngiti nito.  "At bakit mo naman natanong iyan?" "Wala lang, natutuwa kasi ako sa relasyon ninyong dalawa. Parang hindi kasi nababawasan ang pagmamahalan niyo."  pagdadahilan niya.  "Talaga ba? Baka naman may tinitibok na ang puso mo?" tanong ng kanyang ina.  Natatawa siyang umiling, ayaw niyang magpa-huli at alam niya naman na hindi siya titigilan ng kanyang ina na magsalita at magsabi ng mga bagay-bagay.  "Nay, talaga! hindi naman. Naisip ko lang sila Knight. Lalo na ngayon na may pinagdadaanan sila ng asawa niya. Kayo ni Tatay alam ko naman na may mga pinagdaanan kayo dati pero nalagpasan niyo naman. Kaso curious lang talaga ako kung paano mo napagtanto na mahal mo na si Tatay?"  Ngumiti si Cecilia na tila inalala ang nakaraan nila ni Agos.  "Makulit ang tatay mo, at hindi niya talaga ako tinatantanan. Napagtanto ko lang noon na may nararamdaman na ako sa kanya kapag hindi siya nangungulit o hindi kami magkasama at na mi-miss ko siya."  Naalala niya si Brix. Kahit naman na hindi pa malinaw ang nararamdaman nito sa kanya ay ganito na ang nararanasan niya sa tuwing wala ito sa kanyang tabi.  Lagi siyang nalulumbay kapag matagal itong nawawalay sa kanya.   "Pero, napagtanto ko talaga na mahal ko siya noog isang beses nag-away kami. Nalaman ko na planado niya ang lahat, ang mapalapit sa akin dahil ako ang Prinsesa ng Hiraya at kalaban niya ako. Nalaman ko na mahal ko nga siya kasi iniyakan ko siya. Naglalaban kami at hindi ko kaya na patayin yung tatay mo. Mahal na mahal ko ang tatay mo. At noon? handa kong bitawan ang tungkulin ko bilang prinsesa ng dahil lamang sa pagmamahal." Bitawan ang tungkulin? Kaya niya ba itong gawin?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD