Kabanata 6

1552 Words
Matagal na niyang ninanais na mahalikan si Brix, matagal na niyang sinisinta na mahagkan siya ng binata ng ganito. At ito nangyayari na nga, sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang mga halik nito.  Si Brix ang nakapagbigay sa kaniya ng unang halik. Unang halik na hindi niya inaasahan na ganito kasarap. Bagong-bago ito sa kanyang pandama, ni hindi niya nga alam kung paano nga ba ang tamang paraan ng paghalik, ngunit ng dahil kay Brix ay tila komportable siya. Nagigiliw siya sa halik nito kaya nais niya pang patagalin.  Hinapit niya ito lalo sa kan’yang katawan. Mabilis ang kanilang kilos, tila uhaw na uhaw sa isa’t isa. Naglaban ang mga dila nila sa tindi ng kanilang paghahalikan. Saglit na lalayo ang kanilang mga labi sa isa’t isa kapag nauubusan sila ng hininga, ngunit agad rin nagdidikit na tila ayaw ng mawalay sa isa’t isa.  Sa higaan na nasa gitna ng silid nila dinama ang sarap ng kanilang mga halik. Unti-unti ng nagiinit ang buong silid.  “Brix,” impit na ungol ni Sam ng maramdaman niyang bumaba ang mga halik nito papunta sa kanyang leeg.  Dinama niya lang iyon at napakapit pa sa batok ni Brix ng umangat ulit ang mga halik nito at ang kanyang taenga naman ang hinalikat nito. Halos tumaas ang kanyang balahibo ng maramdaman ang dila nito sa kanyang taenga, kinikiliti ang bahaging iyon hanggang sa iginaya na ito ng binata pababa sa kanyang leeg. Dinilaan ang balat na madadaanan non hanggang sa unti-unti itong bumaba sa kanyang dibdib.  Humigpit ang kanyang pagkakahawak kay Brix, handa na siya, nais niyang ibigay ang kanyang sarili sa binata.  Hinintay niyang alisin nito ang kanyang pang-itaas at ilapat ang mga labi nito sa kanyang dibdib ng maramdaman niyang kunin ni Brix ang kanyang kamay at biglang hinalikan ang kanyang palad. Sunod ay naramdaman niya na humalik ito sa kanyang noo kaya napadilat siya.  Ngayon ay nasa tapat na ng kanyang mukha ang gwapo nitong mukha, nakangiti at pasaglit pa na ngumiti bago dinampian ng halik ang mga labi niya.  Bakit siya huminto? anong problema? iyan ang tanong niya sa kanyang isipan ngunit bago pa man ay nagsalita na si Brix.  “That’s too much, Princess,” wika ni Brix.  Bakas sa kanilang dalawa na hinababol nila ang kanilang hininga. Hinapit siya ni Brix para mahiga ng maayos sa higaan. Umunan pa si Sam sa braso nito.  “Bakit tayo huminto?” nabitin na tanong ni Sam.  Napangiti naman si Brix pagkatapos ay tinapik ang ilong ni Sam gamit ang kanyang hintuturo.  “Gusto mo bang mauwi sa ibang bagay ang mga halik na iyon?” “Kagaya ng? tanong ni Sam kaya naman ay lumapad na naman ang ngiti ni Brix.  “Kagaya na lang ng bagay na hindi ka pa handa at maari mong pagsisihan?” paliwanag pa ni Brix at napakunot ang noo ni Sam.  “Like, S*x? Brix, hindi na ako bata--” “Shh… for now tama na muna iyon,” putol ni Brix sa kanya kaya ngumiti si Sam.  “Kinikilig ka, nag-bablush ka oh! aminin mo na, namumula ang mukha mo Brix, Hindi bagay!” asar ni Sam kaya kinagat nito ang kanyang balikat. Kapwa sila natawa, nahihiya sa bagay na nangyari sa kanilang dalawa. Ngunit agad na humupa ang mga tawa na iyon at muli ay napuno ng katahimikan ang buong silid.  Kapwa lang sila napatingin sa isa’t isa. “Sabi ko na nga, gusto mo rin ako, a-ayaw-ayaw ka pa?” asar ni Sam sa binata.  Tipid naman na ngumiti si Brix, “Kahit gusto kita, alam mo na kung bakit hindi ko dapat iparamdam---” “Shh..” putol ulit ni Sam pagkatapos ay dinampian ng halik ang labi niya.  “Wala ng dahilan para hindi mo iparamdam.” wika pa nito kaya naman ay hinalikan muli siya ni Brix.  Isang mapusok na halik na naman ang kanilang pinagsaluhan bago kapwa napangiti. May nais siyang malaman.  “Saan ka natuto?” tanong ni Sam kaya napakunot ang noo ni Brix.  “Natuto sa alin?” “Humalik? saan mo natutunan? may iba ka na bang hinalikan kaya ka ganyan kagaling humalik?” “Sam, wala pa. Alam mo ‘yan,” paniniguro pa ni Brix kaya lumapad ang ngiti ni Sam.  Alam naman niya iyon. Sabay silang lumaki, alam niya kung may babaeng umaaligid dito, at imposibleng hindi niya rin malaman kung may kasintahan nga ito. “So sinasabi mo ba na ako ang first kiss mo?” panghuhuli ni Sam sa kanya at nakita niya ang pamumula ng mukha nito.  Sinibukan nitong umiwas at akmang tatayo na sana ngunit hinatak siya ni Sam.  “Ang cute mo, huwag kang mahiya. Ikaw rin naman ang first kiss ko, Brix.” Kahit alam iyon ni Brix ay nangningning pa rin ang mga mata nito. Saglit pa siyang dinampian ng halik pagkatapos ay hinaplos ang pisngi ni Sam. “Ikaw saan ka natuto?” “Sa TV, napapanood ko sa mga palabas,” sagot muli ni Sam.  “At anong palabas naman ang mga pinapanood mo?” “Huwag mong ibahin ang tanong, ikaw? saan ka natuto? ako ang unang nagtanong kaya ikaw dapat ang sumagot,” “Sa TV,” sagot ni Brix kaya naman ay nahampas siya ni Sam.  “Brix! huwag kang gaya-gaya!” Natawa si Brix, “Sa TV nga,”  “Nanggagaya ka Brix! wag ganon!” //Flashback// "Ang tagal kitang hinintay Marco? Bakit ngayon ka lang?" wika ni Leonora pagkatapos ay hinaplos ang pisngi ng binata.  Kapwa na kumikislap ang mata nilang dalawa, sa tagal ng panahon na mag-kawalay sila ay sa wakas, hindi na nila kailangan na magtiis pa, dahil kapiling na nila ang isa't-isa.  "Hindi mo na kailangang malumbay, narito na ako mahal. Hinding-hindi na tayo maghihiwalay pa," sagot naman ni Marco.  Dahil sa matinding tuwa ay hindi napigilan ni Marco na hapitin si Leonora at mariin na halikan ang mga labi nito.  "Sam, nandyan ka lang pala---" "Shhh…wag kang maingay," putol ni Sam kay Brix bago napatingin ulit sa maliit na siwang sa silid.  Kapwa silang nasa loob ng mga dingding. Tinatanaw ang mga tagpo sa telebisyon na madalas abangan, hindi lang ng kanyang ina o ng mga taga silbi sa palasyo kundi maski siya. Paborito n'ya ang palabas na ito, hindi nga lang s'ya hinahayaan ng mga tagasilbi na manuod dahil hindi daw angkop sa edad nya. 10 na taong gulang pa lang si Samantha. Maliban sa kanyang mga aralin at pagsasanay ay wala na siyang ginagawa sa ganitong oras kaya naman ay isa na rin siya na nakaabang sa telebisyon.  Ngunit hindi ibig sabihin na hindi siya pinayagan na makapanood ng ganitong klaseng palabas ay hindi na talaga s'ya makakapanood.  Maraming paraan, at siya si Samantha. Lahat ng bagay ay kaya niyang gawan ng paraan.  "Bakit ka nanunuod ng ganyang palabas--" "Shhhh!!" putol ulit ni Samantha kay Brix pagkatapos ay tinakpan na ang bibig nito gamit ang kamay niya.  "Nagkita na sila ulit! Haayyy kinikilig ako," wika pa ni Sam. Kaya naman ay napatingin muli si Brix sa siwang at nakita n'ya na naghahalikan ang mga bida.  Namula ang mukha nito at napatingin kay Samantha "Ano ba 'yan?!"  "Shh! Huwag ka sabi maingay, baka marinig tayo nila nanay," saway nito bago napatingin sa kanyang mga magulang na magkatabi sa higaan at pareho na nanunuod.  Nakaakbay ang kanyang tatay Agos sa kanyang Nanay Cecilia na halata rin na kinikilig sa kanilang pinapanood.  "Marami naman pwede panoorin, iyan pa, pwede naman tayo manuod ng cartoons," pabulong na reklamo ni Brix.  "Boring ang cartoons, ano ba ang maganda doon,"  sabi ni Sam bago nagpatuloy sa panonood.  Wala na tuloy nagawa si Brix kung hindi ang panoorin na lang ang palabas. Ilang mga linya pa ang binatawan ng dalawang bida bago muli ay hinalikan na naman ng bidang lalaki ang bidang babae sa ikalawang pagkakataon.  Ngayon ay mas naging mapusok pa at mapagangkin kaya naman ay lumapad lalo ang mga ngiti ni Sam, habang si Brix at napakunot ang noo.  Nang madala sa labis na pagmamahal ang mga bida, at tila napakunot lalo ang nuo ni Brix lalo na ng mapatingin siya sa gawi ng mahal na hari at reyna. Dahil ang dalawa ay naghahalikan na rin at nakapaibabaw pa ang Hari.  "Sam.." mahinang sabi ni Brix pagkatapos ay tinapik ang balikat ni Sam. Nang lumingon si Sam ay itunuro n'ya ang gawi ng mga magulang nito.  Napabungisngis si Sam, "Tara na nga, baka masaksihan pa natin kung paano sila gumawa ng kapatid ko," sagot nito pagkatapos ay hinatak si Brix paalis sa pagitan ng mga dingding.  Ngunit hindi doon natatapos dahil hinatak naman n'ya ito papunta pa sa isang lagusan at dinala sila non sa siwang sa tambayan ng mga taga-silbi sa kusina.  Hindi siya nagkakamali, dahil nanonood din ang mga ito ng teleserye. Halos kiligin pa ang mga taga silbi ng buhatin ni Marco si Leonora at unti-unti inalis ang mga damit nito.  Sa gulat ni Brix ay napatakip siya sa kanyang mata.  Mahinang natawa naman si Samantha pagkatapos ay inalis ang kamay ni Brix sa mga mata nito.  "Manood ka, magagamit mo 'yan sa hinaharap," wika ni Sam pagkatapos ay kinindatan siya.  Si Brix naman ay natulala na lang, habang hindi maitago ang pagkapula ng kanyang mukha.   //End of Flashback//
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD