"Brix, haha! Nakikiliti ako," natatawang wika ni Sam ng maramdaman n’ya ang mga halik ni Brix sa kanyang leeg.
Napangiti na rin tuloy ang binata at mas dinampian pa ng halik ang parte kung saan siya nakikiliti pagkatapos ay bumalik ang mga halik sa mga labi n'ya.
"We have to stop," saway ni Brix at akmang lalayo na ng hapitin ulit siya ni Sam at dinamipan ng halik ang labi niya.
"Sam, parating na ang mga magulang mo, kailangan ko silang salubungin," dahilan ni Brix pero hindi siya binitawan ni Sam.
"Sabihin mo kasama mo ako, at may ginawa tayo" asar pa nito bago kumindat.
"Ginawang ano?," Tanong pabalik ni Brix kahit alam naman na n’ya ang ibig sabihin nito.
Ganoon pa man ay muli siyang hinalikan ni Sam, "Ginawang ganito, simula kanina kaya parang may bago na akong hobby ngayon, at tingin ko ay gumagaling na ako. Hindi pala ang TV ang natatamang paraan para matuto. Iba rin pala kung actual practice ang gagawin natin."
Hinaplos ni Brix ang Pisngi niya pagkatapos ay pinisil ang ilong ni Sam. "Nais mo bang patayin ako ng tatay mo?"
Natawa si Sam sa sinabi nito, ganoon naman ay napailing siya "Hindi, paborito ka ni Tatay, I think matutuwa siya,"
"Matutuwa kapag malaman n’ya siguro na kahit kailan hindi ka na pwedeng mawala sa paningin ko. Pero ang ganito--"
"Yung ganito?" Putol ni Sam pagkatapos ay siniil ulit siya ng halik.
"Nasa tamang edad na tayo, hindi magagalit 'yon si Tatay"
Hindi sumagot si Brix sa sinabi nito.
Isang halik lang ulit ang ginawad n'ya kay Sam pagkatapos ay hinaplos ang pisngi nito.
"Pero seryoso, kailangan na natin maghanda kasi malapit na sila. Pupunta ako sa tanggapan. Ikaw rin, magbihis ka at pumunta doon. Mamayang gabi na lang tayo ulit mag-uusap."
Pinagmasdan n'ya ang mukha ni Sam ng may pagmamahal.
"Alam ko na nag-aalala sa'yo ang reyna kaya makakatulong kung naroon ka kapag dumating sila."
Tipid na tumango si Sam sa sinabi ni Brix pagkatapos ay niyakap ito muli.
"See you later," isang dampi sa labi ang kanyang ibinigay kay Brix. Ngunit sinuklian iyon ng binata ng isang malalim na halik.
"See you later, Sam."
***
Nasa tanggapan na ng palasyo si Brix ng makarating siya. Nasa bungad ito ng pintuan kasama ang ilan pa sa mga sundalo ng Hari. Matikas at gwapong-gwapo at napakarespeto tignan. Isa talaga ito sa mga kilala at kinakatakutan ng lahat.
Bukod kasi sa sundalo sila ng Salinlahi ay kilala rin ang grupo nila bilang mga assassin ng angkan. Nand'yan sila para protektahan ang buong Salinlahi, lalong-lalo na ang buong pamilya Salvacion.
Gusto niyang matawa, hindi nila alam na ang lalaking kinakatakutan ng karamihan ay tiklop sa kanya. Hindi lang iyon, dahil ngayon boyfriend na niya.
Kinilig siya sa bagay na iyon.
Saglit siyang napangiti kay Brix, ginantihan rin siya nito saglit ngunit agad din na nag-iwas nang tingin ng lumapag ang chopper na sinasakyan ng mga magulang ni Sam.
Unang bumaba ang kanyang ama at inalalayan ang kanyang ina, Kasama rin nito si Knight na sumunod sa kanya.
Tipid nyang nginitian ang mga ito. At nang masipat siya ng kanyang ina ay dali-dali na lumapit ito sa kaniya.
Isang mahigpit na akap ang ginawad ni Cecilia kay Sam. Ginantihan naman niya ito at hinaplos ang pisngi ng kanyang mahal na ina.
Napatingin s'ya saglit sa kanyang Ama at kay Knight, tipid na ngumiti ang dalawa ngunit hindi nakapapit agad dahil kinausap nila ang mga sundalo ng salinlahi sa pangunguna ni Hulyo.
Kita niya ang pag-aalala sa mga mata nito.
"Nay, kamusta ang byahe ninyo?" aniya.
Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang palad bago pinisil iyon. Alam niyang hindi nais nito na pag-usapan ang kanilang naging byahe dahil siya ang inaalala nito.
"Huwag mo kaming isipin, maayos kami. Ikaw? Kamusta ka anak? Sinabi sa amin ni Brix ang tungkol kay Mama. Maayos ka lang ba?" tanong ng kanyang ina.
Napalingon sa gawi ni Brix. Nakatingin ito sa kanya. Tipid siyang napangiti at humawak sa braso ng ina at iginawi ito papasok sa palasyo.
"Maayos naman ako, Nay. Malungkot pero naiintindihan ko naman. Matanda na si Mama, ngayon nasa maayos na s'yang lugar. Nakakapagpahinga na siya."
Itinanday ni Cecilia ang kanyang ulo sa balikat ni Sam. "Saan niyo siya banda inilibing?"
"Doon kung saan nakalibing si Lucky," sagot niya.
Tipid na ngumiti si Cecilia. "Pupuntahan ko sila doon mamaya,"
"Nahihiya ako at naputol ang bakasyon ninyo,"
wika ni Sam sa ina na umiling.
"Ayos lang, hindi rin naman kami mapakali. Alam mo naman na napakaimportante ni Mama sa pamilya natin kaya ang hirap na maging masaya kapag alam kong nalulungkot ka rin ng dahil sa nangyari sa kan'ya," sagot ni Cecilia pagkatapos ay napatingin kay Knight.
"Pero mukhang kailangan na rin talaga namin umuwi at hindi ayos 'yang kapatid mo," wika pa nito kaya napatingin na rin siya sa kanyang kapatid.
"Oo nga, bakit nandito 'yan? Hindi niya kasama si Abi, at 'yong kambal?" tanong niya.
Umiling si Cecilia at bumulong. "Kausapin mo, mukhang may problema sila ni Abi."
Sa sinabing iyon ng kan'yang ina ay napakunot ang noo n'ya. Sa isip-isip niya ay ano na naman kaya ang problema ng kapatid at ng asawa nito.
"Sige, 'Nay. Mauna ka na sa kwarto, susunod na lang ako."
Wika niya kaya tumango ang kanyang ina, sakto naman na Dumating si Inang Lucia kaya ito na ang naghatid sa silid nito.
Sinalubong naman niya ang kanyang ama at kanyang kapatid. Niyakap niya ang dalawa at saglit na napatingin kay Brix na nasa likod ng kanyang ama.
"Tay, kamusta?"
"Ayos naman, ikaw? Balita ko ay maganda ang naging resulta ng pagsasanay ninyo ni Brix. Nabangit sa akin ni Hulyo."
Wika ni Agos na tila hindi na inungkat ang tungkol kay Mama. Iyon rin naman ang nais niya. Dahil nalulungkot lang siya lalo kapag pinag-uusapan nila si Mama. Saka isa pa, iyon ang pinagkaiba ng kanyang ama sa kanyang ina. Alam nito ang mga bagay na hindi na niya nais ungkatin pa lalo na kung ikakalungkot niya.
"Yes, natalo ko si Brix. Hindi ba Brix?" nakangiti niyang sabi bago kinindatan si Brix.
Natawa naman si Agos at muli siyang niyakap.
"Paano ba iyan Brix, mukhang nalalamangan ka na nitong binabantayan mo."
"Gumaling ka po ang Prinsesa ngayon"
"Saan Brix? Saan ako gumaling?" Asar nito kaya nilakihan siya ng mata ni Brix.
"Sa pakikipaglaban mahal na Prinsesa."
Ngumisi lang si Sam at natuon din ang pansin kay Knight. "Sup, Bro? Nasan na mga pamangkin ko?"
Muli siyang niyakap nito. "Ikaw kailan ako magkakaroon ng pamangkin sa'yo?--"
Binatukan niya ito kaya napasapo si Knight sa ulo niya.
"Minsan ka na nga lang pumupunta dito ang dami mo pang ebas," sermon niya.
"Medyo masakit 'yon ah? Pero seryoso? Kailan ba? Lahat kami excited na," tanong ni Knight.
Napatingin siya kay Brix. Nananatili na tahimik at walang imik ito.
"Tigilan mo ako. Kung hindi, hihilain ko 'yang dila mo."
"Huwag mo nang asarin ang ate mo," saway iyon ni Agos. "Mag-uusap pa ba kayo o pupunta na tayo sa opisina?" Tanong nito at akmang maglalakad na si Knight ng hilain niya ito.
"Susunod na lang kami ni Knight. May itatanong kasi ako sa kanya tungkol sa kumpanya."
Tumango si Agos. Saglit pa na nagtama ang tingin nila ni Brix pagkatapos ay umalis na ang mga ito at naiwan silang dalawa ng kanyang kapatid.
"Kailangan na tayo, ano ba itatanong mo sa kumpanya--"
"Hindi tungkol sa kumpanya, tungkol sa'yo" putol niyang sabi kay Knight.
"Sa akin? Bakit?"
"Bakit ka nandito? At bakit wala si Abigail at ang kambal?" tanong ni Sam.
Napabuntong hininga si Knight.
"Nabanggit sa'yo ni Nanay?" balik na tanong nito sa kan'ya.
"Wala pa, kaya nga nagtatanong ako sa'yo. So anong problema ba?"
Tanong niya pa bago napakapit sa braso nito.
Siya ang nakakatanda ngunit napakatangkad ng kaniyang kapatid.
"Huwag ka nang mahiya, baka makatulong ako. Kakausapin ko si Abi, kung ano man ang problema ninyo ngayon."
"Mukhang mahirap ngayon. Hindi ko alam kung kaya ba na madaan sa pag-uusap," sagot nito.
Bakas ang pagkabalisa sa mukha ni Knight. Mukhang matindi nga pinagdadaanan nito at ng kanyang asawa.
"Ano ba kasi nangyayari?"
"Medyo hindi kami maayos, nararamdaman ko na gusto na niyang makipaghiwalay sa akin."
"Ano?!" gulat na wika ni Sam.
"Ramdam ko, nahihirapan lang siyang sabihin. At hindi ko rin gustong marinig iyon sa kan'ya. Ang liliit pa ng mga anak namin, Ate. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag naghiwalay kami dahil sigurado ako na isasama niya ang mga anak namin."
Niyakap niya ang kanyang kapatid bago hinaplos ang likod nito. "Huwag mong isipin 'yan, magiging maayos rin kayo ni Abi. Tiwala lang. Mahal niyo ang isa't isa 'di ba? Kaya hindi iyan,"